Hayy Life

Bago ko ito sinulat, meron akong sinulat na super raw as in yung feelings ko andon lahat. Hahahahah so dito sa version na ito, itatry kong hindi ako galit haha.

Minsan talaga dadating sa puntong akala mo ubos na ubos ka na pero may pipiga pa rin sayo, sasairin ka. Andon ako sa puntong yon. Andon ako sa pagod na pagod ako sa buhay ko to the point na gusto kong umalis, maglaho at wag nang bumalik. Gusto ko mag-iba ng identity at manirahan nalang sa kung saan walang nakakakilala sa akin. Pero hindi ko alam kung sobrang katapangan yon na talikuran ang lahat ng bagay o kaduwagan. Ikaw nalang mamili kung ano sa tingin mo yon.

Alam kong maliit lang itong mga iniinda ko. Pero siguro dadating ka nga talaga sa mga ganitong punto, may mga moments na hindi mo na din alam ano gagawin mo kahit na simpleng bagay lang naman yon, kahit pwedeng hindi na isipin, iniisip ko pa rin.

  1. Saan ka nakakita na hindi mo naman utang pero ikaw ang nagbabayad????? Gusto ko tumawa talaga pero baka habang tumatawa ako ng malakas maiyak ako hahaha bakit ganito ang kapalaran mga mamsh??? Tapos may nasasabi pa sayo???? Vhaketttt hahah
  2. Yung mga bayarin na malalaki sinasalo mo kasi wala nang ibang sasalo. Yung taong originally nagbabayad non wala daw pera ngayon pero san ka pa, may maraming bagong mamahaling shoes hahahahaa saya saya!
  3. Yung tuition na originally babayaran ko hindi ko mabayaran dahil sa 1 and 2 tapos parang kasalanan ko ngayon kasi san na ako kukuha ng pambayad na yon???? Kasi binayad ko na sa mga bagay na hindi naman dun nakalaan ang pera ko pero ano gagawin???

Shuta pagod na pagod ako mga bakla. Hindi ko kinakaya ang laging MMK nalang ang nangyayari.

Okay lang ako sa role ko, naiintindihan ko na kahit pang-apat ako sa pinakamatanda eh ako na ang tatayong bread winner para sa bunsong kapatid ko at sa nanay ko kasi walang ibang gagawa. Tanggap ko yon pero hindi ako magpapakaplastic na sasabihin kong hindi ako napapagod. Napapagod talaga akong sadya. Tapos bukod pa diyan, hindi ka maiintindihan ng ibang tao kung bakit tumatanggi ka sa pagsama sakanila sa mga laboy, hindi maiintindihan kung bakit hindi ka nakakapagreply sa mga chat lalo na mga kamaganak ko sa tatay ko na juskooooo poooo hindi lang ako makareply talagang dami nang sinasabi sakin. Ratrat na ako ng mga hindi manlang daw ako makaalala. Jusko po sa dinami dami ng iniisip ko unahin ko pa ba mag gaganyan?

Tapos alangan namang isa isahin mo sakanila yung mga pinagdadaanan mo sa buhay diba? Diba hindi naman madaling gawin yon.

Pagod na pagod ka pero hindi ka pwedeng sumuko. Hindi ka pwedeng maawa sa sarili mo kasi kailangan mong magfocus sa goals mo, may mga taong umaasa sayo kaya sila yung mas uunahin mo kaysa sa sarili mo.

Kaya sige. Bahala na. Bahala na si God kung papaano ko malalampasan ito.

Mercruy Retrograde or PMS siguro kaya stressed ako ng bongga pero wapakels na. Kailangang ko kumayod. Happy Monday!

Advertisements

3 thoughts on “Hayy Life

  1. Ang hirap talaga ‘pag pera ang usapan ano? Ang daming nasisirang relasyon, ang daming grudges na kinikipkip, at ang daming plano para sa sarili na nauudlot. Huhu. Sana malampasan mo ito, mars! I wish you good vibes this Monday! 😀

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s