Kwentuhan Tayo

This blog entry will be written in Filipino. I shall write something about this in English very soon.


Ayun na nga mga bakla ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na ‘to talaga. Well actually nasusulat ko naman na before na sobrang saya ko na kasi kumbaga nakamove on na ako, masaya na ako tapos hindi na ako galit. Pinagdaanan ko yung stages of grief sa buong 2 years and sa middle ng 2018, dun ko siguro napush yung mapunta ako sa Acceptance stage. After non, nag-focus na ako kung paano ko ba mapapaganda yung buhay ko, kung paano ba ako magiging masaya sa sarili ko na hindi ko na iisipin yung mga malulungkot at masasakit na pinagdaanan ko.

It took me 2 years to finally move on from all the pain and sabi sa cliché time heal all wounds at napatunayan ko nanaman nga na totoo yan. Time really did heal all the wounds, hindi lang sakin pati na rin sa dati kong friends.

Hindi na bago sainyo ang kwentong yon pero in short, sa isang malaking circle of friends since HS, kasama ang dalawa kong best friends, nagaway away kami. Actually, ako lang yung inaway nila. So yung 2 best friends ko nawala sa akin. Hindi ko iniisip na hindi na kami magkakabati pero nagmove on talaga ako kahit sobrang hirap. Alam niyo yan, lalo na yung matatagal nang kaibigan ko sa blogosphere, alam niyo yung paulit ulit akong magmomove on at paulit ulit din akong hindi bigla makamove on. Diba? Habang naloloka ako, andiyan kayo na naloloka din dahil naloloka ako *kaya sobrang salamat talaga*

Not so long ago, nakapagusap kami nung isang ex bff ko and okay naman, civil pero hindi kami yung kagaya ng dati. Civil lang ganon. And for me, it was enough. Nasasaktan pa rin ako and siguro hindi ako ready din nung time na yon kaya siguro ganon din ang binigay ni God.

Fast forward to November—okay naman ako naaalala ko sila, pero di ako naiiyak. Hindi na rin ako nalulungkot. Parang sakto lang. Tapos narealize ko na siguro sa self nga muna ako magfofocus talaga.

December—biglang nagmessage yung isang ex bff ko. Mabilis yung mga pangyayari eh, biglang one moment nagsabi lang siya na napapanaginipan niya ako the next thing I know nasa labas siya ng bahay namin. Magkape daw kami. Napagusapan naming yung nangyari, nagkapatawaran kami tapos parang walang nangyari.

By the way guys, siya yung hindi umaway sakin na out of the blue. Siya yung nagalit sakin kasi nagkakarambolan na sa group chat tapos nasabi na yung mga sinabi ko tungkol sakanya nung high school kami. (madalas kasi ako magcomment ng mga pambully ganon) tapos nung nalaman niya yun nagalit siya sakin. So siya yung in reality ay may karapatan talagang magalit sakin HAHAH.

It took her 2 years din bago magreach out sakin. Hindi ko inakala talaga na 2 years lang aabutin. Alam ko in my heart na magkakaayos kami pero ang thinking ko is yung kapag may asawa na kami, may mga anak na, as in mga matatanda na talaga. Di ko inakala na 2 years lang.

Explain ko lang din kung gaano ka-deep relationship namin. Yung mama ko at mama niya, mag bestfriends. HAHAH. So simula talaga bata, mag bestfriends din kami. So kilalang kilala ko siya kaya siguro sumama din loob ko kasi hindi ko inexpect na magagalit din siya sakin haha. Pero ayun nga. Nangyari na rin naman and ang galing lang kasi alam ko talaga na magkakabati kami eh. Kahit kaming dalawa lang, or kahit kaming tatlo in God’s perfect time, pero not THIS soon.

Nung nilet go ko lang lahat at hinayaan na si God, ang universe, ang tadaha at oras ang gumawa ng paraan, tsaka naging okay ang lahat.

Speaking terms na ulit kami mga bakla. Hindi ko rin naiisip o nararamdamang mahirap ibalik yung dati kasi alam ko din naman yung pagkakamali ko sakanya. Siguro sa buong circle of friends namin, siya yung talagang iniyakan ko at yung isa. Haha.

Hindi ko na naiisip kung ano man ang shortcomings niya sa mga nangyaring iyon, napatawad ko na din ang sarili ko at napatawad din niya ako sa mga mali kong nagawa o nasabi (kasi sa totoo lang mababawa lang talaga yun. Na-blow out of proportion lang. Wala akong sinabi tungkol sa kanya na damaging or demeaning. Talagang mababaw na nagkandaleche leche lang) kaya siguro madali para samin na ipag-patche patche yung mga pieces na nalamatan.

