How To Delete?

I don’t know but the purpose of my hard drive has been changed accidentally. My brother initially gave it to me so I can store movies and series and everything I want without worrying about the little space my small laptop could offer. Now, my hard drive is being used to store the junk that I couldn’t delete yet I choose to save for reasons I can’t quite pinpoint.

I am looking for excuses as to why the photos and videos of me and my ex best friends are kept and stored safely on my hard drive when in all honesty, there’s no reason for it at all. When everything turned sour and bad and I was left to rot, there’s no turning back. I know for a fact that no one wants to go back there, in that hellhole of a shitty place. Not even the shittiest person would choose to go back there yet I still choose to keep the memories, the stuff left behind, the ones left for me.

Half of the space used up are because photos and videos and random selfies we took from days when we had solid fun. I don’t think it makes me happy or sad just by looking at it but I keep wondering why is it still there.

A friendship breakup is harder than a couple break-up. Or is it just me? Well, every broken relationship is sick and sad but this, this is crazier than all other break ups because in friendship, no one expects or preempts a break up. Maybe that’s why it is harder.

My hard drive still sits beside me while I’m typing this and I still can’t find it within me to delete everything. Trust me, it’s not like I look at everything and cry. Maybe sooner or later I’ll be able to delete it but until that day arrives, I don’t know what to do with it.

Most of the photos were from adventures we took! Places we visited, restaurants we tried. In those pictures and videos, we looked so happy. We looked unbreakable. But not everything is what it seems to be.

Hindi lahat ng masayang tignan ay masaya talaga. I hate you sometimes, Memories. Nakakagulo ka ng damdamin at isipan. Pakshet.

Advertisements

#KyxAila S05E01: May Crush Kang Iba?

After ng panonood, after ng lahat lahat ng kilig ko, andito nanaman ako para idamay kayo sa pagkabwisit ko dito kay Kyx.


Napagusapan namin ang crush niya sa office. Bilang ayaw ko magpatalo, naisip ko may crush din pala ako sa office. Nakwento ko sakanya si N na crush ko,  tapos kinwento niya sakin ang crush niyang si N. (ngayon ko lang narealize na N pala parehas yung mga crush crushan namin haha)

Easy lang ang convo, magkaharap kami, naguusap habang madilim ang paligid. Ang tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi niyang

“Naging close kasi kami nung nag team outing. Tapos narealize ko lahat ng gusto ko sa isang babae nasakanya na. Siya yung gusto ko para sakin. Mabait, maganda, matalino lahat na he he he”

Lahat? Yang bang “lahat” na yan eh wala sa akin????

Nakangiti ako pero sa isip isip ko:

May crush kang iba t*ngina mo ka???

Bakit siya ganon? Sumikip dibdib ko tapos parang nabingi na ako. Ayoko na marinig yung sinasabi nya sakin kasi walangya ka ba??? Sana hindi nalang tayo nagkita pala! Sana hindi nalang tayo nanood ng pesteng movie na yan. Sana hindi nalang tayo uminom sa iisang water bottle kasi may crush ka naman palang iba hayop ka!!!!

Ang sheket talaga mga besh.

Sabay biglang bawi “pero crush lang naman yun eh”

Okay, unti unting bumalik ang oxygen sa katawan ko. Nakakahinga na ako at nakakarinig na ulit. Oo nga naman, crush lang naman yun.

Tapos dinagdagan pa nya ng “Actually umamin nga ako sakanya sa feelings ko eh. Mabuti nang nasabi ko sakanya kaysa tinago ko lang diba?”

Ah ganon???? Ganon ba? Umamin ka pa sa feelings mo? Sakin ba wala kang feelings? Wala kang naramdaman hayop ka? Kahit isang katiting na pagmamahal? Walangya ka. Nung nagkita tayo nag blush on pa ako para sayo pero ganyan lang??? Umabot pa ng pitong taon at lahat lahat pero wala kang nasabi sa akin!!! Kaya mo naman palang UMAMIN ABOUT SA IYONG FEELINGS?!?!!!?!?!?????!!!!!!!!!!

