Kwentuhan Tayo #2

Jusko naman, kwento ko lang last night yung moment of enlightenment ko ha. Kasi naman 2nd day palang into 2019 umiyak na ako kaagad, ano ba naman yan diba? Pero don’t get me wrong, it’s not a bad thing. I was just really feeling a bit overwhelmed and emotional. Andiyan papasok bigla yung self-doubt at takot, napangungunahan ako ng ganitong thoughts kaya di ko kinakaya na napaiyak nalang ako hahaahhahha.

Sobrang bago kasi itong career change na ito para sa akin. Ang personality ko kasi is sanay ako sa routine. Sanay ako sa alam ko. Ako yung tipong pipiliin yung long travel na kabisado ko kaysa sa shortcut na hindi ako familiar. Ako yung uulit ulitin ang order sa paulit ulit na restaurant kasi ganon talaga ako. In short, hindi ako talaga sana sa taking risks, seeking the great perhaps and all that. Hindi ako sanay umalis sa comfort zone ko so this year ko yun gagawin and natatakot ako hahahah. Syempre normal lang naman siguro ang makaramdam ng ganitong emotion kaya hindi naman ako naiinis sa sarili ko. Isa pa, naiisip ko na sobrang mahihirapan ako kasi ibang iba talaga yung career path na tatahakin ko ngayon. Hindi siya ever sumagi sa utak ko na gagawin ko kahit kailan but here I am??? So paano diba? Kaya ko ba? Gusto ko sanang umatras, umurong, mag-BPO na lang ulit ako kasi mas alam ko kalakaran doon pero sabi ni Kyx kasi, ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako aatras eh andito na ako.

Feeling ko hindi ko kasi magagampanan ng mahusay yung position kaya lang ang nega ko naman kung ganon. So eto na:

  1. Sigurado ako, hindi ibibigay ni Lord sakin ito kung hindi ko kakayanin. Sabi nga nila, lahat ng challenges na binibigay sa iyo ay kaya mong malampasan. So kaya ko din siguro ito no?!
  2. Dapat paulit ulit kong isipin ano nga ba ang purpose ko why I started? Ano ba yung goal ko bakit ko ba ito kinuha. May deeper reason so dapat lagi kong balikbalikan yun.
  3. I fear that I won’t have enough time anymore for my family and friends dahil sa super busy na ng magiging work ko, kaya lang sometimes kailangan ng little sacrifices like this for a greater reason.

Ngayon naman kalmado na ako eh. Kagabi lang ako nagiinarte. Sige 2019, i-push natin ito!

Advertisements

5 thoughts on “Kwentuhan Tayo #2

    1. Kinakabahan ako bes. Sana kaya ko hahaha nagpapawis nga palad ko just thinking about it. Parang kasi back to zero diba? Pero good thing naman ito kasi growth ito eh hahaha pero siguro kailangan natin magusap in person para maencourage mo ko ng todo hahahah

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s