Tapos this week lang kasi pinapakinig sakin ni Kyx yung “Dati” na cover ng Ben&Ben na originally pinerform ni Sam Concepcion at Tippy Dos Santos. Yung tema talaga ng kanta is about sa past tapos parang childhood friends sila turned to sweethearts. Pero nung narinig ko yun, silang dalawa yung naalala ko. Eto kasi yung lyrics/lines na relate kaming 3 HAHA

“lagi lagi ka samin dumiderecho pag-uwi” –ganyan kami. Magkakapitbahay kasi kaming 3.

“umaawit ng theme song na sabay kinabisa, o kay sarap namang mabalikan ang alaala” –lagi kami nagmememorize nung mga kanta. May hit songs songbook pa kami lagi.

Tapos susundutan mo ng

“Sana mabalik ang dati nating pagsasama” at “Ngunit marami ngayo’y malayo ka, malabong mangyari. Ang aking pagtingin, ibulong nalang sa hangin, pangarap nalang din na gaya pa rin ng dati”

Hindi ko maiwasan na sila yung maalala ko nung narinig ko yan. (Pakinggan niyo ah, ang ganda. Nanalo yan sa PhilPop 2013.)

Masaya ako na una sa lahat, nagkaintindihan kami at nagkapatawaran sa mga mali namin pareho. Pangalawa, bumalik na yung dating kami. Kahit kaming dalawa lang.

Ayun lang yung kwento ko. Masaya lang ako. Masaya ako na tama kayo ng sinabi sa akin na makakamove on ako, na magiging okay ang lahat.

So pano, inuman na!


**wala pa din yung bwakanangshet na 13th month pay namin HELLO GUYS 5 DAYS BEFORE CHRISTMAS WALA PA DIN? ANYARE??? ANOMPETSA NA???????**

Advertisements

Wag Sabihin Kung Hindi Kayang Gawin

Gusto ko lang sabihin na wag nating madalas sabihin yung I love you at dudugtungan pa ng “no matter what” kung hindi natin kayang panindigan.

Ang love kasi napakalalim niyan. Big word. Ganern. Hindi siya madaling gawin.

For me, love in general is loving that person despite everything. Love is having faith in that person and if you don’t love that person enough, yan papasok yung you will have to walk away and no I’m not saying that’s wrong, kasi lahat ng bagay may hangganan. But all I’m saying is napakahirap ng pagmamahal. Hindi yan madaling ibigay sa friends, family at ibang tao kasi ang hirap magmahal.

Kasi pag mahal mo, mahal mo even in the tough times. You find yourself forgiving people and understanding them because that’s how much love you have. You forget about the pain and hurt they may have caused you lalo na yung petty things because love is so much stronger than the hurt diba?

Kaya nga sinasabi nila yung love daw nakakabobo, nakakatanga. Kasi in reality nga papatawarin mo ng paulit ulit kahit gaanong kasakit, paulit ulit mong papakinggan with the hope na hindi na mauulit yung masama o masakit na ginawa. If hindi mo yan magawa for someone, then your love isn’t that deep.

Ang dami kong friends na sobrang love na love naming ang isa’t isa pero nasan na sila ngayon? Sometimes you only love a person when it’s convenient. You love a person when everything is right for the both of you. If nahurt ka, if may maling nagawa sayo, all of a sudden hindi mo na mahal without even thinking nab aka ikaw may mali ka rin na nagawa.

Loving someone only when it is convenient is not love at all.

And napatunayan ko yan sa nanay ko at kay Kyx.

Well my mom, given na yan talaga kasi sobrang mahal niya ako at lahat ng anak niya.

Kay Kyx naman, ang dami kong moments. Lalo na yung anxiety attacks ko na nagsusuffer din siya when I suffer. Pwede naman siyang umayaw, pwede naman siyang bumitaw but he never does. Alam niyo yung sa pelikula yung sobrang hirap na mahalin nung isang tao tapos umiiyak na sila pareho kasi sobrang sakit na pero may isang yayakap tapos magyayakapan nalang sila ng mahigpit habang umiiyak? Yun yung love. Yun yung “despite of”. Yung yayakapin mo nalang lahat ng sakit kasi mas masakit mawala yung taong yun so you welcome the pain instead tapos si love na ang bahalang umaway kay pain. Kasi eventually, the pain goes away when the love stays strong.

