Noong Ako ay Bata Pa

Habang nakikinig ako ng mga OST ng Yu Yu Hakusho (Ghost Fighter) naalala ko yung 90s.
Late 90s na ‘to sumikat satin pero ’92 ‘to nilabas ng mga hapon.

’97-98 ko yata tinangkilik ang Yu Yu Hakusho pero tuwing naririnig ko yung mga OST nila, lalo na yung Smile Bomb, naaalala ko yung kung paano ang mundo ko nung bata pa ako.


*nostalgia coming up*

Namimiss ko yung pag-kagising ko, uupo ako sa upuang ratan na tamang tama lang para sa size ng isang 4 years old. Regalo ito sakin ng lola ko, isang set ng ratan na lamesa na may kasamang 3 upuan. Doon ko nilalagay ang mga palayok (palayok palayukan ang tagawa ko) ko, maliliit din na siyang binili ng lola ko sa kung saan, sa palengke ba? Hindi ko na matandaan.
Doo’y maglulutulutan na ako at tsaka magkukunwaring naghahanda ng almusal.

Tuwing maglalakad ako, kakalembang ang 2 maliliit na belles na nasa anklet na bigay sa akin ng tita ko.

Pabalik balik ako mula sa ratan set patungo sa kama ng mama ko at papakainin ko siya ng almusal-almusalan na kunwari’y ginawa ko.

Namimiss ko ding problemahin kung paano ako makakatulog ng tanghali dahil hindi ako inaantok ngunit kailangan sapagkat hindi ako papayagan lumabas at makipaglaro sa mga bata doon sa looban kapag hindi ako natulog ng tanghali.

Sa banig ako matutulog, habang nakikinig ang lolo ko sa transistor niya (bulag ang lolo ko kaya mas mahal niya ang transistor kaysa sa TV nya)

Kapag nagising na ako, papakainin na ako ng kung nong meryendang inihanda ng lola ko pagkatapos ay manonood ng Ang TV at lalabas na. Makikipaglaro ng kung anong laro ang trip ng mga bata sa looban.

Iba yung pakiramdam kapag lumalabas ako non tuwing hapon. Kalma, hindi na mainit ang araw at nakakatuwa ang ingay ng mga bata (baka ako lang natutuwa kasi bata rin ako noon) Pawis na pawis ako parati at madalas pandilatan ng lola ko pag uuwi na ako dahil ang babae daw ay hindi dapat nagtatatarang at nagtatatakbo sa labas. Pero gusto ko eh.

Nakakamiss maging bata. Nakakamiss yung hapon noon. Yung klima, yung kalma. Nakakamiss ang lolo at lola ko. Namimiss ko lahat.

Advertisements

“God Doesn’t See Me”

Mga hanash ko, drama at iba pang nasa loob ng isip ko. I didn’t even try na ayusin ang composition ko dito. Raw and full of emotions. Bear with me he he he hehehe


I’ve been putting this off for a while that’s why I haven’t been really on the loop. That’s the introvert in me working and it has been like this for me in the past weeks. Okay so klaruhin muna natin, being an introvert doesn’t mean I have to be quiet and shy all the freaking time especially when I like the company of the people I am with however, I don’t always get to be like that because most of the time, I recharge myself. Sa sobrang daming ganap ng life ko, I don’t think I have a lot of energy to socialize and communicate etc etc. Also, don’t tell me who I am. Thank you.

Okay so going back, I have a lot on my plate both work wise, personal wise, family wise, relationship wise, lahat na. At work, though I finished everything before Christmas, we still have to crunch because there are people who will go on leave, on vacation and I need to check their work so ang daming deadlines nila na kailangan ko din habulin and it’s so stressful to be honest. Family wise, you don’t have any idea how much bullshit I have to go through to the levels na gusto namin mag-hibernate ni mama because life at home is stressful. Magpapasko nalang puro pa kabullshitan ang ganap hence the Baguio trip that we had last 21st of December with my aunt (mom’s sister) I was so happy that I chose to go on this trip (kahit hindi ako bayad from 21 until Pasko) because I got to spend more time with my mom, aunt, cousins, nephews and of course, my maarte sister. We don’t go on trips a lot kasi mej praning mom ko sa mga biyahe, she doesn’t like to travel or go on adventures so this out of town trip is one for the books dahil looking forward mom ko dito. Relationship wise, I didn’t have a lot of time for Kyx kasi we were both so busy with all the ganap in life. Siya busy with work, although I get to see him every day naman, but I only get to spend time with him when we’re stuck in traffic pero when we get home, I do my thing (yoga, skincare) then I go to bed immediately. Wala na kaming time for lambingan and all that kasi pagoda tragedy talaga ako nakakaloka.

