Hayy Life

Bago ko ito sinulat, meron akong sinulat na super raw as in yung feelings ko andon lahat. Hahahahah so dito sa version na ito, itatry kong hindi ako galit haha.

Minsan talaga dadating sa puntong akala mo ubos na ubos ka na pero may pipiga pa rin sayo, sasairin ka. Andon ako sa puntong yon. Andon ako sa pagod na pagod ako sa buhay ko to the point na gusto kong umalis, maglaho at wag nang bumalik. Gusto ko mag-iba ng identity at manirahan nalang sa kung saan walang nakakakilala sa akin. Pero hindi ko alam kung sobrang katapangan yon na talikuran ang lahat ng bagay o kaduwagan. Ikaw nalang mamili kung ano sa tingin mo yon.

Alam kong maliit lang itong mga iniinda ko. Pero siguro dadating ka nga talaga sa mga ganitong punto, may mga moments na hindi mo na din alam ano gagawin mo kahit na simpleng bagay lang naman yon, kahit pwedeng hindi na isipin, iniisip ko pa rin.

  1. Saan ka nakakita na hindi mo naman utang pero ikaw ang nagbabayad????? Gusto ko tumawa talaga pero baka habang tumatawa ako ng malakas maiyak ako hahaha bakit ganito ang kapalaran mga mamsh??? Tapos may nasasabi pa sayo???? Vhaketttt hahah
  2. Yung mga bayarin na malalaki sinasalo mo kasi wala nang ibang sasalo. Yung taong originally nagbabayad non wala daw pera ngayon pero san ka pa, may maraming bagong mamahaling shoes hahahahaa saya saya!
  3. Yung tuition na originally babayaran ko hindi ko mabayaran dahil sa 1 and 2 tapos parang kasalanan ko ngayon kasi san na ako kukuha ng pambayad na yon???? Kasi binayad ko na sa mga bagay na hindi naman dun nakalaan ang pera ko pero ano gagawin???

Shuta pagod na pagod ako mga bakla. Hindi ko kinakaya ang laging MMK nalang ang nangyayari.

Okay lang ako sa role ko, naiintindihan ko na kahit pang-apat ako sa pinakamatanda eh ako na ang tatayong bread winner para sa bunsong kapatid ko at sa nanay ko kasi walang ibang gagawa. Tanggap ko yon pero hindi ako magpapakaplastic na sasabihin kong hindi ako napapagod. Napapagod talaga akong sadya. Tapos bukod pa diyan, hindi ka maiintindihan ng ibang tao kung bakit tumatanggi ka sa pagsama sakanila sa mga laboy, hindi maiintindihan kung bakit hindi ka nakakapagreply sa mga chat lalo na mga kamaganak ko sa tatay ko na juskooooo poooo hindi lang ako makareply talagang dami nang sinasabi sakin. Ratrat na ako ng mga hindi manlang daw ako makaalala. Jusko po sa dinami dami ng iniisip ko unahin ko pa ba mag gaganyan?

Tapos alangan namang isa isahin mo sakanila yung mga pinagdadaanan mo sa buhay diba? Diba hindi naman madaling gawin yon.

Pagod na pagod ka pero hindi ka pwedeng sumuko. Hindi ka pwedeng maawa sa sarili mo kasi kailangan mong magfocus sa goals mo, may mga taong umaasa sayo kaya sila yung mas uunahin mo kaysa sa sarili mo.

Kaya sige. Bahala na. Bahala na si God kung papaano ko malalampasan ito.

Mercruy Retrograde or PMS siguro kaya stressed ako ng bongga pero wapakels na. Kailangang ko kumayod. Happy Monday!

Advertisements

Magandang Paalala

Ang dami kong sinulat about ditto pero ang daming palabok kaya ulitin ko nalang. Straight to the point nalang.

Don’t get me wrong, nireremind ko din yung sarili ko nito kasi minsan kailangan natin iremind ang mga sarili natin lalo na kapag ang dami na nating hanash sa buhay at parang nakakaapekto na tayo ng ibang tao. So eto na:

In this life, hindi laging ikaw ang magaling. Hindi pwedeng laging ikaw ang bida. Hindi porket magaling ka, ikaw nalang ang laging magaling at tama to the point na hindi ka na nakikinig sa suggestions ng ibang tao. You close your mind sa mga ideas ng ibang tao kasi tingin mo ikaw lang yung laging tama. You won’t go that far kung ganyan ang mindset mo. When you try to control every single thing, bukod sa hindi ka na pleasant kasama at kausap, nakakainis pa na ang tingin mo sa ibang tao ay walang utak at hindi nagiisip. So again, sana isipin natin na ang lawak ng mundo, ang daming matututunan, ang daming taong may alam pa ng mga ibang bagay bukod sa iyo so be open for learning, welcome the opportunities for growth.