Kaya nga kung hindi natin kayang gawin yan, wag na nating sinasabi.

Nagdadasal ka ba pag gising na pag gising mo?

Matic kasi ako na bago matulog at pag gising na pag gising, si God ang kinakausap ko. Para siyang silent listener. Kuda ako ng kuda, kinukwento ko sakanya yung mga nararamdaman ko, yung mga nangyari, mga naiisip ko. Araw araw humihingi din ako ng kapatawaran para sa mga nagawa kong hindi maganda tapos susundot ako ng mga request lalo na about health and strength.

Minsan kahit paulit ulit na nga yung sinasabi ko sakanya hindi ko pa rin maalala. Parang nabubura sa memorya ko. Hindi ko alam kung sa sobrang antok ko ba o kasi kung ano ano lang sinasabi ko?

Pero tuwing gitna na ng araw, binabalikan ko yung oras na nagdasal ako nung gabi at nung umaga. Inaalala ko kung ano nga ba yung sinabi ko sa Panginoon.

Kanina napaisip ako tapos tandang tanda ko yung dasal ko.

“Lord, ayoko na. Ayoko na silang maisip. Ayoko na silang mapanaginipan ulit. Ayaw ko na”

Tapos ngayon nung inaalala ko yang mga sinabi ko, para bang naawa ako sa sarili ko. Ano ba ako unconsciously? Sa mga oras na mahinang mahina pa ang katawan at isipan ko, ano ba akong klaseng tao? Iniisip ko tuloy, malungkot ba ako? Broken pa ba ako on the inside? Hindi ba ako masaya? Hindi pa ba ako tapos magluksa sa mga taong buhay na namatay lang sa buhay ko? Ano na ba??

Pero bigla ko din naisip na kahit sa mahinang estado ng katawan ko, half asleep man ako, malakas pala ang puso kong kumawala sa mga nakakasakit. Akala ko martyr lang ako habang buhay na kahit gaano kasakit handa akong magpatawad at tanggapin ang mga taong nanakit sa akin ng buong puso. Matagal kong hinintay ang pagbabalik ng mga taong umiwan sakin. Matagal kong iniisip, hinahangad na baka magkaroon ng twist ang storya ng buhay ko, nab aka kapag may ginawa ako at kinausap ko sila, pinuntahan sa bahay o trabaho, mababago ang ihip ng hangin. Magkakaroon ng happy ending.

Pero iba na ngayon.

Alam kong kung hindi man ibigay ng panginoon ang pagkakataon na magkaroon ng second chance sa pagkakaibigang iyon, matatag ako. Kaya ko. Kasi ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko na silang isipin, ayaw ko na silang mapanaginipan ulit.

Relasyon Chronicles

Kagaya ng lahat ng relasyon, hindi perpekto ang sakin, ang sa amin. Hindi naman kasi talaga laging masaya, laging nakakatuwa, laging walang tensyon. Hindi ganoon.

May paminsan minsang pagsundot ng mga nakakainis na scenario. Mga nakakabwisit na quirks at mga nakakapunyetang problema na gusto mo nang malusutan pero stuck kayong dalawa.

Lagi din naman nagiging maayos, laging nagiging okay pagkatapos.

Magkasama kami sa bahay. Nagki-cringe ako sa term na “live in” kasi bukod sa wrong grammar ito dahil siguro shortened term ng “living in one house together” hindi magandang pakinggan. Hindi ko alam kung bakit. Kaya mas gusto ko nalang yung term na magkasama sa bahay hahaha.

Iba ang buhay ng magjowang magkasama sa bahay kaysa sa hindi. Para kayong nagbabahay bahayan na hindi. Para kayong unofficial na mag-asawa at bilang next level na ang relasyon niyo at hindi lang simpleng magbf-gf in a conservative country—iba din yung mga tinatalakay na issue at problema.

Nitong nakaraan may hindi kami pagkakaunawaan. Masyadong mataas ang levels ng aking emotions at hindi ko makontrol ang nararamdaman ko. Masyado akong mabilis maiyak at mainis. Hindi nakakatulong. Sa panahon na ito, kagaya ng mga nakalipas—siya ang laging kalmado lang. Maunawain sa tantrums ko at iniintindi ang mga bagay na hindi madaling intindihin tungkol sakin lalo na kapag nilalamon na ng emosyon.