Like what I said, I enjoyed the Baguio trip so much. Ultimate bonding experience with mom and my aunt’s family, super close kasi kami so it wasn’t awkward, talagang enjoy lang. But I can’t fully enjoy as in yung masaya pati heart and soul ko kasi on the 21st, the brother of my gramps, tatay Zosing, passed away at around 5 in the afternoon. We were on our way to Baguio and I got a call from my dad saying that tatay passed away—that meant he was gone right? That meant I have to let him go and that meant I have to keep my tears from falling because I want to be strong for my dad, for my family. I was sitting idly and I was trying so hard to hold back tears, my stomach clenched and my chest felt so heavy. ANG LALA.

Papa: Anak, kumain ka na ba? Nasan ka?

Me: On the way po sa Baguio with mama.

Papa: Ganon ba Anak? Ingat kayo ni mama mo. Anak, si tatay kasi, wala na siya. Wala na ang tiyo zosing kaninang 5pm.

Me: Ganon po ba pa? Ang lungkot naman po. Huling kita na pala namin ng tatay nung pista.

Papa: Oo nga eh. Ganon talaga anak. Sige, tatawag nalang ako ulit, asikasuhin ko lang muna ditto.

*poker face*

When I hid my phone, my mom immediately said “wala na ang tatay?” I just nodded and tried to sleep.

**tagalog incoming**

Hindi ko alam ano yung mararamdaman ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magpapasalamat ba ako sa Diyos na at least, wala nang hirap na mararamdaman yung lolo ko? Ang sakit kasi naaalala ko kung gaano ako minahal non. Kahit apo lang niya ako sa pamangkin niya (pamangkin niya si papa) sobrang mahal ako nung taong yun. Ang tagal namin hindi nagkita kasi nasa Batangas sila, hiwalay parents ko, nasa Manila ako, nagkaron pa ng hidwaan sila ng lolo ko (tatay ng papa ko) so ang hirap na wala kaming communication. Napakasakit kasi ang daming oras ang nasayang na hindi kami nagkita at nagkausap manlang eh. Nung umuwi ako sa Batangas nung piyesta sa Nasugbu, nasa ospital na siya at dinalaw ko siya. Huling kita na pala namin yun. Hindi ako makaiyak kahit ang sakit sakit sakin kasi ayaw ko naman na magalala din si mama sakin. Alam mo yun? Yung tangina nung nararamdaman ko pero di ko malabas kasi wala sa lugar??? Di ko alam. Siguro ako lang to ganon, pero wag niyo sabihin sakin kung paano ako dapat umarte, paano ko maramdaman yung nararamdaman ko and yung ano yung dapat na ginawa ko kasi hindi naman kayo yung nasa posisyon ko.

**

I was losing it but that’s the thing with people like me, we don’t show it as it is. We try to shrug it off as if we’re okay but in reality, we’re going through a rough time and we just choose to keep it because that’s how we cope with our problems. Hindi lahat ng tao kayang ipakita sa inyo kung ano yung totoong nararamdaman. Hindi lahat ng tao pwede mong sabihan na “okay lang yan” kasi hindi okay. Hindi talaga okay. Hindi lahat ng tao pwede mong sabihan na pinagdaanan na yan ng maraming tao, kaya kaya mo din yan kasi kahit kaya ko, magkaiba kami nung taong yun. Magkaiba kami ng personal experiences at ng way kung paano mag-deal sa problems. -_-

So ayun na nga. Sobrang dami kong hanash kasi I never liked celebrating the Holidays kasi every year, it doesn’t feel like I have the right to do so. 4 years na kaming ganito, na may namamatay before, after, Christmas and New Year. I know that it’s not about me, my feelings and my family pero the Holidays is not about just faking to be happy and making beso with relatives that do not even care about me. I just don’t like it.

