Adulting at 26 So Far

With my recent ganap in life and having only a month before I turn another year older, I was once again compelled with a thought that I think, helped me feel better.

So if you are curious as to how it is being 26 or 27, here’s what I can say so far. I know it will be different for everyone but whatev.

  1. Adulting is never over, never easy and there’s no getting used to. It’s as if you’re being able to grasp things when all of a sudden, life throws you a curved ball. That’s how adulting is. Okay ka na pero biglang hindi pala. Ganon lang.
  2. You will go through several emotional and mental breakdowns but you will be okay. Every once in a while, we need to cry and stress ourselves, doubt ourselves a little so we can figure out that we are capable of being calmed under pressure, strong and efficient. Momma didn’t raise a weak ass bitch and we want to make our momma proud. Kailangan akala mo muna hindi mo kaya pero sarili mo lang din ang magpupush sayo para marealize mo na kaya mo. Kaya mo naman pala talaga.
  3. You can’t sulk over stuff way too long because trust me, THINGS. NEED. TO. GET. DONE. no matter how hurt or unstable you are, there are things that needs to get done like taking care of your dog, paying the bills, going to work etc etc. Hindi ka pwedeng maiyak iyak lang sa isang sulok dahil ang dami mo pang kailangang gawin at hindi yun magagawa kung iiyak ka lang at iintindihin ang mga problema mo sa buhay.
  4. There are a ton of things that you would have to do alone and once you have done it, you’ll love it and realize that well, you now prefer doing things alone. Heh. Hindi habang buhay may makakaladkad ka na makakasama sa errands mo at kung ano pang ganap.
  5. When you feel stuck, trust the process. You’re not stuck, you just need to be patient.

So ikaw, you can do it!

Advertisements

Iyakin and God’s Love

If there’s one thing I am good at, it’s crying. I get so emotional over things so easily. From simple and petty things to huge things, expect me to cry.

Whenever I meet people for get togethers, events or stuff like that, expect me to feel drained and overly emotional for the next couple of days. I’ll shut down for a while and will not talk nor be interested in anything at all. All these happens when I am drained from too much social activities or I got disappointed on a situation and I can’t quite grasp on an idea so I shut down.

Saturday was my college friend’s bachelorette party. It was so fun! After not seeing these people for years, I got to spend time with them which is UH-MAY-ZEHNG! Went home a bit drunk and happy but my heartburn is acting up because of tequila and with little to no sleep at all, my head was pounding. I missed church and the birthday party of my godson Alex. Monday, I missed work (not that I feel bad but hahaha)

So nothing went my way yesterday. It was crappy. It was a bad bad day. I can’t talk about it yet but it was just so bad that I ended up crying then falling asleep and then waking up to cry once more.

I was not able to eat dinner because I kept thinking why I was acting so dumb? Why am I still crying over crappy things? So while Kyx was eating dinner, I sat quietly, wiped my tears away and talked to God. I asked God what is he trying to tell me. Why do I still have to wait when I can get it instantly? Why do I have to wait when obviously, I need it ALREADY?! Then it’s like my mind suddenly began working again. My brain cells are energized and my heart is not as heavy when I realized that maybe, God is making sure I really want this. That he is assuring me of his perfect plans, that he’s never late because he’s always on time and how can I forget that? How for a split second can I forget that his plans are better than mine?

Did you think I stopped crying? I cried once more. HAHAHAHA but because I am overwhelmed with how God shows his love for me.

Then I stopped crying and proceeded on catching up with Scandal. Heh

 

“Lalaki ang sa amin, walang mawawala, walang talo.”

DISCLAIMER: Natrigger ako magsulat nito dahile may dalawang naguusap sa FX kaninang umaga na sa kanila daw kasi ang babae eh nag out of town keme so siyempre sabi ni Tita #1 kay Tita #2 na talo sila kanila ang babae at sa other party eh wala naman daw mawawala. HAHAHAHAAH dahil di ko sila kilala at hindi ko masabihan, isinulat ko ito para malabas ang damdamin ko. HAHAHAHA

Bago ang lahat, wag nating idamay ang relihiyon dito dahil usapang pantao ito. Damdamin, social issue o kung ano pa mang lehitimong tawag sa topic na tinatalakay ko. Hindi dapat kasali kung ano mang relihiyon o paniniwala pagdating sa diyos dahil kahit ano pa man ang relihiyon mo, nasasaktan ka, may damdamin at may pakielam sa pakikipagkapwa tao. Kaya kung relihiyon rin lang ang banat, wag na dito. At tsaka ang gusto ko lang kasi talagang pagusapan ay yung kakitiran ng utak ng mga tao na iniisip na may mawawala sa babae o matatalo ang isang babae kapag iniwan. Alam ko nakapagsulat na ako tungkol dito eh. Kaya lang nagreresurface nanaman kaya banatan ulit natin.