Tumahimik na ako. Nagdidilim na yung paningin ko, gusto kong umiyak tapos magwala tapos gusto ko siyang bugbugin habang sinisigawan ko siya ng “Naliliitan ka ba sakin?!?!?!” Pero di nalang ako nagsalita. Di na ako nagreact sa sinabi niya. Tapos biglang “Uy galit ka ba?” Ako? Galit? Nako hinde!!! Gusto lang kitang tunawin kasabay ng crush mo! Tunawin ko kayong dalawa tapos papakuluan ko kayo at isisilid sa water bottle na pinagshare-an natin walangya ka.

Nageexplain siya na matagal na daw yun. Bago pa daw kami magkita ulit. Pero wala, wala akong naririnig. Ang sheket sheket.

 

Lately I have been thinking of how I can start my life anew. Like start on a clean slate.

I started to think about the old friends I used to have and how my life turned upside down. I started my forgiveness since the day I have finally understood that nope, there’s no going back. But forgiveness is a tricky thing and for the first time in a long time, I don’t blame myself for it.

I have pictured and made myself believe that I am walking forward, toward a new life but in reality I was trying to walk forward while turning for over a couple of dozens of times only to realize that there’s no need for me to look back.

Part of my being is keeping memories close to my heart. I can remember even the smallest of details from 20 years ago and it still plays very vividly on my mind as if it was just yesterday. So the problem with letting go of people is the memories I had back with them. I don’t think I was ever prepared that what I have held on for so long—the memories, are made to be forcibly forgotten.

How in the world will I ever forget these when I don’t even intend to remember it anymore? How will I do that?

I got a simple answer care of myself as usual. That’s when forgiveness enters and I must understand its meaning, value and what it entails.

When I forgive these people, I can move forward without hesitations, without looking back and regretting every step I took forward.

There are people I have cut out from my life and there are people who did just that to me. Now, in the midst of trying to let everything go and move on from where I am, I couldn’t help but think how some people can simply cut you off without having closure? But I guess that’s how the cope with things.

I just hope that I can leave everything behind and only look back from time to time without hurting myself on the thought of retracing memories. I just. I just really want to let myself go.

#KyxAila S04E04: Jirits

Pagkatapos ng movie na iyon, walang araw na hindi na talaga kami nagusap. Lagi lagi na ang paguusap namin!

Hindi na kagaya ng dati na nauubusan kami ng paguusapan. Hindi na kami nahihiya sa isat isa bigla. Biglang ginagawa at sinasabi nalang namin yung totoong naiisip at nararamdaman namin.

Hindi ko alam anong nangyari. Siguro pati yung tadhana nagsawa na sa paulit ulit na walang kwentang pagaaksaya namin ng panahon na inabot ng pitong taon.

Siguro sinabi ng diyosa ng tadhana na sa oras na hinayaan ko ang tadhana ang gumawa ng paraan para samin, sa oras na tinigilan ko ang pagiisip, sa oras na pinabayaan ko nalang lahat, doon mangyayari yung matagal ko nang gustong mangyari.

Inabot ng pitong taon, maraming araw at oras ang nasayang pero kapag iisipin ko ngayon, nasayang nga ba? Parang worth it naman.

Kaya lang, sa sobrang kumportable na naming magusap, nabanggit nya sakin ang crush niya sa office. ANG. CRUSH. NYA. SA OFFICE.

TANGINANG YAN.

#KyxAila S04E03: Kiss?

This is the day that the Lord has made mga beshiecakes HAHAHAHAHA


Sabado. Last shift ko. 4am to 2pm pasok ko.

Napagkasunduan namin ni Kyx na magkita ng 4pm sa Shang. Manonood kami ng Guardians of The Galaxy.

Pagdating namin don, 7pm pa yung oras ng movie kaya nagdecide kaming kumain. Sabi niya, gusto niyng subukan ang manok ng Kyo Chon. Naglakad kami mula Shang hanggang Mega Mall. (akala ko hahawakan na nya yung kamay ko. BUT NO. HINDI. tss)

Sa Kyo Chon, habang naghihintay kami ng pagkain, may cute na cute na batang lalaking sarap na sarap sa chicken ng Kyo Chon! Ginagaya nga ni Kyx ang bawat subo nung bata tapos ako naman tawa ng tawa. Tawang tawa ako kasi ang cute talaga nung bata tapos ginagaya pa ni Kyx, eh kwela din siya!

