Someone Tell Me

When it comes to healing, moving on and letting go

Why do we need closure, why do we seek and crave for it? And why, despite knowing that this is probably common and needed, people do not give it to you?

Why do we need to hear whether we are forgiven or not, why do we need to be put into place? Why do we need to know these things?

Why despite the chances of hearing and knowing the bad things they have to say, we still want to hear it anyway?

Someone tell me. Seriously. I need to be enlightened.

Advertisements

Ang Kaserola at Kung Bakit Dapat Magtimpi Ka

Kailangan ko ito sa buhay ko. 😀

#NoteToSelf

Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko kung paano ko hinampas ng kaserola ang kapatid ko nang minsang napikon ako sa sobrang kakulitan niya. Pero sa halip na maging disciplinary moment ang nangyari, nauwi lang kami sa tawanan. Bukod kasi sa nayupi ang kaserola, ni hindi man lang niya ininda ang paghampas ko sa kanya (mas malaking tao sa akin ang kapatid ko). Mas lalo pa nang nagsimulang maging sarcastic ang kapatid ko dahil sa nangyari, for me to realize na nag-shift na pala ang senaryo – ako na ngayon ang haharap sa disciplinary moment sa nanay ko dahil sa kaserolang inagrabyado ko.

Kaserola

May mga pagkakataon tayo na nawawalan tayo ng self-control. We suddenly snap, and things get out of hand. Sometimes we justify that this is plainly normal. May kanya-kanya tayong saturation point, na kapag na-trigger ay bigla na lang tayong sasabog. Parang isang baso na kapag napuno…

View original post 803 more words

#KyxAila S03E03: Bizarre Love Triangle

Kung short lived naman ang kilig ko, makakapagreklamo ba ako kung frequent naman siya?


Hindi naman na siguro lingid sa kaalaman niyo na mahilig kami ni Kyx parehas sa mga lumang kanta. Mabilis kasi mapukaw yung emosyon ko sa mga bigay na bigay na kanta ng Derf, Bread, Peter Cetera at lahat lahat na. Nakikinig ako ng mga lumang kantang paborito kong pakinggan sa hapon, biglang tumugtog ang Bizarre Love Triangle. Kahit anong pagdedecipher ko dito sa kantong ito, hindi tumutugma ang lyrics sa title. Hindi ko maintindihan kaya isinabuhay ko nalang yung lyrics, nilagay ko sa katayuan ko at sa kung anong nararamdaman ko.

October, naisipan kong buksan ang FB ko. Ilang buwan na rin akong wala sa Facebook world, siguro okay lang naman na icheck ko na ulit.

Binuksan ko ang FB ko at naisipan ko magupdate.

Uso pa kasi noon ang walang pake sa kahit ilan ang status mo sa facebook araw araw. Kaya wala namang pagaalinlangan na i-inistatus ko yung lyrics ng kanta.

“Every time I see you falling I get down on my knees and pray”

Tapos nagcomment si Kyx.

Kyx: Waiting for the final moment you say the words that I can’t say.

Aila: I feel fine and I feel good, I feel like I never should.

K: whenever I get this way, I just don’t know what to say. Why can’t we be ourselves like we were yesterday?

A: I’m not sure what this could mean. I don’t think you’re what you seem.

K: I do admit to myself that if I hurt someone else then I’ll never see just what we’re meant to be.

Lalo akong napaisip. Kumakanta lang ba kami or may ibig sabihin ba dapat?

Sa simpleng ganyan hindi ko malaman kung meron ba o wala. Kaya lang ano nga ba yung “meron” at “wala”? Hindi ko rin naman alam kung ano mismo yung hinahanap ko. Sa gitna ng meron at wala, dun nalang ako. Sa gitna ng meron at wala, andon yung kilig ko.

Tumagal pa siguro ng lima hanggang walong araw bago ako magdeactivate ulit ng FB.

Hindi naman ako minemessage masyado ni Kyxarie kasi busy daw siya sa pagpipinta.

Tanong

Minsan maiisip mo baka oo, baka hindi. Madalas hindi mo na alam kung anong sagot. Madalas tinatanong mo ang sarili mo pero magkaiba ang sagot ng puso at isipan mo. Dalawang magkaibang sagot, parehong naiintindihan mo pero hindi mo alam kung alin sa dalawa ang papakinggan mo.

Madalas hinahanap mo ang mga sagot sa tanong, pero hindi mo alam kung saan sila makikita. Hindi mo alam kung andiyan lang ba sa tabi tabi o kung nasa puso mo na mismo ayaw mo lang halungkatin, ayaw mo lang harapin?Hanap ka ng hanap kahit di mo naman alam saan titingin.

Pero lahat ng tanong nasasagot sa tamang panahon. Lahat ng tanong may kasagutan hindi lang natin agad maintindihan.

Dumating na ako sa punto na ako na mismo sumagot sa tanong ko, kahit di ko alam kung tama o mali, sinagot ko at pinanindigan ko ang napili kong kasagutan. Nung alam ko na at napaniwala ko na ang sarili ko sa mga kasagutan na ginawa gawa ko lang, biglang dumating ang tamang panahon at siya na mismo ang sumagot sa mga matagal ko nang hinahanapan ng kahulugan at kasagutan.

Baka ganyan din. Dadating din ang tamang pagkakataon, dadating din ang panahon na masasagot ang lahat ng tanong.

Breath of Fresh Air

It took me some time to realize that no matter how much you justify something wrong, it wouldn’t make it right.

Moving forward, everything is a learning experience and no matter how heartbroken I am, I still feel grateful and enlightened.

Thank God for people who are genuine enough to tell you what’s wrong in a civilized way–teaching you and sharing with you what you can do differently next time instead of spiting you. *thanks Keira!*

Also, I felt like maybe what I wrote was too personal so I had to have it protected as of the moment.

Dear Blogger Friends

Ang dami ko pa sanang chika, sinulat ko na kaso hindi ko pa napapublish kasi parang kulang pa. Tapos wala ako bukas, alipin ako ng salapi cheret meheheh at may trabaho ako bukas sa event. Jusme ayaw ko talaga ng events. Ayaw na ayaw ko yung hindi ako pamilyar sa pupuntahan ko. Ayun na nga guys, yun yung magcocommute ako bukas. Parang adventure pero time pressured hahahah.

Bahala na si Batman.

Nga pala, nagbasa basa rin ako ng mga blog niyo kanina. Hindi ko pa natapos kaso mag-a-out na ako so itutuloy ko sa bahay ang pagbabasa ng mga blogs ninyo 🙂

Sana makachika na ako ulit. Ang dami kong gustong ikwento kaso nalilipasan ako ng panahon, sana maisulat ko pa rin huhu.

Salamat nga pala at hindi na imaginary ang blog readers ko. May friends na talaga ako dito na mga Pilipino. Nakakatuwa! ❤

Wait Lang

Ang daming hanash lately sa buhay ko di na ako nakapagblog.

Pasensya na, back to regular programming tayo bukas. (Feelingera ko diba hahahaha)

I’ll be back with lots of chika! (Chika is “story time” or random narration about something. More of a conversational piece)