Kapag nagsama ang isang babae at isang lalaki, o nag live-in o nagpakasal lagi sinasabi na ang lalaki naman ay walang mawawala at walang talo. Siguro kasi kapag nabuntis ang isang babae, siya ang magdadala non for 9 months. Pero ang lalaki sasabihin nila na parang wala lang, walang nagbago nakabuntis man o hindi.

Pero kasi 2018 na ang hirap pa rin ba lalo na sa mga Filipino na tanggapin, pagaralan, pagisipan ang gender equality?

Bilang babae, hindi ko maiwasan na mainis o magpuyos ang damdamin kapag naririnig ko yung mga sinasabing sa babae kasi may mawawala o matatalo. Sa paanong paraan ho? Ano ho ang mawawala? Excuse my French pero magpapakatotoo na ako ah, mawawala ang alin? Ang virginity? Alisin natin ang mga pangkatolikong paniniwala o kung ano pa man. Tao sa taong usapan lang. Kung (gustong gusto kong isulat yung terminology na naiisip ko kaso baka sabihin niyo bastos pero isusulat ko pa rin) kik* lang rin ang basehan, sumisikip naman yon kahit gamitin mo araw araw. Scientifically speaking, hindi yan lumuluwag o nawawala sa porma via natural sexual intercourse. Ano pa? Ano pa mawawala? Yung innocence, nawala na yun matagal na. Ano pa? Alin pa? Yung puri? Ano bang ibig sabihin para sa inyo ng “puri”? Sa tekstong sekswal lang ba ang sukat at basehan? Oh come on. Puri my ass.

Sa lalaki din naman may nawawala. Nawawala din ang virginity nila. Hindi ko talaga maintindihan sa kung paanong paraan natatalo at may nawawala sa babae at sa lalaki naman ay wala. Walang talo. Puro panalo lang. Contest ba to na may nananalo at natatalo?

Kasi magwork man ang isang relasyon o hindi. Magkaroon man ng anak o hindi, wala naming nananalo at natatalo. Sige let’s put it this way, nagkaroon ng anak ang isang magkarelasyon. Iniwan ni lalaki si babae at ang anak. The end. Anong talo don? Makakahanap si babae ng kapalit ni lalaki kung yun ang destiny niya. Kung iniwan man siya sa kung ano mang kadahilanan hindi matatapos ang buhay doon, hindi titigil ang pagikot ng mundo at lalong lalo na walang contest na may nananalo at natatalo.

Kung si babae naman ang umiwan kay lalaki at sa anak nila ganon din naman. Makakahanap din si lalaki ng kapalit, aalagaan din niya ang anak, masasaktan din siya, pagdadaanan din niya ang emosyonal na trauma pero makakabangon din siya diba?

Tigil tigilan niyo ako sa mga talo ang babae. Hindi na makakahanap ng matinong lalaki gawa nang nabuntis na siya at iba pang keme at may anak na siya at kung ano ano pang katangahang banat.

Babae o lalaki, may anak o wala, may sex na naganap, walang natalo at walang nanalo. Mag-iwanan man sila, masakit yun at may emotional baggage silang dala pero walang mas kawawa lalo na kung gagawin mo yung best mo para makaahon ka sa kalugmukan.

2018 na ang sesexist parin. Pwe.

Ewan ko ba. Nakakainis. hahahahhaha


UPDATE!

