Why Worry?

I always miss the point of living in the NOW only to be reminded by several things, events and most especially, God to stop overthinking what will be.

I worry so much about tomorrow that I miss the point of today. Don’t be like me.

Stop worrying about the future because it’s always uncertain. How sure are we that the future we’re thinking about will exist if we die tomorrow? Or what if we die today and instead of living in the moment, we kept thinking about what will happen next week?

So stop it. Whatever it is you’re worrying about, forget it. We can always and only hope for so much, for things to be better and convenient but it’s a waste of time to think about it to the point that you’re wasting away your days.

Last last week I think, was the week I kept crying. Every day, I worry about my finances. My family’s needs, my needs, travel funds and all that crap. As in naiiyak ako point blank just thinking about it and Kyx would comfort me, he would assure me that I don’t need to worry because he’s there with me et cetera, et cetera. Aside from I can actually rely on Kyx in times of needs, ang tagal pa ng iniisip ko! It’s not even here yet, it’s not even about to happen. It’s all in my head and I keep stressing myself about it. Ano ba yan?

So ayan. If I were you, wag akong tularan.

Also, hindi pa rin pumapasok 13th month pay naming bwakananginaaaaaangshet. Animal.

Advertisements

Drama Rama

Lately, I have been so stressed out. I keep thinking about how my life is turning out, how things are always a problem, how everything is just making me suffer.

(Tagalog Post)

Medyo mababaw lang ang pinagumpisahan nito hanggang sa pabigat na ng pabigat ang mga naiisip ko. Minsan pumapasok pa rin sa isip ko yung ano kaya kung mamatay nalang ako kasi nakakapagod na. *naiiyak nanaman ako habang sinusulat ko ‘to* hayyy buhayyy, masyado akong emosyonal.

Bihira akong bumili ng para sa akin, madalas libro lang talaga ang ginagastusan ko. Nagkakasya lang ako lagi sa iisang sapatos hanggang sa masira koi to bago ako bumili ng panibago. Yung mga damit ko, paulit ulit lang din, siguro may mga 2 weeks worth of office clothes lang ako pero hindi naman yun ang pinuputok ng butche ko. Sa sobrang stressed out ko siguro, gusto kong magshopping. Tamang tama, sasahod na ulit tapos bayad na lahat ng kailangan bayaran na mga bills! Habang chinecheck out ko ang reviews ni Kat sa mga skin care product, yun yung naisip kong bilhin! Dual purpose din kasi, pansamantalang matatanggal stress ko tapos magagamit ko pa sa balat kong namumutakte na ng tigyawat sa sobrang stressed. Pumunta na ako dun sa website na sinabi ni Kat, konti lang yung productong bibilhin ko, yung mga talagang kailangan ko lang sa muka ko na malapit na mawalan ng pag-asa hahaha so nung ichecheck out ko na, mga 1700php na siya, pinigilan ko sarili ko. Naalala ko na may tuition fee akong babayaran. Sabi ko sige next time nalang.

Hindi ako nag-OT, kasi gusto ko makasama mama ko eh. Kaya pagka-out umuwi na ako kaagad, mga bandang 8pm nasa bahay na ako. Tapos yung kapatid ko 8:30pm na nakauwi. Naglugaw daw sila ng pamangkin naming (kasing edad niya yun anak ng kuya ko, wag na natin idiscuss hahah) araw araw late yan umuuwi, hindi na alam kung paano pang pagsasabihan dahil talagang matigas ang ulo eh.

Nalulungkot lang ako kasi lahat ng paghihirap ko, iyan ang nakikita ko. Nakakawalan ng gana. Naghihirap ako para sa wala, ganon yung pakiramdam ko. Hindi naman niya kasalanan na hindi siya binibigyan ng ama niya ng pang-tuition, wala naman akong magagawa doon. Si mama naman, buong buhay niya siya lang sumuporta samin, binigyan kami ng magandang buhay, pinagtapos sa magagandang paaralan, kaya ito nalang yung maisusukli ko, ang patigilin siya sa pagtatrabaho para hindi na siya magkasakit. Matanda na mama ko, 54 na yata siya o mag-54 na siya sa October. May mga nararamdaman na din siya na masakit kaya hindi na pwedeng magwork ng magwork pa. Para lang maibsan na yung stress niya at makapagpahinga naman siya, ako nalang nagpaaral sa kapatid ko. Kaya lang ang sakit sa dibdib na yung kapatid ko naman, hindi niya pinapahalagahan yung ibinibigay sakanyang pribilehiyo.

Okay ang grades niya sige, pero yung tigas ng ulo, attitude at pagpapahalaga sa mga taong nagmamahal sakanya, ang hirap.

Sa isip isip ko, pera lang naman yan, mabibili ko rin naman mga gusto ko in time, mabuti nga at wala pa akong anak, hindi rin ako makapag anak anak dahil siya ang inuuna ko sa lahat ng bagay, kaya lang masakit talaga sa dibdib na ganyan pa. Pinapasakit pa ulo ni mama. Siguro iisipin ng iba nagseself pity ako hahahahahahahahahataenanyohahaha joke. Pero kasi, kung mabait bait siguro tong kapatid ko, bale wala sakin lahat ng paghihirap ko eh.

Kagabi naiiyak na talaga ako, pero hindi ako makaiyak. Never umiyak o nagsabi ng ganito ang mama ko sakin kahit nahihirapan na siya, biruin niyo 4 kami na pinagaaral ni mama noon, 2 college, 1 high school,  grade school pero wala akong narinig na sinabi niyang hirap na hirap na siya.

Nung hindi ko na mapigilan ang iyak ko, natulog na ako agad kasi baka matuluyan pa ang pagdadrama ko.

Pag gising ko, okay na ako! HAHAHAHAHAAHHAAH

Nagdadasal nalang ako na sana, bigyan pa ako ng lakas ng diyos. Bigyan pa ako ng emotional strength at patatagin pa ang tiwala ko Sa Kanya.

Hanggang sa susunod na drama rama!

Xox, Thea