Si Kyxa at Si Aila S01E03: Binuhay Ang Kilig

Bago mag graduation, ibinalik sa akin ng kaibigan ko yung book bind, tapos na daw silang lahat magsulat. Kinakabahan ako kasi alam kong nakapagsulat na si Kyx.

TLE Project

Pumunta kami ni Diane sa classroom namin, sa isang sulok, binuksan naming yung book bind at hinanap ang parte kung saan nagsulat si Kyx. Ang iksi lang, pero ang laki ng kahulugan sakin.

❤ ❤ ❤

Bumalik yung kilig ko tapos tumili nalang kami ni Diane.

Simula non, nagusap na ulit kami. Pero alam ko, huli na rin naman ang lahat. Magcocollege na kami, mag-iiba na ang landas naming dalawa. Sa Miriam ako, all girls nanaman at siya naman ay sa FEU.

Masayang malungkot. Pero sa isip isip ko, baka mas magkaroon ng chance na maging kami kapag college na kami!?

Gumraduate na nga kami, tapos hindi na kami nagkita buong bakasyon.

April 2008, inimbita ko siya sa birthday party ko sa Mcdonald’s. Children’s party yun pero puro high schoolers kami, 17th birthday party ko yun pero hindi siya pumunta.

Naisip ko nanaman hindi siguro ako importante kaya ganon. Nalungkot nanaman ako. Back to square 1 nanaman ulit. Wala nang katapusang paikot ikot, walang katapusang pakiramdaman.

Sa puntong ito, pakiramdam ko ako lang naman talaga ang may nararamdaman.

Advertisements

Si Kyxa at Si Aila S01E01

Dumaan ka na bas a matinding confusion? Denial? At kung ano ano pang “on the side”? Ako rin.

High school friend ko si Kyx. Pero siya yung isa sa mga kaunting lalaki doon sa school namin na yun na walang pakielam sa mga babae. Ang nasa utak lang niya ay ang pag-cocomputer—DOTA at pagbabanda banda kasama ang kaniyang mga friends. Hindi siya mahilig makipagusap o makipagkaibigan sa mga babae at iba pang mga tao sa school. Kumbaga may sarili silang mundo ng mga kaibigan niya. Cool kids sila na walang pake. Cool kids na tahimik. Hindi sila binubully ng mga pabibong bully kids sa school—tipong may respeto sakanila? Ganong levels.

Ako naman, kasama ako dun sa mga nerdy o “geeks” kung tawagin. Ayoko na ikwento kasi hindi ko naman na kaibigan yung mga kaibigan ko noon. Pero basta ganon.

Magkaibang magkaiba kami kaya hindi ko rin ineexpect na magiging mabuting kaibigan ko siya. Naging magkaibigan lang kami dahil sa 2 tao na pinagtagpo kami. Hanggang sa lagi na kaming magkatext at nagtetelebabad sa landline.

Pero parehas kaming nagpapakiramdaman. Parehas kaming hindi sigurado sa nararamdaman.

Crush ko na siya nung December 2007 pero ayokong sabihin sakanya kasi kilala ko siya. Wala siyang interes sa mga crush crush. Wala siyang pake. Wala sa utak niya yon.

Dahil sa encouragement ng mga friends ko (noon lang ko sila friends ah hahahahah) niyaya ko si Kyx na sumama samin sa Mega Mall pagkatapos ng Christmas Party. Nung gabi bago ang Christmas Party namin, tinawagan ko siya sa bahay nila.

Ako: Kyxa! Hello!!

Kyx: Bakit? (masungit ang tono)

A: Sama ka samin, magpupunta kami sa Mega Mall pagkatapos ng Christmas Party eh.

K: Ayoko. May iba akong kasama eh. (masungit pa rin)

A: Sino? Sina Jem? Sina Ambal? Sumama nalang kaya kayo samin? Para happy!

K: Ayoko nga eh. Ang kulit mo ah!! (sinigawan na niya ako)

A: Ah okay sige bye na.