Sensitibo ako pagdating sa topic na ganito dahil I came from a broken family. Kung mabasa man to ng pamilya ng ama ko o ng pamilya ng mga kapatid ko o kamag anak ng mga kapatid ko sa tatay nila, this is not intended to offend pero basehan ko lang yung katotohanan na ang mama ko mismo ang nagdesisyon na makipaghiwalay sa tatay namin ng mga kapatid ko dahil hindi na nagwowork yung relationship. Itinaguyod niya kaming mag-isa, walang tulong ng kahit na sino, hindi kami pinagaral ng mga kamag anak namin at mama ko lang talaga. Siya ang sumalo at umako ng lahat ng responsibilidad ng isang magulang pero NEVER kong nakita o naramdaman na kawawa siya. Namulat kami na matatag siya, matapang, may diskarte sa buhay. Lahat ng kinakain namin, pinangpapaaral sa amin sa kanya lang nanggaling. Wala kahit na sino ang nagbigay samin ng suporta maliban sa kanya at hindi ko nakitaan ng kahinaan kahit na alam kong mahirap magtaguyod ng limang anak na magisa ka lang. Kaya ako, ayokong naririnig na kawawa ang babae kapag iniwan. Dahil una sa lahat, kaya rin ng babaeng mang-iwan. Pangalawa, hindi kawawa dahil basta kakayanin mo at magsusumikap ka, hindi mo hahayaan ang sarili mong maging kawawa. Pangatlo, inexplain ng mama ko sakin na noong unang panahon lang kawawa kapag iniwan dahil walang walang aral o trabaho ang karamihan sa mga kababaihan (di ko alam anong year yon, baka di pa nga ako inuumpisahang buuin ng magulang ko noon) pero iba na ngayon. Ang babae, may pinagaralan, may trabaho at lumalaban.

About naman sa gender equality, ang lalaki din naman kapag iniwan hindi rin siya dapat maging kawawa. Ang lalaki kapag niloko kakayanin din niya dapat makaahon sa sakit na dinulot ng failed relationship. At kung sakanya iwanan ang anak, kayang kaya rin niyang palakihin iyon.

Kaya wag na tayo sa double standards. Masakit sa tenga marinig yun eh. Dapat pasulong, paangat. Lalaki o babae, walang kawawa at walang talo. Tandaan nyo yan.

September 16 and 17

After the book signing, Kyx and I went to Ayen and Bella’s simple but fun 21st birthday celebration. I love spending time with these youngins cause I feel young too hahaha I’m their Ate and even if I am 5 years older, we still click together eh.

We stayed for about an hour then left for ramen at Makati with his friends.

This is my 2nd try at Mendokoro Ramenba. I didn’t like it the first time we went there but maybe because I ordered their tantanmen which is clearly not the best-seller (or ako lang nagdecide na hindi siya for best-seller?) Anyway, we were there around 9:30? Traffic from Pasig to Makati wasn’t that bad, it’s in fact very light and smooth. We picked Suwa up at Glorietta 4 and we went to Mendokoro Ramenba where we waited for Kenneth and King. We were in line for about an hour, there are a lot of people and we didn’t know it’s a big hit. I always thought of that restaurant as meh but then it changed! HAH! We ordered the Super Chashu, I didn’t order my own bowl cause I ate at Ayen and Bella’s birthday gig and I was still full so Kyx just gave me some of his and I LOVED IT GRABE ANO BA. Huhuhu. I always thought Ippudo was the best ramen place here in PH but I think I love Mendokoro Ramenba now!


After eating, we hung out for a bit with the boys and talked about life and all the fun stuff they have to share hahaha. Kyx’s friends are my friends too and it’s always nice to hang out with them.

Sunday, Kyx and I did nothing but cleaned our room, watched K-Movies and slept. I like slow and lazy Sundays more often than not. Nakapahinga ako ng maayos.

How was your weekend guys?
I was planning to go to the last day of the Manila International Book Fair 2017 at SMX Moa but decided not to. Aside from the fact that traffic would be so bad, there would be lots of people too and there’d be loads of books that I would buy even if it wasn’t part of my budget so I chose to sleep instead. Magagastos ko talaga yung buong sahod ko don kaya I didn’t trust myself hah!

Is There Something by Christopher Cross

When you guys, as a couple fight about small or petty things, how do you patch things up?

For us, if it’s only me—making a big deal out of him breathing too loudly or smiling in the wrong manner or just being pissed cause I can *rolling eyes*, Kyx pulls out his funny streak and I’d end up laughing. He has this unique antics prepared for when I turn into a monster or something. One of it is playing a “patama” song while I’m brooding over things that are not even brood-worthy.

Ganito yan…

One of his favourite songs to play when I’m acting up is a song by Christopher Cross called Is There Something.

When I’m mad, pissed, upset or irritated with him he’d blast this off and I would be all like “what the actual fuck?” then he’ll smile and laugh at me. I’d go laughing and I’d forget why I’m even mad in the first place.