Kahit nung wala pang mga namamatay sa family namin in that time of the year, ayoko talaga ng Pasko because it’s lonely for me. It reminds me of the lonelye feeling I had when my mom was still in Dubai. She’s not home for Christmas kasi she chooses to be on vacation kapag vacation din namin sa school so birthday ko yun lagi na nandito siya and I’d rather want that than to have her celebrate Christmas with us. Matagal siyang wala for Christmas. 10 years kaming nagpapasko na wala siya so I never liked it, I never felt festive. Pinamumudmuran kami ng pera at regalo ng mga kapamilya namin (I’m not complaining) but it’s not what Christmas means for me. Hindi ako naging mahilig sa pera at regalo because I always loved simple celebrations with mama, kaya yung mga gifts, it’s not something I would choose over my mom, or my family. Ayoko mag-emo shit or magsira ng Christmas mood niyo kaya sinulat ko to after Christmas na.

Ilang pasko pa ba yung ganito para sakin at sa pamilya ko?

Yesterday, Christmas (Happy Birthday, Jesus!) I was having a breakdown. Ang daming masasakit na ganap sa buhay ko, sa lahat lahat tuwing Pasko tapos ngayon sobrang whoooo di ko na kaya. So I cried and cried and cried my heart out. Kyx was comforting me and one thing I loved about the way he comforted me was that he’s not confused. He knows exactly what I’m going through and why I am acting the way I am kaya he’s just there, trying to calm me down. Then I blurted out

“God doesn’t see me. I am suffering, my family is suffering and I just want to feel comforted, I want to be assured that things are happening because it has a greater purpose and not because I am cursed. I feel like God does not see me anymore”

then Kyx started to cry. He told me that God sees me and that even though I am suffering, I am not alone.

“You’re suffering, nahihirapan ka pero tignan mo ako. Di ba nandito din ako? Nahihirapan din ako ‘pag nahihirapan ka. You’re not alone, Ddear. And God sees you! He has plans for you, for us. Don’t ever think that he doesn’t see you and doesn’t want you to be comforted. God is rooting for you.”

So ayan, nagiyakan kami after ng “God doeasn’t see me” hanash ko.

Pero aside sa mga hanash kong ito, I am still grateful. Kahit ang daming painful memories ng pasko at bagong taon para sakin, I am still blessed to have my mom, my sister, Kyx, my friends, my family and people close to me, pati na rin ang mga TFIOB friends ko. I am grateful that despite every shit I have to go through, I still have people who will support me and go through hell and back with and for me. So in a nut shell, laban lang!

Anong Pakiramdam ng May Tatlong Kuya?

Sa gitnang litrato: Altheo, Aldwin, Aldous tapos ako yung nakaupo

Ipapasok ko sana yung mga litrato namin ng mga kuya ko dito mula bata kami kaso yung iba nandon sa isang taong di na parte ng buhay ko. Pinapascan ko kasi sakanya nung 2009 tapos na-ondoy tapos ewan ko na. peste.

Anyway, ayun. Marami na kasing nakapagtanong sakin nito tapos hindi ko alam kung ano yung isasagot ko kasi??? Feeling ko normal lang yun??? Hindi ko naman kasi naiintindihan dati yung ano yung feeling ng walang kuya? Kasi hello, ang dami nila so pano ko malalaman ang difference?

Pano ko malalaman ang difference? Pag tumanda na kami. At ngayong matanda na kami, alam ko na yung pakiramdam.

