Wag Sabihin Kung Hindi Kayang Gawin

Gusto ko lang sabihin na wag nating madalas sabihin yung I love you at dudugtungan pa ng “no matter what” kung hindi natin kayang panindigan.

Ang love kasi napakalalim niyan. Big word. Ganern. Hindi siya madaling gawin.

For me, love in general is loving that person despite everything. Love is having faith in that person and if you don’t love that person enough, yan papasok yung you will have to walk away and no I’m not saying that’s wrong, kasi lahat ng bagay may hangganan. But all I’m saying is napakahirap ng pagmamahal. Hindi yan madaling ibigay sa friends, family at ibang tao kasi ang hirap magmahal.

Kasi pag mahal mo, mahal mo even in the tough times. You find yourself forgiving people and understanding them because that’s how much love you have. You forget about the pain and hurt they may have caused you lalo na yung petty things because love is so much stronger than the hurt diba?

Kaya nga sinasabi nila yung love daw nakakabobo, nakakatanga. Kasi in reality nga papatawarin mo ng paulit ulit kahit gaanong kasakit, paulit ulit mong papakinggan with the hope na hindi na mauulit yung masama o masakit na ginawa. If hindi mo yan magawa for someone, then your love isn’t that deep.

Ang dami kong friends na sobrang love na love naming ang isa’t isa pero nasan na sila ngayon? Sometimes you only love a person when it’s convenient. You love a person when everything is right for the both of you. If nahurt ka, if may maling nagawa sayo, all of a sudden hindi mo na mahal without even thinking nab aka ikaw may mali ka rin na nagawa.

Loving someone only when it is convenient is not love at all.

And napatunayan ko yan sa nanay ko at kay Kyx.

Well my mom, given na yan talaga kasi sobrang mahal niya ako at lahat ng anak niya.

Kay Kyx naman, ang dami kong moments. Lalo na yung anxiety attacks ko na nagsusuffer din siya when I suffer. Pwede naman siyang umayaw, pwede naman siyang bumitaw but he never does. Alam niyo yung sa pelikula yung sobrang hirap na mahalin nung isang tao tapos umiiyak na sila pareho kasi sobrang sakit na pero may isang yayakap tapos magyayakapan nalang sila ng mahigpit habang umiiyak? Yun yung love. Yun yung “despite of”. Yung yayakapin mo nalang lahat ng sakit kasi mas masakit mawala yung taong yun so you welcome the pain instead tapos si love na ang bahalang umaway kay pain. Kasi eventually, the pain goes away when the love stays strong.

Kaya nga kung hindi natin kayang gawin yan, wag na nating sinasabi.

Advertisements

Kanlungan

Hindi ko alam kung ano ang kadahilanan ng pag-eemo ko sa kantang Kanlungan. Pero sa tuwing naririnig ko, parang sumisikip yung dibdib ko, parang nalulungkot ako na naiiyak na ewan. Yung boses pa kasi ni Noel Cabangon kasabay ng gitara at bass, ng mga second voice na mukang ako lang nakakapansin. Yung kabuuan nung kanta lalo na yung lyrics parang wiw nakakaewan. Siguro kasi sobrang relatable niya hindi lang about sa isang aspeto ng buhay. Parang ang daming nacocover kagaya ng pamilya, pag-ibig, pag-kakaibigan, oras, alaala. Parang lahat ng memories mo, huhukayin nung kanta, bubulatlatin hanggang sa umiyak ka ng umiyak. Kasi kahit yung mga masasayang alaala nakakaiyak eh. Mga alaala kasama yung mga mahal mo sa buhay na nauna na kasama si Lord, mga taong dating lagi mong kasama pero ngayon hindi na, yung lahat ng alaala na gusto mong balikan pero hindi mo na mababalikan kahit anong gawin mo. Yung feels na parang nag-retreat ka tapos wala kang ibang magagawa kundi balikan lang sa utak mo lahat ng napagdaanan mong masaya at malungkot pero hindi ka na makakabalik sa mismong moment na yun kasi wala na. Lumipas na.

Natatandaan mo pa ba nung tayong dalawa’y unang magkita? Panahon ng kamusmusan, sa piling ng mga bulaklak at halaman doon tayo nagsimulang mangarap at tumula.

Natatandaan mo pa ba inukit kong puso sa punong mangga at ang inalay kong gumamela? Magkahawak kamay sa dalampasigan malayang tulad ng mga ibon. Ang gunita ng ating kahapon.

 

Mga dati kong kaibigan ang naaalala ko dito. Sabay sabay kaming lumaki, pero hindi ko na mababalikan yun at tanging masasayang alaala nalang yung natitira.