Sobrang gago diba? Pinapatugtog niya yan kapag napipikon na ako sakanya eh di natatawa tuloy ako. WTF hahahaha. Here’s how the chorus goes:

“Is there something that you want to tell me

Is there something that I ought to know

Are we something that’s still worth fighting for

Or should I simply let you go

Is there something I can do to reach you

Are we something more than history

I’ll find some way to convince you to stay

If you just tell me honestly

Is there something left of you and me

Nagegets niyo ba ginagawa niya? Nakakatawa kasi eh. Nagdadrama. Bigla nalang niya ‘yang papatugtugin kapag nag-aattitude ako so siyempre natatawa nalang ako, nagbabati tuloy kami ng wala sa oras hehehehe. However, he only does this kapag alam niyang kaya niya. Minsan kasi, super monster ako tawag niya doon ay “auto-demon” kaya kapag auto-demon ako, hindi niya yan magagawa. Hahaha.

Listen to the song. It’s an old one hehehe. ❤

Blog Guest # 1 *updated!

Get to know one of my most favorite artists in the 21st century! Naks!

Hi guys, I’d like to introduce you to my first guest here in “The Life of an Introvert”

Ba dum tss!

Today, you’ll know more about Kyx!!! Halata bang wala akong ma-i-guest? Chos. Wala lang, I decided to blog about him and interview him so that you can learn more about him hehehe and also, wala lang. ang saya eh ahhaha

IMG_8512

Name: Kyxarie Peralta ; pronounced as Kee-Sah-Ree. Not Kay-sa-ree, not kik-sa-ri, not asdjkhsdklsd but Kee-Sah-Ree.

Nickname: Kyx pronounced as Kiks or Kicks. Not kayks, keyks, kiss but KICKS.

~ ang labo no, kasi kee-sah-ree pero yung nickname kiks. Pero life is complicated kaya whatever.

Occupation: Artist, Digital Illustrator, Pintor

Is it hard to have a name as unique as yours? Yes. I have been into countless awkward situations just by having this name tapos may hit pa rin ako sa NBI wtf diba?

Do you correct other people when they mispronounce your name? Sometimes. Most of the time, kapag hindi ko naman makaka-interact ng todo, hindi nalang. Bahala na sila kung ano yung tawag nila sakin.

Why do you have long hair? Because hello, this is what you want diba? Wala, I guess trip ko lang din yung iba ibang buhok, tapos ngayon long hair ako kasi mas gusto mo yun.

Are you a quiet and shy type of person? Lahat siguro at first quiet and shy. Makulit ako sobra.

Why are you a passive type of person? Because I’m happier that way. I don’t like to stress myself over things that do not matter. I don’t like wasting my time and emotions on things that I can’t do anything about or those that I can’t change. If things don’t go the way I planned it to be, I won’t think a lot about it nor will I dwell on how things are not going my way. It’s more fun to be chill, you should try it.

~ So let’s go to my other random questions about you being an artist naman he he he.

When did you decide that you will be an artist? At an early age, I grew fascinated with art, drawing and the like. But I didn’t know it yet that I could and I would be an artist someday. Whenever they ask me what I want to be when I grow up, sinasabi ko when I grow up, I want to be a Pilot. Hahaha. So siguro I decided to focus on art because before college, I was thinking what I’d actually like to study and what I really wanted to be when I get to choose a job. I can’t see myself anywhere else but in the world of art. Deep inside, di lang ako makadecide agad. Sorry na.

What course did you get in college and what school did you choose? And why din pala? I chose Fine Arts in FEU. Why? Because sabi ng nanay ko magaling daw ako magdrawing eh hahahahahahaaha. Pero yung totoo naman is during my college years, narealize ko din early on na I’m in the right place, trying to take the right path. I was happy and I loved what we were doing. Kahit haggard sa plates hehe. Gusto ko kasi talaga. Yun yung bagay na passionate ako ng sobra siguro.

Was it hard to be a student of Fine Arts? To be honest, when you’re young and a college student, feeling mo mahirap lahat ng bagay. The only thing different is that I enjoyed doing what we needed to do. It’s hard, ang hirap kaya magcommute na may dala kang canvass na malaki na nakapako na sa kahoy. Not to mention, puyat din talaga everyday lalo na naghahabol ng deadlines, iinom pa ako, tatambay. Mahirap talaga HAHAHAHAHA. Pero seryoso, depende sa tao kasi kahit ako 2hrs lang ang tulog, masaya pa rin akong gumagawa ng plates namin. Kapag siguro gusto mo talaga ginagawa mo, hindi masyadong mahirap.