Wag tayong bida bida lagi.

Wag Sabihin Kung Hindi Kayang Gawin

Gusto ko lang sabihin na wag nating madalas sabihin yung I love you at dudugtungan pa ng “no matter what” kung hindi natin kayang panindigan.

Ang love kasi napakalalim niyan. Big word. Ganern. Hindi siya madaling gawin.

For me, love in general is loving that person despite everything. Love is having faith in that person and if you don’t love that person enough, yan papasok yung you will have to walk away and no I’m not saying that’s wrong, kasi lahat ng bagay may hangganan. But all I’m saying is napakahirap ng pagmamahal. Hindi yan madaling ibigay sa friends, family at ibang tao kasi ang hirap magmahal.

Kasi pag mahal mo, mahal mo even in the tough times. You find yourself forgiving people and understanding them because that’s how much love you have. You forget about the pain and hurt they may have caused you lalo na yung petty things because love is so much stronger than the hurt diba?

Kaya nga sinasabi nila yung love daw nakakabobo, nakakatanga. Kasi in reality nga papatawarin mo ng paulit ulit kahit gaanong kasakit, paulit ulit mong papakinggan with the hope na hindi na mauulit yung masama o masakit na ginawa. If hindi mo yan magawa for someone, then your love isn’t that deep.

Ang dami kong friends na sobrang love na love naming ang isa’t isa pero nasan na sila ngayon? Sometimes you only love a person when it’s convenient. You love a person when everything is right for the both of you. If nahurt ka, if may maling nagawa sayo, all of a sudden hindi mo na mahal without even thinking nab aka ikaw may mali ka rin na nagawa.

Loving someone only when it is convenient is not love at all.

And napatunayan ko yan sa nanay ko at kay Kyx.

Well my mom, given na yan talaga kasi sobrang mahal niya ako at lahat ng anak niya.

Kay Kyx naman, ang dami kong moments. Lalo na yung anxiety attacks ko na nagsusuffer din siya when I suffer. Pwede naman siyang umayaw, pwede naman siyang bumitaw but he never does. Alam niyo yung sa pelikula yung sobrang hirap na mahalin nung isang tao tapos umiiyak na sila pareho kasi sobrang sakit na pero may isang yayakap tapos magyayakapan nalang sila ng mahigpit habang umiiyak? Yun yung love. Yun yung “despite of”. Yung yayakapin mo nalang lahat ng sakit kasi mas masakit mawala yung taong yun so you welcome the pain instead tapos si love na ang bahalang umaway kay pain. Kasi eventually, the pain goes away when the love stays strong.

Kaya nga kung hindi natin kayang gawin yan, wag na nating sinasabi.

What Have You Been Watching?

Though I am completely ashamed to admit that I have not opened a book for the last 4 months and read it intently or even try finishing it, I’ll go about this post—sharing with you what I have watched for the past months and how I loved it.

Anime

  • Boku no Hero or My Hero Academia – this is an anime you can easily watch on Netflix and on Kiss anime. ANG GANDA NIYA I SWEAR. The story revolves around Deku, a “quirkless” kid who aspires to be a superhero. In the story, everyone in the world has “quirks” aka superpowers they can use to become a hero if they want to. Basta like their everyday lives typically involves heroes and villains na parang normal siya haha. Watch it and see Deku’s adventures! HUHU SUPER GANDA (for me haha)
  • Gakuen Babysitters – I watched it on Kiss anime. The story is about brothers Ryuichi and Kotaro who have recently been orphaned because of a tragedy. The story is heartwarming, light and super funny!

Movie

  • This is 40 – I love Leslie Mann so much so though this movie could be a little dragging, I still enjoyed it. It’s a sequel to the movie Knocked Up. Funny but dragging heh.

Series

  • Haunting of The Hill House – don’t be fooled by its scary façade. This mini-series is more than just the typical scary story. It’s terrifying but it didn’t need to use too much jump scares and ugly looking creatures, the story is creepy, dramatic and AMAZING. You have to watch it huhu.
  • The Chilling Adventures of Sabrina – I’m on the 5th episode and I am not interested anymore. Hopefully I get to finish it one of these days but to be honest, I prefer the Melissa Joan Hart kind of Sabrina story line hehehe.
  • Grey’s Anatomy – I’m still on the first season and so far, I’m liking it.
  • American Horror Story “Murder House” – I finished the whole season in less than 24 hours and my eyes hurt so bad hahaha. I loved it. I was so weirded out at first but then I got the hang of it and found myself enjoying the story. I skipped Asylum (the 2nd season) and jump right to Coven. So far, I’m enjoying it.

I haven’t started on the latest HTGAWM yet because I’m waiting for it to be on Netflix he he he.

What are the things you’ve been watching lately?

I really recommend watching My Hero Academia and Haunting of The Hill House. Watch it you guyssss!!!