Kwentuhan Tayo

This blog entry will be written in Filipino. I shall write something about this in English very soon.


Ayun na nga mga bakla ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na ‘to talaga. Well actually nasusulat ko naman na before na sobrang saya ko na kasi kumbaga nakamove on na ako, masaya na ako tapos hindi na ako galit. Pinagdaanan ko yung stages of grief sa buong 2 years and sa middle ng 2018, dun ko siguro napush yung mapunta ako sa Acceptance stage. After non, nag-focus na ako kung paano ko ba mapapaganda yung buhay ko, kung paano ba ako magiging masaya sa sarili ko na hindi ko na iisipin yung mga malulungkot at masasakit na pinagdaanan ko.

It took me 2 years to finally move on from all the pain and sabi sa cliché time heal all wounds at napatunayan ko nanaman nga na totoo yan. Time really did heal all the wounds, hindi lang sakin pati na rin sa dati kong friends.

Hindi na bago sainyo ang kwentong yon pero in short, sa isang malaking circle of friends since HS, kasama ang dalawa kong best friends, nagaway away kami. Actually, ako lang yung inaway nila. So yung 2 best friends ko nawala sa akin. Hindi ko iniisip na hindi na kami magkakabati pero nagmove on talaga ako kahit sobrang hirap. Alam niyo yan, lalo na yung matatagal nang kaibigan ko sa blogosphere, alam niyo yung paulit ulit akong magmomove on at paulit ulit din akong hindi bigla makamove on. Diba? Habang naloloka ako, andiyan kayo na naloloka din dahil naloloka ako *kaya sobrang salamat talaga*

Not so long ago, nakapagusap kami nung isang ex bff ko and okay naman, civil pero hindi kami yung kagaya ng dati. Civil lang ganon. And for me, it was enough. Nasasaktan pa rin ako and siguro hindi ako ready din nung time na yon kaya siguro ganon din ang binigay ni God.

Fast forward to November—okay naman ako naaalala ko sila, pero di ako naiiyak. Hindi na rin ako nalulungkot. Parang sakto lang. Tapos narealize ko na siguro sa self nga muna ako magfofocus talaga.

December—biglang nagmessage yung isang ex bff ko. Mabilis yung mga pangyayari eh, biglang one moment nagsabi lang siya na napapanaginipan niya ako the next thing I know nasa labas siya ng bahay namin. Magkape daw kami. Napagusapan naming yung nangyari, nagkapatawaran kami tapos parang walang nangyari.

By the way guys, siya yung hindi umaway sakin na out of the blue. Siya yung nagalit sakin kasi nagkakarambolan na sa group chat tapos nasabi na yung mga sinabi ko tungkol sakanya nung high school kami. (madalas kasi ako magcomment ng mga pambully ganon) tapos nung nalaman niya yun nagalit siya sakin. So siya yung in reality ay may karapatan talagang magalit sakin HAHAH.

It took her 2 years din bago magreach out sakin. Hindi ko inakala talaga na 2 years lang aabutin. Alam ko in my heart na magkakaayos kami pero ang thinking ko is yung kapag may asawa na kami, may mga anak na, as in mga matatanda na talaga. Di ko inakala na 2 years lang.

Explain ko lang din kung gaano ka-deep relationship namin. Yung mama ko at mama niya, mag bestfriends. HAHAH. So simula talaga bata, mag bestfriends din kami. So kilalang kilala ko siya kaya siguro sumama din loob ko kasi hindi ko inexpect na magagalit din siya sakin haha. Pero ayun nga. Nangyari na rin naman and ang galing lang kasi alam ko talaga na magkakabati kami eh. Kahit kaming dalawa lang, or kahit kaming tatlo in God’s perfect time, pero not THIS soon.

Nung nilet go ko lang lahat at hinayaan na si God, ang universe, ang tadaha at oras ang gumawa ng paraan, tsaka naging okay ang lahat.

Speaking terms na ulit kami mga bakla. Hindi ko rin naiisip o nararamdamang mahirap ibalik yung dati kasi alam ko din naman yung pagkakamali ko sakanya. Siguro sa buong circle of friends namin, siya yung talagang iniyakan ko at yung isa. Haha.

Hindi ko na naiisip kung ano man ang shortcomings niya sa mga nangyaring iyon, napatawad ko na din ang sarili ko at napatawad din niya ako sa mga mali kong nagawa o nasabi (kasi sa totoo lang mababawa lang talaga yun. Na-blow out of proportion lang. Wala akong sinabi tungkol sa kanya na damaging or demeaning. Talagang mababaw na nagkandaleche leche lang) kaya siguro madali para samin na ipag-patche patche yung mga pieces na nalamatan.

Tapos this week lang kasi pinapakinig sakin ni Kyx yung “Dati” na cover ng Ben&Ben na originally pinerform ni Sam Concepcion at Tippy Dos Santos. Yung tema talaga ng kanta is about sa past tapos parang childhood friends sila turned to sweethearts. Pero nung narinig ko yun, silang dalawa yung naalala ko. Eto kasi yung lyrics/lines na relate kaming 3 HAHA

“lagi lagi ka samin dumiderecho pag-uwi” –ganyan kami. Magkakapitbahay kasi kaming 3.

“umaawit ng theme song na sabay kinabisa, o kay sarap namang mabalikan ang alaala” –lagi kami nagmememorize nung mga kanta. May hit songs songbook pa kami lagi.

Tapos susundutan mo ng

“Sana mabalik ang dati nating pagsasama” at “Ngunit marami ngayo’y malayo ka, malabong mangyari. Ang aking pagtingin, ibulong nalang sa hangin, pangarap nalang din na gaya pa rin ng dati”

Hindi ko maiwasan na sila yung maalala ko nung narinig ko yan. (Pakinggan niyo ah, ang ganda. Nanalo yan sa PhilPop 2013.)

Masaya ako na una sa lahat, nagkaintindihan kami at nagkapatawaran sa mga mali namin pareho. Pangalawa, bumalik na yung dating kami. Kahit kaming dalawa lang.

Ayun lang yung kwento ko. Masaya lang ako. Masaya ako na tama kayo ng sinabi sa akin na makakamove on ako, na magiging okay ang lahat.

So pano, inuman na!


**wala pa din yung bwakanangshet na 13th month pay namin HELLO GUYS 5 DAYS BEFORE CHRISTMAS WALA PA DIN? ANYARE??? ANOMPETSA NA???????**

Advertisements