What medium did you choose? In college I didn’t know in an instant what medium I really wanted or where I wanted to excel at. But before thesis, I decided I want to traverse the digital painting world. Aside from the fact that I became really interested in exploring how digital artworks are created, I feel like it is more practical than traditional painting. I have nothing against traditional painting in fact, I respect them so much. I just don’t think I have the money for tradi. Kasi in digital painting, you’ll invest in your pentab, nibs for your pen, high quality monitors (hindi pwedeng may problema sa kulay yung monitor mo like mine huhu) but it’s cheaper than traditional. In tradi you need canvass, wood, white paints, different colored paints, brushes and lots of patience. Bawal pa magkamali kasi sayang eh.

After school, did you get the job you wanted? Hindi. Siyempre kumuha muna experience. I worked as a web designer sa isang BPO. I stayed for 2 years. Nung malilipat na ako sa ibang department at hindi na ako magweweb design, dun na ako umayaw. I realized ayaw ko nang hindi ko gusto yung ginagawa ko. Siguro bigay lang din ni Lord kasi thankfully, may choice ako. I mean wala akong pinapaaral na bata tapos may work pa naman tatay ko kaya hindi rin ako obligado mag-abot monthly, pero hiya ko nalang diba. Iniisip ko nalang, babawi naman ako pag nagkatrabaho na ako ulit.

When you left your web designer job, anyare? It was a slow process for me. Right after I left that job, nagpahinga ako and nagpractice pa ng pag-pepaint. In this industry, if you think you’re good enough and you act like you’re better than anybody else, wala kang mapapala. Kailangang lagi kang nag-iimprove, kailangan gagalingan mo lagi. Siguro applicable naman yan sa lahat ng trabaho pero diba, lalo na sa pagiging artist eh. So I practiced for 6 months. Bakante lang ako non, I do freelance work here and there pero hindi talaga yun ang gusto ko kaya nung nalaman ko may opening for an Illustrator job, I took my chances!

Tell us about your current job. We have clients all over the world, may story behind everything we illustrate or do. Hindi pwedeng naisipan mo lang, you have to understand the story and backstory of every character you’re doing. I love what I do. Sobrang hirap lang talaga but every day is a learning experience, an opportunity to be better.

What’s your advice to young people who dream about being an artist someday? Or kahit hindi young people pala. Mahirap kasi minsan ang daming hamon sa buhay eh. My advice is never stop trying. Wag kalimutan ang iyong passion. Para sakin, maiksi lang ang buhay kailangan magawa natin yung mga bagay na pinapangarap nating gawin. Also, if you think na you’re not improving or you’re not a good artist, if feeling mo ang bano mo, always remember that nobody started as the best artist agad agad. Lahat talaga nadadaan sa practice. If you keep practicing, lalo na ang isang artist, magiging mahusay ka talaga. Pero don’t stop there, always improve yourself. Always push yourself to the limit, kasi maraming artist, maraming magagaling and maraming confident. Don’t get intimidated, basta gawin mo lang yung best mo lagi. Ako I am exposed to a lot of artists. Ang dami kong mga kaibigan na successful na na pintor, mga traditional painter sila and may mga shows na sila here and there, ilang pieces na rin ang nabenta nila pero walang insecure-an at inggitan sa amin, suportahan lang naming isa’t isa and hindi porket successful na sila, hindi ka na magiging successful. May time na ikaw naman ang magshashine. Yesss hahahahaah

I tried working for a job na hindi ko gusto then hobby lang ang pagpipinta pero dun talaga ako masaya. Siguro nadinig ng higher being ang panalangin ko na makakuha ng trabaho na gusto ko talaga. At least now, I get to do a job that I really want and also hone my skills at the same time.

Laban lang! And if naging successful na artist na, keep your feet on the ground. Humble lang dapat.

Sobrang I don’t have an organized set of questions jusme, next time nga magsuggest kayo ng kung ano questions or if you have your own questions sa mga artist na kagaya ni Kyx, please comment hahahaha para alam ko itatanong. Parang ang epal and pabibo lang ng questions ko eh.

Anyway, here are some of Kyxarie’s artworks. Enjoy!

All were created with his Bamboo Wacom Pentab and Adobe Photoshop CS6

Initially, I want to show 5 of his artworks but he wanted to show only 3. Nakakahiya daw HAHAHAHA. Okayyyy.

Saitama Vs Thanos
Saitama VS Thanos
The Reader
The Reader –This is my representation of Aila. I painted this for her 25th Birthday.
Warrior
Warrior

Also, I don’t think Kyx is allowed to show the stuff he illustrates for his work. Baka daw hindi pwede so he chose to showcase these 3 practice paintings he did.