Ang mga puno’t halaman ay kabiyak ng ating gunita sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan? Pana panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?

Mama ko at papa ko naaalala ko dito; Nakakalungkot isipin na tumatanda na yung mga magulang natin. Yung bang dati nakikipaglaro lang sila sayo, sila lang yung mundo at buhay mo, tapos kailangan ka nilang i-let go at some point kasi lumalaki ka na at gusto mong ma-explore pa ang mundo at buhay.

Nakakalungkot isipin na lahat ng bagay nagbabago kahit hindi mo napapansin, hindi mo namamalayan. Derecho lang ang takbo ng oras, walang hinihintay. Kung mabagal ka o mabilis, hindi mag-aadjust ang oras para sayo. Hanggang sa pag lingon mo, ang dami mong napalampas na mga pagkakataon, mga times na sana nakasama mo pa ng matagal yung pamilya mo.

Ngayong ikaw ay nagbalik, tulad ko rin ang iyong pananabik. Makita ang dating kanlungan, tahanan n gating tula at pangarap, ngayon ay naglaho na. Saan hahanapin pa?

Dito naman, mga kapatid ko yung naaalala ko. Yung hindi pa kami magkakahiwalay, yung hindi pa komplikado ang buhay. Mga bata pa kaming walang alam sa future, sobrang idealistic namin na ang iniisip naming ay hanggang sa pag-tanda, magkakasama kami. Hindi pala ganoong kadali ang buhay.

Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita, ang mga puno’t halaman bakit kailangang lumisan? Panapanahon ng pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?

At lahat ng mga kapamilya ko, mga tiyahin, tiyuhin, mga alaala, mga masasayang moments, mga nakakaloka at nakakalungkot. Dito ko yun naaalala lahat.

Siguro ang reflection ko sa kantang ito ay yung pag-checherish sa mga moments na meron tayo. Tuwing may chance tayong makasama yung mga mahal natin sa buhay, huwag natin i-take for granted kasi hindi natin alam kung hanggang kailan ba sila nandiyan. Hindi natin alam kung mabibigyan pa tayo ng ibang pagkakataon para makasama ulit sila. Tapos lahat ng mga moments, pagkakataon na meron tayo, hindi na natin yun mauulit. Kahit yung feeling na na-feel natin sa mismong moment na yun, hindi na mauulit kasi ibang feeling naman yung mararamdaman natin sa ibang pagkakataon. Lahat ng lumilipas, lumipas na. Hindi na mauulit yung mismong oras na yun. Huwag natin masyadong inaalala ang future, let’s cherish our present kasi minsan lang to sa buhay natin. Ang lunes ngayon ay iba sa lunes sa susunod na linggo, tandaan mo yan.

Tapos, matapos ang kanta, iiyak nalang ako ng iiyak HAHAHA. Joke. Masyado kasi akong maraming feelings kasi sobrang sentimental kong tao. Hindi ko na siguro maaalis sa akin yon kasi kahit maliliit na bagay at alaala, tinetreasure ko yun eh. Kaya kapag naaalala ko, very meaningful sa akin, nasesenti talaga ako. Kayo ba, nasesenti ba kayo sa Kanlungan? Ano yung mga kantang nagpapasenti sa inyo?

Forgive And Let Go, Aila!

Today I’m letting go. It’s been a year of saying and being sorry to this person who can’t forgive. To this individual who may have the ability to forgive but choose to fight hurt with hurt.

I was wondering why some people can hurt other people deliberately and not be sorry about it. I wonder how some people can wake up every morning and sleep soundly at night knowing that they have hurt someone. I wonder how some people can live day by day knowing that a person is trying to reach out not for friendship but for letting loose a grudge, pain and heartbreak.

(Or baka ako lang yung nagsasaalangalang sa ibang tao? I got so mad at this individual pero mas pinipili kong magpatawad at magsorry kung nakasakit man ako dahil una ayaw ko ng may mga kasamaan ng loob at pangalawa, mag-best friends ang tatay namin. Nilalagay ko yun sa unahan dahil ayokong malagay sa alanganin ang tatay ko.)

But then again we can’t control other people and how they react. We can’t force them to be soft hearted when they’re not. We can’t tell them to be this way, to act like this because for sure, there’s a reason as to why they are doing what they’re doing.

Kaya naman I am letting go of that person and the pain. I will not pretend that that person do not exist, I will just let it be. If I let go of the pain and hurt, I unburden myself of the baggage that I shouldn’t even be carrying in the first place. Let go of the people who hurt us, let go of the pain they brought and forgive them.