Kuyas and Memories

  1. Nung Nanganak ang mama namin sa bunso, si Kuya Aldwin ang kasama ko sa bahay. Grade 3 ako nun. Tapos sabi ko sa Kuya Aldwin ko kailangan niya akong ayusan ng buhok kasi magagalit teacher ko kapag hindi nakatali. Sabi nya sa akin, sige daw. Mabilis kaming kumilos, pinakain nya ako, naligo at nagbihis ako. Pagtapos nun sabi niya “anong ayos ba gusto mo?” sabi ko “pigtails!” ayun, mahigit 30 minutes nya akong inaayusan. Tuwang tuwa ako non kasi pinagkalat ko sa class namin na kuya ko yung nagpony ng buhok ko. Iba yung kilig kasi sinasabi ng mga classmates ko “wowwwww talagaaa” ganern.
  2. Hindi pa ako nag-aaral non, siguro 3 or 4 years old lang ako tapos ang nagbabantay sakin isang hapon ay si Kuya Aldous (ang pangalawang matandang kuya ko) tapos nakikipaglaro ako sa mga kapitbahay namin tapos sabi niya “diyan ka lang, babalik ako ah” tapos pagbalik nya nakangiti sya, may bitbit syang laruan pero ayaw niya ipakita sakin tapos hinabol ko sya papasok sa bahay namin. May laruan na golf set siyang binili. Siguro 15 lang sya nun tapos huhuhuhu di ko alam san niya kinuha yung pera na pinambili niya non. Naaalala ko gustong gusto ko yung golf golfan na yun eh!
  3. Pinakapaboritong alala ko kasama si Kuya Theo ay marami huhu pero yung nakatatak sa puso’t kaluluwa ko eh yung nagpapanggap pa rin siyang may Santa Claus for my sake. Alam na niya kung sino si Santa pero hindi niya sinasabi sa akin. Paniwalang paniwala ako tapos chillax lang siya. May regalo din kasi si Santa sakanya pero kahit madalas kaming nagaaway hindi niya sinira yung childhood ko at sinabi sakin kung sino talaga si Santa Claus. Mehehe
  4. Paborito kong sinasabi yung “Isusumbong kita sa kuya ko” o kaya naman “Patay ka sa kuya ko ah” kapag may epal sa buhay ko. Wala din namang nagtangka na bwisitin ako further nung bata ako dahil nga takot sila sa mga kuya ko. Kasi alam ko din na mananagot kung sino man yung kakanti sa akin haha. Siguro bukod sa dugong batangena ko, kaya din ako matapang kasi nga hehehe 3 kuya ko bwahaha
  5. Lahat sila nakapaghugas ng pwet ko o nalabhan damit ko. Lahat ng pag-aalaga natamo ko. Lahat din ng pangaasar pero keri lang.
  6. Madalas kong kaaway si kuya Altheo nung bata kami. Maldita kasi ako tapos ang sakit kasi niyang mangkaltok kaya napapaiyak talaga ako sa sakit. Minsang kinaltukan niya ako sabay belat wala akong ibang nagawa kundi kagatin ang sarili ko sabay sigaw “mama si kuya kinagat ako!!” BWAHAHAHAHA.
  7. Lagi silang nanonood ng cheering compets ko or pagsasayaw or kahit anong performance. Lagi din sila kasama ko sa mga kung ano anong bagay.
  8. Dati si Kuya Aldwin nagtrabaho for fun nung college siya tapos sa unang sweldo niya binilhan niya ako ng A Bug’s Life na t-shirt. Sobrang tuwang tuwa ako non. Grade 1 lang ako non eh.
  9. Tinutulungan din nila ako lalo na nung nagaaral pa ako bwahaha. Tapos binibilhan ako ng mga gusto ko. Ay nga pala, dapat isang number pa to pero dito nalang ilalagay haha. Isang beses, college na ako non, umuulan tapos sa kanto lang ako bababa. Kapag ganon kasi, susunduin ako ni Kuya Theo na may bitbit na payong. Tapos nung araw nay un, tulog pala siya. Bale sumugod ako sa ulan tapos pinagalitan ko siya paguwi ko. Sinesermonan ko na hindi manlang niya ako sinundo at basing basa ako sa ulan bwahahah.
  10. Tapos yung last, hanggang ngayon sa kanila pa rin nanggagaling ang cellphone ko HAHAHAHA.

Hindi ko madescribe kung anong pakiramdam ng mayroong 3 kuya kaya based on the 10 facts sana nalaman niyo.

Bottomline para akong may 3 tatay at kaberks hahaha. Ang dami ko pang ililista diyan pero sa susunod na.