Kinakabahan pa rin ako. Bawat kilos ko parang kinakabahan ako na baka may mali akong magawa o sabihin. Pero relaks lang. Kaya ko to. Nung napansin kong relax na relax lang sya na hindi niya inaabatan lahat ng kilos niya, nagrelax na din ako. Dapat babalik kami ng Shang pero sabi niya dun nalang daw kami sa Mega Mall manood, okay lang naman daw don eh. Eh di sige.

Bumili ako ng tubig bago kami manood ng movie dahil naiwan ko yung tumbler ko sa opisina. Habang nanonood, uminom ako sa bote ng tubig tapos bago ko ibalik sa bag ko, inalok ko siya. Pabulong kong sinabi “Gusto mo?” si koya nyo Kyx, uminom din dun sa bote na ininuman ko!!!! Take note mga bes, hindi niya pinunasan!!!! Tapos bes pag balik sakin, ininuman ko ulit. NAGKISS NA KAMI THROUGH THAT WATER BOTTLE!!! Yung kilig ko! My heart mga beshies!!!!!!!!

Di ako makaconcentrate sa movie kasi gusto ko sumigaw na nagkiss na kami ni Kyx technically hahahahahahhahahaah tengene #Lande #Maharot #PatayKaSaMamaMoAngLandiMo hahahahahah juskolord dizizit!

Natapos na ang movie, hindi pa rin kami nagholding hands. Walang ganap. Peste.

Wala pang lisensya si Kyx ng mga panahon na ito kaya nagcommute lang kami pauwi. Sa kasawiang palad, mabilis ang usad ng pila sa FX mula Mega Mall to Pasig. Kung kailan naman gusto kong bukas pa makauwi dahil sa haba ng pila, tsaka naman ang bilis ng pila. Kaazar! (harot)

Sumakay kami sa FX, dun kami sa gitna nakaupo. Ako sa dulo, si kyx tapos may dalawa pa siyang katabi, medyo masikip pero keri lang (nakita nyo ba gaano kapayat si Kyx?) Tapos ang bilis din ng usad ng trapiko! Jusmiyo mga bes, kung kailan ko gustong ma-stuck sa traffic, tsaka naman mabilis. Bwiset talaga.

 Mauuna akong bumaba, sabi ko sakanya baka gusto nya muna dumaan sa bahay namin. Sabi niya sa susunod nalang (sa susunod? May susunod mga besssshhh!!!) sabi ko sige. Bago ako bumaba, kinissan niya ako sa forehead!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NAKNANGTOKWA. ANG BILIS NG MGA PANGYAYARI. BUMABA NA AKO SA FX TAPOS. HAHAHAHA TENGENENG BWISET KINIKILIG AKO.

Pagdating ko sa bahay, naglalaba yung mama ko (gabi siya maglaba kasi lamo na buhay BPO gaming). Sabi niya “oh ang aga mo ah” mga bandang mag-10pm palang kasi non. Sabi ko oo nga eh, tapos di ko na napigilan. Sinabi ko sa mama ko na hinalikan ako sa noo! Tumawa yung nanay ko. Di niya kinaya.

Sabi sakin para naman daw akong nagdadalaga, 23 anyos na daw ako kinikilig pa rin daw ako

HAHAHAHAHA tapos pag akyat ko, kinwento ko sa kapatid ko, tinago ko yung bote na ininuman naming dalawa ni Kyx pati yung movie ticket at tissue sa Kyo Chon. Remembrance ba.

Di ako makatulog nung gabing yon. Nirereplay ko sa utak ko yung mga nangyari, lahat ng detalye. Nagmessage siya sa FB salamat daw, masaya daw sya. Sa wakas daw natuloy kami. Umaarte pa rin akong friend friend lang.

Ako: Sa susunod ulit!

Kyx: Yeah, sige sa susunod ulit.

A: Di maalis sa isip ko…

K: HAHAHAH TUMIGIL KA NGA.

A: Si Groot! Si Groot yung di maalis sa isip ko.

taena babasagin pa ako eh. Edi sana di mo ko kiniss sa forehead diba langya ka pala eh!

 

#KyxAila S04E02: Ang Palay Na Ang Lumapit

Mula nung araw na magkita kami, hindi ko na nagawang i-deactivate pa ang Facebook ko dahil alam kong walang mangyayari kapag text text lang kami. Hindi na din kami tumigil sa paguusap. Nagchachat na kami sa araw araw. Hinay hinay lang ako, wag masyadong clingy. Kunyari chill lang. Pero tuwing nagrereply siya, sinusubukan kong wag magmukang excited kaya nagrereply ako after 5 minutes, ganern.