Easier said than done but this is definitely easy if you have a kind heart.

Because when you’re hurting someone and when feelings are involved, the bahala ka sa buhay mo attitude does not reflect kindness. It reflects kontrabida-ness teh.

Hindi pwedeng laging nagmamatigas para protektahan ang sarili. Hindi pwedeng laging galit agad ang pinapairal natin. Because at the end of the day, the person who holds the grudge will never be able to let go of the pain.

Ikaw, oo ikaw nga, kung iyan ang nagpapatulog ng mahimbing sayo, nakakapagpasaya sa buhay mo, yung nagpapagising ng may ngiti sa labi mo, then so be it. Pero tandaan mo, kung walang pagbabago, ibang tao ang laging magaadjust at masama pa rin talaga ugali mo, it’s on you. You will never be truly happy in life.

Please Help Baby Ace

My cousin, Ace Cargado who is barely 3 months old was born with a rare disease called Prune Belly Syndrome.

According to rarediseases.org

Prune-Belly syndrome, also known as Eagle-Barrett syndrome, is a rare disorder characterized by partial or complete absence of the stomach (abdominal) muscles, failure of both testes to descend into the scrotum (bilateral cryptorchidism), and/or urinary tract malformations. The urinary malformations may include abnormal widening (dilation) of the tubes that bring urine to the bladder (ureters), accumulation of urine in the ureters (hydroureter) and the kidneys (hydronephrosis), and/or backflow of urine from the bladder into the ureters (vesicoureteral reflux). Complications associated with Prune-Belly syndrome may include underdevelopment of the lungs (pulmonary hypoplasia) and/or chronic renal failure. The exact cause of Prune-Belly syndrome is not known.

Right now, baby Ace needs immediate medical attention and an operation because this baby is now holding on for dear life. Instead of being confined in a hospital, he is at home because their family cannot afford treatment and confinement.

Baby Ace resides in Nasugbu, Batangas Philippines.

Please help raise funds for his hospitalization in any way you could. Contact me through my Facebook: Aila Cargado or my email xoxaltheac@gmail.com

This means a lot to me and our family. Your prayers are also well appreciated, please pray for baby Ace and his family in this tough time.

P.S. I have yet to find out the exact amount he needs but any amount of your prayers and donation will be well appreciated and we will be forever grateful. Kahit dasal lang.

“Ano Ba Nagawa Ko”

Intindihin natin yung mga sama ng loob natin para mapatawad natin yung mga taong nagpasama ng loob natin at para mapatawad natin ang mga sarili natin.

Sobrang layo na ng narrating ko when it comes to healing, moving forward and letting go. Sobrang dami kong luhang iniyak, mga sakit sa kaloob looban ng dibdib ko na hindi ko pinakita o inilabas kahit sa harap ng mga taong handa akong i-comfort at suportahan. Madami pa akong salitang hindi naisulat kasi masyado pa siyang masakit, yung tipong sa sobrang sakit niya hindi ko alam paano umpisahan at tapusin ang mga talata na gusto kong ipahayag.

Sa totoo lang, masyado kasi akong reflective na tao. Hindi ko alam kung dahil INFJ ako o dahil Empath din ba ako, pero kasi pag may nakasamaan ako ng loo bang una kong iniisip ay yung actions ko—kung ano yung nagawa ko para may sumama ang loob sakin. Kahit masama din ang loob ko o galit ako sa taong iyon, iniisip ko kung ano ang nagawa ko. Hindi pala lahat ng tao kasi ay ganoon. Ang unang iniisip nila kadalasan ay yung nagawa sakanila. Di nila iniisip ang mga nagawa naman nila. Hindi ko matawag na selfish kasi masyadong “big word” naman ang selfish. Siguro iba iba lang talaga ang tao at hindi natin mapipilit na isipin nila ang kapwa nila diba?

Nung nawala yung mga kaibigan ko, masakit hindi dahil sa mga nasabi nila (pero masakit din talaga yun haha) kundi dahil sa hindi nila iniisip ang naramdaman ko, mararamdaman ko at kung bakit ba ako nagkaganoon. Kung may nagawa ba silang mali sakin. Walang nagisip tungkol sakin kasi puro sarili at kung papaanong nasaktan sila ang naiisip nila.

Napakaimposible naman din kasi na isisi mo lang sa isang tao ang actions niya na hindi mo man lamang iisipin ang actions mo o mga bagay na nagawa mong mali.