“It Felt Wrong”

How timely is it that this revelation occurred on a Thursday? Throwback Thursday!

There’s nothing more refreshing than finally knowing what caused all these chaos. All these trauma.

It’s overwhelming and unbelievable to get confronted by my amygdala. The wonders of the human brain. It’s just unbelievable and must I say, brilliant?

Finally, after burying every single detail from when I was 11 and 13 and 14, the memory of each experience have returned and the reunion was bittersweet. I have come to terms with the bitterness of the traumatic experience but let’s not fail to acknowledge the sweetness of knowing why all these tears, why the depression?

I have come to terms and I am at peace with the fact that yes, I was sexually abused by a child.

Not raped but well, sexually abused.

Not by strangers, no. But by people I am related to.

Not my dad, not my brothers, not my uncles, not my cousins.

I was sexually abused and when I was 11, 13 and 14, I didn’t even know it was called THAT. All I know was it felt wrong but I didn’t know what was right.

 It was not an intercourse. My virginity was not taken but it was equally as scarring as any form of sexual abuse.

PMS 101

Premenstrual Syndrome this is all too familiar for us women right? I don’t know about you but I have different PMS phases for every month. Sometimes a combination of 2 or 3 emotions hah! For Kyx to understand it better, we both made different phases or stages of my PMS and let me share it with you.

PMS Hungry – this is when I can devour everything in 10 minutes or sometimes, this is when I get hungry every 45 minutes or so. This is the time I crave for random things as well!

PMS Angry – this is when I get angry (mostly at Kyx) even when he just breathes in and out lels.

PMS Happy – this is a rare phase but at least I have something like this. This is when I am very happy and extra considerate of people’s feelings especially Kyx’s.

PMS Lonely – this is when I get sad over everything.

PMS Crazy – this is when a combination of other phases occur!

PMS Emotional – this is the most common PMS phase or stage I have. I cry over small things, I get happy over small details, I get sad over a lot of things—I just go into a wild rollercoaster ride when in this phase.

PMS Auto-Demon – this is my and kyx’s least favourite phase. This is when most probably during full moon lol. It’s when I get really really frustrated that I would get very mad and irrational.

PMS Lovey Dovey – this is when I am extra clingy or I want Kyx to make lambing for as long as I want then make him stop when I am satisfied. Lels.

I guess that’s about it. More PMS phases may be unleashed some other time but for now, that’s all I got. How about you?

Si Kyxa at Si Aila S01E02: Puro Sakit Na Lang Ba?

Malungkot ang mga araw ko non. Hindi ko na kasi nakakatext si Kyx, hindi ko na rin siya nakakausap. Hindi ko rin siya tinitignan. Pinapakita ko sakanya na wala na akong pakielam sakanya matapos niya akong sigawan? Aba?? Sino ba sya! Pero ang sakit. Kasi habang dumadaan ang mga araw, naghihintay ako na magsosorry siya, na magtetext siya sakin o kaya tatawagan niya ako sa landline para magsorry. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon pero hindi pa rin kami naguusap.

Araw araw ang sakit kasi tinitingnan ko yung Friendster profile niya, tinitignan ko kung may message siya or testi para sakin pero wala.

Hanggang sa February na, wala pa rin tapos naguumpisa na akong mag move on. Hindi ko na siya crush, hindi ko na rin siya kaibigan. Yan yung sinasabi ko sa sarili ko araw araw. Dahan dahan na rin ako nawalan ng pakielam sakanya. Parang napatawad ko na siya sa pagsigaw niya sa akin at parang natanggap ko na na kagaya ng ibang crush crush na yan, short lived lang ang samin at walang ibang mararating.

Same month, February 2008, namatay ang lolo ko. Kahit alam niyang close ako sa lolo ko, kahit nakita niya akong umiiyak sa school pagkatapos ng Prom practice namin nung tinawag ako ng guidance counselor, pinapauwi na dahil nga namatay na pala ang lolo ko, hindi niya ako nilapitan. Hindi rin niya ako tinext, wala siyang sinabi. Magtatampo na sana ako pero naalala ko na “hindi ko na siya crush, hindi ko na rin siya kaibigan”. Nung prom, hindi niya rin ako sinayaw. Buong gabi akong naghintay na isayaw niya ako pero hindi. Wala siyang isinayaw non. Nakaupo lang sya. Hindi niya ako tinitignan, di ko rin siya tinitignan kapag alam kong makikita niya ako.