Miyerkules yun nung…

Kyx: Napanood mo na yung Guardians of The Galaxy?

*clueless ako mga ate at koya, nag-Google muna ako*

Aila: Hindi pa eh. Bakit?

K: Maganda kasi yun eh. Marvel. Gusto ko sana panoorin.

A: Ahhh muka ngang maganda

K: Yeaaaahh

*sabi ng konsensya ko, go na ate gurl. Wag ka na magpatumpik tumpik pa! kung torpe siya, wag ka magpadala*

Inabot siguro ako ng 15 minutes bago makapagsulat ulit ng kasunod na sasabihin ko. Wala akong mareply sa “yeah” nakakatuwa diba? “Yeah”??? ANO IREREPLY KO DIYAN?! Malamang kung nung 2011 yan hindi nalang ako nagreply dahil pride ko nalang mga besh pero may pakiramdam akong kakaiba kaya nilakasan ko nalang yung loob ko. sabi ng konsensya ko “MAGPAKAAGRESIBO NA TAYO KUNG KINAKAILANGAN” BWAHAHAAHAHA

A: Gusto mo samahan kita? Panoorin natin?

PAGKASEND NIYAN GUSTO KONG ITAPON YUNG CELLPHONE KO ANAK NG TINAPAAAAA! After 3 seconds ANG BILIS MAY REPLY NA SIYA EH HINDI AKO PREPARED!!! WTF!?

*sabi ng inner tita ko: at ayan na po mga kaibigan, ang palay na ang lumalapit sa manok. Tutukain nalang po mga kaibigan*

After 2 minutes siguro, tinignan ko na at hinanda ko na ang sarili ko sa mga reply na “hahahahahahah” o kaya naman “ngek hahaha sinabi ko lang maganda wala ako sinabing panoorin naten hahaah” naready ko na nga yung irereply ko na “di wag, akala mo naman gusto ko talaga?” tapos iniisip ko na KUYA HINDI KA KAGWAPUHAN WAG MO AKONG GINAGANTO GANTO AH.

Pero pag bukas ko ng message niya..

K: hahaahhaha okay lang ba? Okay lang sayo?

OKAY LANG DAW BA SAKIN??? OKAY PA SA ALRIGHT!!! Pero kunyari papalabasin nating medyo obligado ako kunyare kasi wala pa akong surprise sakanya.

A: Oo. Yun na yung surprise ko sayo. Dami ko nang utang na surprise eh!

K: Sige sige. Kailan naman?

*inner tita na malandi: go hija! This weekend. Bilisan mo na!! Pak ganern agad!

A: Sa sabado?

K: Ay may lakad yata ako non eh.

A: Sa linggo?

K: Hmmm sige sige.

K: Ay sabado nalang pala.

A: Okay sige!

KUNYARI HINDI AKO KINIKILIG. CHILL LANG TAYO DAPAT, PABEBE, PAVIRGIN GANYAN LANG. HAHAHAHAH SIMPLENG DAMOVES LANG MGA BESHIECAKES WAG PAHALATA MASYADO NA AGRESIBO NA ANG APPROACH NATIN.

 

Ang Kaserola at Kung Bakit Dapat Magtimpi Ka

Kailangan ko ito sa buhay ko. 😀

#NoteToSelf

Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko kung paano ko hinampas ng kaserola ang kapatid ko nang minsang napikon ako sa sobrang kakulitan niya. Pero sa halip na maging disciplinary moment ang nangyari, nauwi lang kami sa tawanan. Bukod kasi sa nayupi ang kaserola, ni hindi man lang niya ininda ang paghampas ko sa kanya (mas malaking tao sa akin ang kapatid ko). Mas lalo pa nang nagsimulang maging sarcastic ang kapatid ko dahil sa nangyari, for me to realize na nag-shift na pala ang senaryo – ako na ngayon ang haharap sa disciplinary moment sa nanay ko dahil sa kaserolang inagrabyado ko.

Kaserola

May mga pagkakataon tayo na nawawalan tayo ng self-control. We suddenly snap, and things get out of hand. Sometimes we justify that this is plainly normal. May kanya-kanya tayong saturation point, na kapag na-trigger ay bigla na lang tayong sasabog. Parang isang baso na kapag napuno…

View original post 803 more words