The artworks he wanted to show were his best practice paintings but I feel like I want to post more. The ones I find beautiful. If he can choose 3 of his artworks, I feel like I can choose too! mehehehe these are my choices and I know he was just starting when he created some of what I chose but I don’t care, I like it and I feel like it’s beautiful. More beautiful than he thinks.

Bloodbath
Blood Bath

 

Tranquility
Tranquility

I like this because it’s very pretty! Kyx says it’s not his best artwork but whatever.

Environtmental Concept
Environmental Concept

I remember he made this on January 2014. A Happy New Year painting.

Jennifer Lawrence
Jennifer Lawrence

He didn’t like the outcome and feels like he’s such a noob but I like how he drew J.Law

Rose Byrne
Rose Byrne

I love the eyes of this Rose Byrne painting!

Kit Harrington
Kit Harington aka Jon Snow

This was created using a MOUSE. AS IN.

Igorot
Igorot

Igorot, one of my most favorite paintings!

He painted this when we are still friends. HAHAHA. Tapos nagcomment ako ng “Wow ang ganda talaga Kyxa!” and ayun, yun ang umpisa ng paglandi ko chosssss. semi-chos hahaha.

Thanks! xox

Hi, My Name Is..

I wrote about it a long time ago but I can’t seem to finish it. Let’s try and write it again.

I don’t know what was wrong with me but ever since I was young, ever since I started going to school, I choose what other people will call me. My name, aside from being an identity, I use it very religiously. As if it’s part of who I am and how I am as a person.

I am not sure if this is the correct explanation ‘cause I’d like to think it’s not, but my therapist said that it was because of my OCD that’s why I choose what name other people will call me. Let’s start from the beginning.

My name is Althea Camila put them together, you’ll get AILA. Aila is the nickname my mom gave me. Everyone from my family calls me “Aila” it’s pronounced as “ay-la” as in “Isla” (punyeta pano ba sabihin ang pronunciation ng pangalan ko?) Basta it’s not “ei-la” as in “ay-lah” ganern. HAHA.

When I started preschool, I have a busmate named Patrick. He lives near my home so he knows everyone calls me “Aila”. One fine day, he got so excited when he saw me at school and yelled my nickname for all the world to hear. By the way, in preschool, everyone calls me “Althea”. I was so agitated and told Patrick “stop calling me Aila! We’re at school!” he just shrugged and ignored me. When I got home, I told my mom that I was so upset because Patrick called me by my nickname at school when in fact, I’d like everyone at school to call me Althea (eyes rolling at this point nearly 21 years ago) my mom asked me why I am so upset when it wasn’t a big deal after all? I told her that I feel like the only people who can call me by my nickname is my family (and people I really love or people who are so close to me)

In grade school, I allowed people to call me “Thea” or my close and best friends would call me “Theii”. Nobody called me Aila because, well, I didn’t want them to. My best friends can call me Aila but they prefer Theii instead (as in double ‘I’ talaga di ko sure bakit)

When I transferred from SPCP to NJHS in high school, people called me Aila. It was a small community and I felt intimately close to them (not anymore ngayon whatever. Hahaha)

In college, I feel like I wouldn’t be befriending people so I didn’t allow them to call me Aila. Instead, they all call me “Aia”. Although now, they can call me Aila but they just prefer to call me Aia hah!

Now, I have decided that people I like can call me Aila or Thea, whatever they wish to call me. Only with my permission. My blogger friends from TFIOS calls me Aila or Thea and surprisingly, I don’t mind!

Kasi, after what I have been through 5 months ago, I decided that the only people I’d go all out with can call me by my nickname. I feel like it’s still sacred but I allow my blogging friends to call me that HAHA!

Now, you—whoever you are reading this. You can call me Aila or Thea and I wouldn’t mind. ❤

In a nutshell, masyado akong ewan ko ba. Pinipili ko kasi talaga sino lang yung pwede tumawag ng ganon sa akin. Kapag close na tayo ganon, pwede na. Ngayon naman kasi sa blogging world, feel ko ka-close ko kayong lahat so gowww lang haha. Dati kasi, depende sa tao. Kapag may tumawag sakin na Thea or Theii, alam ko nan a grade school friend or St. Paul friend yun. If Aia, alam kong college friend yun or from Miriam yung taong yun. If Aila, friend ko talaga or family or relative. Pag Althea, yan yung mga hindi masyadong close hahahahaha