Buong gabi pinapakita ko sakanya na ang saya saya ko, na okay lang ako kahit may pinagdadaanan ako, na nageenjoy ako kasama yung mga kaibigan ko. Ang ending, ako lang din pala yung mukang tanga. Nagpapanggap akong masaya kahit wala naman pala siyang pakielam na. Diba?

Huling linggo ng February, binalik ng teacher naming ang TLE Project namin na “Book Bind”. Doon sa book bind na iyon, papasulatan namin ng mensahe ang mga kaibigan namin. Pinasulatan ko yung book bind ko na yun sa lahat kasama si Kyx pero hindi niya ako pinasulat sa kanya. 😦

Sakit. Puro sakit nalang. Kawawa naman yung 16 year old landi-self ko huhu =)))

Si Kyxa at Si Aila S01E01

Dumaan ka na bas a matinding confusion? Denial? At kung ano ano pang “on the side”? Ako rin.

High school friend ko si Kyx. Pero siya yung isa sa mga kaunting lalaki doon sa school namin na yun na walang pakielam sa mga babae. Ang nasa utak lang niya ay ang pag-cocomputer—DOTA at pagbabanda banda kasama ang kaniyang mga friends. Hindi siya mahilig makipagusap o makipagkaibigan sa mga babae at iba pang mga tao sa school. Kumbaga may sarili silang mundo ng mga kaibigan niya. Cool kids sila na walang pake. Cool kids na tahimik. Hindi sila binubully ng mga pabibong bully kids sa school—tipong may respeto sakanila? Ganong levels.

Ako naman, kasama ako dun sa mga nerdy o “geeks” kung tawagin. Ayoko na ikwento kasi hindi ko naman na kaibigan yung mga kaibigan ko noon. Pero basta ganon.

Magkaibang magkaiba kami kaya hindi ko rin ineexpect na magiging mabuting kaibigan ko siya. Naging magkaibigan lang kami dahil sa 2 tao na pinagtagpo kami. Hanggang sa lagi na kaming magkatext at nagtetelebabad sa landline.

Pero parehas kaming nagpapakiramdaman. Parehas kaming hindi sigurado sa nararamdaman.

Crush ko na siya nung December 2007 pero ayokong sabihin sakanya kasi kilala ko siya. Wala siyang interes sa mga crush crush. Wala siyang pake. Wala sa utak niya yon.

Dahil sa encouragement ng mga friends ko (noon lang ko sila friends ah hahahahah) niyaya ko si Kyx na sumama samin sa Mega Mall pagkatapos ng Christmas Party. Nung gabi bago ang Christmas Party namin, tinawagan ko siya sa bahay nila.

Ako: Kyxa! Hello!!

Kyx: Bakit? (masungit ang tono)

A: Sama ka samin, magpupunta kami sa Mega Mall pagkatapos ng Christmas Party eh.

K: Ayoko. May iba akong kasama eh. (masungit pa rin)

A: Sino? Sina Jem? Sina Ambal? Sumama nalang kaya kayo samin? Para happy!

K: Ayoko nga eh. Ang kulit mo ah!! (sinigawan na niya ako)

A: Ah okay sige bye na.

Binaba ko yung telepono at hindi ko na hinintay kung ano yung sasabihin niya. Yun yung huling beses na kinausap ko siya sa taong 2007.

Hindi ko na rin siya tiningnan, hindi ko na siya kinausap. Nagalit ako kasi sinigawan niya ako pero siguro kaya ako nagalit kasi nasaktan ako. Naramdaman ko na matapos ang lahat ng kilig ko sakanya, matapos ang pagpapalit namin ng ID (oo may ganong factor. palandi effect yata yun nung panahon ko huhu), matapos ang lahat ng pagpupuyat namin sa pagtetelebabad, wala pala siyang nararamdaman sakin. Wala lang pala at kaibigan lang pala kasi talaga.