Binaba ko yung telepono at hindi ko na hinintay kung ano yung sasabihin niya. Yun yung huling beses na kinausap ko siya sa taong 2007.

Hindi ko na rin siya tiningnan, hindi ko na siya kinausap. Nagalit ako kasi sinigawan niya ako pero siguro kaya ako nagalit kasi nasaktan ako. Naramdaman ko na matapos ang lahat ng kilig ko sakanya, matapos ang pagpapalit namin ng ID (oo may ganong factor. palandi effect yata yun nung panahon ko huhu), matapos ang lahat ng pagpupuyat namin sa pagtetelebabad, wala pala siyang nararamdaman sakin. Wala lang pala at kaibigan lang pala kasi talaga.

Tanong

Minsan maiisip mo baka oo, baka hindi. Madalas hindi mo na alam kung anong sagot. Madalas tinatanong mo ang sarili mo pero magkaiba ang sagot ng puso at isipan mo. Dalawang magkaibang sagot, parehong naiintindihan mo pero hindi mo alam kung alin sa dalawa ang papakinggan mo.

Madalas hinahanap mo ang mga sagot sa tanong, pero hindi mo alam kung saan sila makikita. Hindi mo alam kung andiyan lang ba sa tabi tabi o kung nasa puso mo na mismo ayaw mo lang halungkatin, ayaw mo lang harapin?Hanap ka ng hanap kahit di mo naman alam saan titingin.

Pero lahat ng tanong nasasagot sa tamang panahon. Lahat ng tanong may kasagutan hindi lang natin agad maintindihan.

Dumating na ako sa punto na ako na mismo sumagot sa tanong ko, kahit di ko alam kung tama o mali, sinagot ko at pinanindigan ko ang napili kong kasagutan. Nung alam ko na at napaniwala ko na ang sarili ko sa mga kasagutan na ginawa gawa ko lang, biglang dumating ang tamang panahon at siya na mismo ang sumagot sa mga matagal ko nang hinahanapan ng kahulugan at kasagutan.

Baka ganyan din. Dadating din ang tamang pagkakataon, dadating din ang panahon na masasagot ang lahat ng tanong.

Feeling Close Chronicles

Bakit at Paano.

When I started hardcore blogging, talking about almost everything, yung tipong nagbablog ako because of the sheer joy it brings at hindi ako nagsusulat dahil yun ang gusto mabasa ng tao kaya siguro walang masyadong nagbabasa ng blog ko. Pero ngayon, I (virtually) met people at dumami din ang kilala kong Filipino bloggers.

No one ever reads my content from my country before. Mahalin ang sariling atin pero hindi ko yun nakukuha. My audience were mostly bloggers from other countries and bilang lang yung nagbabasa talaga ng content ko. Until a week ago, the Filipino bloggers decided to create a group on Facebook, nagkaroon ng community at mas dumami pa ang nakilala kong Pinoy!

Dahil diyan, naexcite ako at talagang feeling close ako. Let me explain, excited ako sa friends kasi wala akong maraming friends in real life. So tinuturing kong friends talaga ang mga nakilala ko sa blogging community na mga Pilipino.

To my Filipino bloggers

  • Pasensya na kung feeling close ako, wagas makalike and comment kung paminsan pero ganon kasi talaga ako. ‘Wag sana kayo mabwisit sa akin hahaha.
  • Awkward akong tao pero I try my best to socialize kahit virtually lang hahaha.
  • At talagang sadyang excited ako to meet people through wordpress kasi so far, puro genuine nakikilala ko dito. Walang halong kaplastikan mga tao, parang totoong totoo yung mga nilalabas. Hindi kagaya sa ibang social media platforms na parang perpekto yung mga buhay nila. Dito mas nalalabas ko kasi kung sino ako at nakikilala ko kung sino kayo habang nakikilala ko pa lalo ang sarili ko.

Ayun, kaya if feeling niyo feeling close ako, pasensya na. FC talaga ako lalo na sa Filipino bloggers hahahahahah sabik ako sa friendship eh. Bat ba hahaha