Hindi natin maididikta sa ibang tao na unawain tayo sa mga nararamdaman natin, di tayo makakasiguro na kapag sinabi natin ang nararamdaman natin ay pahahalagahan nila ito kaya ganito nalang, kung tayo man ang malagay sa sitwasyon na ganito, ugaliin nating isipin yung mga actions natin, mga nagawa nating mali. Huwag tayong madali magpoint out ng mga kamalian ng iba kung hindi naman natin iniisip ang kamalian natin. Isipin natin at unawain kung ano ang naging problema, tanungin natin ang sarili natin “ano ba ang nagawa ko?” bago natin isipin ang nagawa sa atin kasi kapag ganoon, mas madali tayong makakapagpatawad

 

Note To Self #1

Kung mabilis silang kalimutan ka at burahin ka sa buhay nila, MAG MOVE ON KA NA KASI PUNYETA PALA EH. KAYA PALA NAMAN NILA GAWIN YON TAPOS IKAW MUKA KA LANG TANGA NA NAIIYAK NALULUNGKOT NANANAGINIP TUNGKOL SA KANILA PERO IKAW DI KA NA NILA NAIISIP DIBA? SO ANO PA BANG SAYSAY NG FEELINGS MO??? TANGINA. Kung kaya ka nila ilaglag ng walang ano ano, HINDI SILA KAWALAN. HINDI SILA IMPORTANTE. WALA SILANG KWENTA SA BUHAY MO NGAYON KAYA TIGILAN MO NA ANG MALUNGKOT DAHIL WALAAAAAAANG KWENTAAAAAA ANG KINALULUNGKUTAN MO. NYEMAS!

Si Kyxa at Si Aila S01E01

Dumaan ka na bas a matinding confusion? Denial? At kung ano ano pang “on the side”? Ako rin.

High school friend ko si Kyx. Pero siya yung isa sa mga kaunting lalaki doon sa school namin na yun na walang pakielam sa mga babae. Ang nasa utak lang niya ay ang pag-cocomputer—DOTA at pagbabanda banda kasama ang kaniyang mga friends. Hindi siya mahilig makipagusap o makipagkaibigan sa mga babae at iba pang mga tao sa school. Kumbaga may sarili silang mundo ng mga kaibigan niya. Cool kids sila na walang pake. Cool kids na tahimik. Hindi sila binubully ng mga pabibong bully kids sa school—tipong may respeto sakanila? Ganong levels.

Ako naman, kasama ako dun sa mga nerdy o “geeks” kung tawagin. Ayoko na ikwento kasi hindi ko naman na kaibigan yung mga kaibigan ko noon. Pero basta ganon.

Magkaibang magkaiba kami kaya hindi ko rin ineexpect na magiging mabuting kaibigan ko siya. Naging magkaibigan lang kami dahil sa 2 tao na pinagtagpo kami. Hanggang sa lagi na kaming magkatext at nagtetelebabad sa landline.

Pero parehas kaming nagpapakiramdaman. Parehas kaming hindi sigurado sa nararamdaman.

Crush ko na siya nung December 2007 pero ayokong sabihin sakanya kasi kilala ko siya. Wala siyang interes sa mga crush crush. Wala siyang pake. Wala sa utak niya yon.

Dahil sa encouragement ng mga friends ko (noon lang ko sila friends ah hahahahah) niyaya ko si Kyx na sumama samin sa Mega Mall pagkatapos ng Christmas Party. Nung gabi bago ang Christmas Party namin, tinawagan ko siya sa bahay nila.

Ako: Kyxa! Hello!!

Kyx: Bakit? (masungit ang tono)

A: Sama ka samin, magpupunta kami sa Mega Mall pagkatapos ng Christmas Party eh.

K: Ayoko. May iba akong kasama eh. (masungit pa rin)

A: Sino? Sina Jem? Sina Ambal? Sumama nalang kaya kayo samin? Para happy!

K: Ayoko nga eh. Ang kulit mo ah!! (sinigawan na niya ako)

A: Ah okay sige bye na.

Binaba ko yung telepono at hindi ko na hinintay kung ano yung sasabihin niya. Yun yung huling beses na kinausap ko siya sa taong 2007.

Hindi ko na rin siya tiningnan, hindi ko na siya kinausap. Nagalit ako kasi sinigawan niya ako pero siguro kaya ako nagalit kasi nasaktan ako. Naramdaman ko na matapos ang lahat ng kilig ko sakanya, matapos ang pagpapalit namin ng ID (oo may ganong factor. palandi effect yata yun nung panahon ko huhu), matapos ang lahat ng pagpupuyat namin sa pagtetelebabad, wala pala siyang nararamdaman sakin. Wala lang pala at kaibigan lang pala kasi talaga.