Sa simpleng problemang ito, may kaunting pagsagi sa utak ko ng “baka kailangan ko nalang ng ibang tao”. Hindi ko alam kung bakit. Simpleng simple lang yung problema namin, hindi 3rd party, hindi tungkol sa pamilya. Napakasimple kaya hindi ko malaman kung bakit kailangan ko pa yun maisip.

Pero sandali lang bago ko narealize na hindi ko kailangan humanap ng iba. Hindi solusyon ang hiwalayan o kung ano pa. lalo na kung simple lang naman ang problema na pinapalaki ko lang pala.

Hindi ko sinabi sakanya yung sumagi sa isip ko, never akong nag-threat ng hiwalayan kasi alam ko at the end of the day, lagi naman din kaming nagiging okay.

Kasi kahit habang masungit ako makipag-usap sakanya, maririnig mo agad agad ang mga salitang pasensya na na sinsero at walang halong sarkasmo. Maagap siya, mabilis siya humingi ng pasensya lalo’t alam niyang may pagkakamali siya.

Hindi ko kailangang maghalungkat ng mga nakakainis niyang ginawa upang maipunto ko lang yung mga kamalian niya o areas of improvement.

Habang sinusungitan ko siya, ang sagot niya sa akin ay “Pasensya na. alam kong nagkulang ako sa parting iyon. Babawi ako.”

Hindi pa ako kalmado kahit narinig ko ang mga iyan. Sabi ko lang sakanya “sige na sige na, maghanap ka na ng panonoorin natin”. Dali dali naman siyang pumunta sa computer niya at nagtagal siguro ng 30 minutes bago makahanap ng panonoorin sabay sabi “okay ba sayo tong horror?” tapos pinalapit ko siya at niyakap. Nahimasmasan na kasi ako. Hindi na ako parang tigreng aatakihin sya.

Hayyyyyy

 Iba lang kasi talaga ang mga pinagaawayan ng mga magkakarelasyon na magkasama sa bahay. Simple pero mas nakakainis kumpara sa hindi. Hindi ko masabi dito kasi masyadong personal hahaha. Inexplain ko lang kasi nabanggit ko yung tungkol sa magkasama sa bahay eh hahah. Pero siguro ganoon talaga. May mga pagsubok na napaka petty pero doon mo makikita ang karakter ng taong karelasyon mo. Kahit ang gulo gulo mo na kausap, mahinahon pa rin siya at kalmado lang.

Wala lang, nakwento ko lang.

Kanlungan

Hindi ko alam kung ano ang kadahilanan ng pag-eemo ko sa kantang Kanlungan. Pero sa tuwing naririnig ko, parang sumisikip yung dibdib ko, parang nalulungkot ako na naiiyak na ewan. Yung boses pa kasi ni Noel Cabangon kasabay ng gitara at bass, ng mga second voice na mukang ako lang nakakapansin. Yung kabuuan nung kanta lalo na yung lyrics parang wiw nakakaewan. Siguro kasi sobrang relatable niya hindi lang about sa isang aspeto ng buhay. Parang ang daming nacocover kagaya ng pamilya, pag-ibig, pag-kakaibigan, oras, alaala. Parang lahat ng memories mo, huhukayin nung kanta, bubulatlatin hanggang sa umiyak ka ng umiyak. Kasi kahit yung mga masasayang alaala nakakaiyak eh. Mga alaala kasama yung mga mahal mo sa buhay na nauna na kasama si Lord, mga taong dating lagi mong kasama pero ngayon hindi na, yung lahat ng alaala na gusto mong balikan pero hindi mo na mababalikan kahit anong gawin mo. Yung feels na parang nag-retreat ka tapos wala kang ibang magagawa kundi balikan lang sa utak mo lahat ng napagdaanan mong masaya at malungkot pero hindi ka na makakabalik sa mismong moment na yun kasi wala na. Lumipas na.

Natatandaan mo pa ba nung tayong dalawa’y unang magkita? Panahon ng kamusmusan, sa piling ng mga bulaklak at halaman doon tayo nagsimulang mangarap at tumula.

Natatandaan mo pa ba inukit kong puso sa punong mangga at ang inalay kong gumamela? Magkahawak kamay sa dalampasigan malayang tulad ng mga ibon. Ang gunita ng ating kahapon.

 

Mga dati kong kaibigan ang naaalala ko dito. Sabay sabay kaming lumaki, pero hindi ko na mababalikan yun at tanging masasayang alaala nalang yung natitira.

Ang mga puno’t halaman ay kabiyak ng ating gunita sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan? Pana panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?

