Hintay Hintay Lang

Kailan mo ba talaga makikilala yung taong para sayo? Nakilala mo na ba siya o makikilala pa lang?

Kailan ba yung tamang panahon na sinasabi nila? May sagot ba don o lahat ay katanungan nalang?

Sabi nila minsan nasa harap mo na hindi mo pa makita, minsan naman akala mo dumaan na pero hindi pala siya o kaya naman patuloy kang umaasa na balang araw, makikita mo siya, makikilala at makakasama.

Di bale, kung hindi pa man nagkukrus ang landas ninyo ngayon, malay mo malapit na. Isipin mo nalang, baka hindi pa ngayon ang tamang panahon, ang pagkakataon kung kailan makikilala mo siya dahil baka pinaplano pa ng Diyos na makilala mo siya kung kailan maayos na ang lahat. Yung bang hindi ka na nasasaktan sa iyong nakaraan, yung siya naman ay handa nang harapin ang kinabukasan.

Diba? Malay mo. Hintay hintay lang.

Advertisements

Tanong

Minsan maiisip mo baka oo, baka hindi. Madalas hindi mo na alam kung anong sagot. Madalas tinatanong mo ang sarili mo pero magkaiba ang sagot ng puso at isipan mo. Dalawang magkaibang sagot, parehong naiintindihan mo pero hindi mo alam kung alin sa dalawa ang papakinggan mo.

Madalas hinahanap mo ang mga sagot sa tanong, pero hindi mo alam kung saan sila makikita. Hindi mo alam kung andiyan lang ba sa tabi tabi o kung nasa puso mo na mismo ayaw mo lang halungkatin, ayaw mo lang harapin?Hanap ka ng hanap kahit di mo naman alam saan titingin.

Pero lahat ng tanong nasasagot sa tamang panahon. Lahat ng tanong may kasagutan hindi lang natin agad maintindihan.

Dumating na ako sa punto na ako na mismo sumagot sa tanong ko, kahit di ko alam kung tama o mali, sinagot ko at pinanindigan ko ang napili kong kasagutan. Nung alam ko na at napaniwala ko na ang sarili ko sa mga kasagutan na ginawa gawa ko lang, biglang dumating ang tamang panahon at siya na mismo ang sumagot sa mga matagal ko nang hinahanapan ng kahulugan at kasagutan.

Baka ganyan din. Dadating din ang tamang pagkakataon, dadating din ang panahon na masasagot ang lahat ng tanong.