Mama ko at papa ko naaalala ko dito; Nakakalungkot isipin na tumatanda na yung mga magulang natin. Yung bang dati nakikipaglaro lang sila sayo, sila lang yung mundo at buhay mo, tapos kailangan ka nilang i-let go at some point kasi lumalaki ka na at gusto mong ma-explore pa ang mundo at buhay.

Nakakalungkot isipin na lahat ng bagay nagbabago kahit hindi mo napapansin, hindi mo namamalayan. Derecho lang ang takbo ng oras, walang hinihintay. Kung mabagal ka o mabilis, hindi mag-aadjust ang oras para sayo. Hanggang sa pag lingon mo, ang dami mong napalampas na mga pagkakataon, mga times na sana nakasama mo pa ng matagal yung pamilya mo.

Ngayong ikaw ay nagbalik, tulad ko rin ang iyong pananabik. Makita ang dating kanlungan, tahanan n gating tula at pangarap, ngayon ay naglaho na. Saan hahanapin pa?

Dito naman, mga kapatid ko yung naaalala ko. Yung hindi pa kami magkakahiwalay, yung hindi pa komplikado ang buhay. Mga bata pa kaming walang alam sa future, sobrang idealistic namin na ang iniisip naming ay hanggang sa pag-tanda, magkakasama kami. Hindi pala ganoong kadali ang buhay.

Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita, ang mga puno’t halaman bakit kailangang lumisan? Panapanahon ng pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?

At lahat ng mga kapamilya ko, mga tiyahin, tiyuhin, mga alaala, mga masasayang moments, mga nakakaloka at nakakalungkot. Dito ko yun naaalala lahat.

Siguro ang reflection ko sa kantang ito ay yung pag-checherish sa mga moments na meron tayo. Tuwing may chance tayong makasama yung mga mahal natin sa buhay, huwag natin i-take for granted kasi hindi natin alam kung hanggang kailan ba sila nandiyan. Hindi natin alam kung mabibigyan pa tayo ng ibang pagkakataon para makasama ulit sila. Tapos lahat ng mga moments, pagkakataon na meron tayo, hindi na natin yun mauulit. Kahit yung feeling na na-feel natin sa mismong moment na yun, hindi na mauulit kasi ibang feeling naman yung mararamdaman natin sa ibang pagkakataon. Lahat ng lumilipas, lumipas na. Hindi na mauulit yung mismong oras na yun. Huwag natin masyadong inaalala ang future, let’s cherish our present kasi minsan lang to sa buhay natin. Ang lunes ngayon ay iba sa lunes sa susunod na linggo, tandaan mo yan.

Tapos, matapos ang kanta, iiyak nalang ako ng iiyak HAHAHA. Joke. Masyado kasi akong maraming feelings kasi sobrang sentimental kong tao. Hindi ko na siguro maaalis sa akin yon kasi kahit maliliit na bagay at alaala, tinetreasure ko yun eh. Kaya kapag naaalala ko, very meaningful sa akin, nasesenti talaga ako. Kayo ba, nasesenti ba kayo sa Kanlungan? Ano yung mga kantang nagpapasenti sa inyo?

Forgive And Let Go, Aila!

Today I’m letting go. It’s been a year of saying and being sorry to this person who can’t forgive. To this individual who may have the ability to forgive but choose to fight hurt with hurt.

I was wondering why some people can hurt other people deliberately and not be sorry about it. I wonder how some people can wake up every morning and sleep soundly at night knowing that they have hurt someone. I wonder how some people can live day by day knowing that a person is trying to reach out not for friendship but for letting loose a grudge, pain and heartbreak.

(Or baka ako lang yung nagsasaalangalang sa ibang tao? I got so mad at this individual pero mas pinipili kong magpatawad at magsorry kung nakasakit man ako dahil una ayaw ko ng may mga kasamaan ng loob at pangalawa, mag-best friends ang tatay namin. Nilalagay ko yun sa unahan dahil ayokong malagay sa alanganin ang tatay ko.)

But then again we can’t control other people and how they react. We can’t force them to be soft hearted when they’re not. We can’t tell them to be this way, to act like this because for sure, there’s a reason as to why they are doing what they’re doing.

Kaya naman I am letting go of that person and the pain. I will not pretend that that person do not exist, I will just let it be. If I let go of the pain and hurt, I unburden myself of the baggage that I shouldn’t even be carrying in the first place. Let go of the people who hurt us, let go of the pain they brought and forgive them.

Easier said than done but this is definitely easy if you have a kind heart.

Because when you’re hurting someone and when feelings are involved, the bahala ka sa buhay mo attitude does not reflect kindness. It reflects kontrabida-ness teh.

Hindi pwedeng laging nagmamatigas para protektahan ang sarili. Hindi pwedeng laging galit agad ang pinapairal natin. Because at the end of the day, the person who holds the grudge will never be able to let go of the pain.

Ikaw, oo ikaw nga, kung iyan ang nagpapatulog ng mahimbing sayo, nakakapagpasaya sa buhay mo, yung nagpapagising ng may ngiti sa labi mo, then so be it. Pero tandaan mo, kung walang pagbabago, ibang tao ang laging magaadjust at masama pa rin talaga ugali mo, it’s on you. You will never be truly happy in life.

“Bahala Kayo Diyan” Attitude

Madalas, people pleaser tayo. Wag na tayo lumayo, ako ay isang people pleaser noong unang panahon. Para bang gumigising, bumabangon at nabubuhay ako upang pasayahin ang ibang tao at gustuhin ng ibang tao. Para bang major goal ko in life is maging very likable at adorable para sa iba. At one point na-achieve ko naman yan, aminin niyo TFIOB madali tayong nakakapagpalagayan ng loob diba? Hahaha. Pero para yang sumpa at habang tumatagal na ginagawa ko yan, para din akong gumugulong dahan dahan pababa.

Nandiyang sinasakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa ibang tao, andiyang pumapayag ako sa mga gusto ng ibang tao kahit labag naman sa loob ko, ayokong nagmumukang masama ako kaya lagi akong nageexplain ng actions ko at kung ano ano pang bagay kahit di naman kailangan. Madalas nagsosorry ako sa mga bagay na hindi ko naman kasalanan. Mabilis ako magreach out sa mga tao na nakasamaan ko ng loob kahit na muka akong tanga at kahit hindi naman sila karapat dapat, mabilis ako magpatawad at magtiwala. Lahat yan ay yung tipong hindi na ako nagiging masaya. Akala ko kasi kapag gusto ko yung gusto nila, pag sumunod ako sa mga gusto nila, isang ganap na tunay na kaibigan na ako. Huli ko na kasi narealize na ang tunay na kaibigan ay yung taong matatanggap ka kung ano ka, magugustuhan ka kahit ayaw mo ng mga bagay na hindi niya gusto. Sobrang daming dynamics ng pagkakaibigan na namiss-out ko.

Yung tipong lagi ko nalang iniisip yung kapakanan nila, okay lang ba sila, masaya ba sila, ay baka sabihin ni ganito ay ganyan, ay baka isipin ni ganito ganiyan. Para akong naglalakad lagi sa egg shells. Laging dahan dahan, laging parang tanga.

Kaya nung natautauhan na ako sa kagagahan ko, narealize ko na masyado akong may malaki at maraming pakielam sa ibang tao, sa sasabihin at iisipin nila. Hindi ko na inisip kung okay pa ba ako, kung masaya pa ba ako.

Dito na papasok yung isa sa maraming hinahangaan ko kay Kyx. Mabait na tao si Kyx, sobrang bait. Tahimik lang. Maayos at magaling makisama pero (di ko alam kung ganon talaga ang mga lalaki o likas sa kanila yun) meron siyang “bahala kayo diyan” attitude.

“Bahala Kayo Diyan” attitude – isa sa mga technique kung paano magkaroon ng stress free at peaceful life. Ang kawalan ng pakielam sa iisipin, sasabihin at gagawin ng iba. Ginagamit sa mga panahong ayaw nila sayo, naiinis sila sayo pero:

  • Wala kang ginagawang masama, hindi ka nakakabastos o nagpapakita ng kakulangan o kawalan ng respeto sa iba
  • Kapag maayos ang pakikitungo mo
  • Iniisip mo pa rin ang kapakanan ng ibang tao
  • Hindi ka nakakasakit ng damdamin
  • Hindi mo ginagamit ang attitude na ito sa pansariling interes at kaligayahan lamang. Kumbaga, hindi mo deliberately ginagawa na may naaapakan kang tao basta lamang maging masaya ka.

Gawin daw ang bahala kayo diyan attitude kapag may mga taong ayaw o naiinis sayo for no reason. Actually natatawa ako sa “no reason” kasi wala namang ganoon. Hindi pupwede yung walang rason which leads me to another topic. Kaya abangan!

Note: bakit “Bahala kayo diyan” attitude? Kasi ganito yun

“Kung wala naman akong ginagawa sainyo, bahala kayong mainis diyan”