“Lalaki ang sa amin, walang mawawala, walang talo.”

DISCLAIMER: Natrigger ako magsulat nito dahile may dalawang naguusap sa FX kaninang umaga na sa kanila daw kasi ang babae eh nag out of town keme so siyempre sabi ni Tita #1 kay Tita #2 na talo sila kanila ang babae at sa other party eh wala naman daw mawawala. HAHAHAHAAH dahil di ko sila kilala at hindi ko masabihan, isinulat ko ito para malabas ang damdamin ko. HAHAHAHA

Bago ang lahat, wag nating idamay ang relihiyon dito dahil usapang pantao ito. Damdamin, social issue o kung ano pa mang lehitimong tawag sa topic na tinatalakay ko. Hindi dapat kasali kung ano mang relihiyon o paniniwala pagdating sa diyos dahil kahit ano pa man ang relihiyon mo, nasasaktan ka, may damdamin at may pakielam sa pakikipagkapwa tao. Kaya kung relihiyon rin lang ang banat, wag na dito. At tsaka ang gusto ko lang kasi talagang pagusapan ay yung kakitiran ng utak ng mga tao na iniisip na may mawawala sa babae o matatalo ang isang babae kapag iniwan. Alam ko nakapagsulat na ako tungkol dito eh. Kaya lang nagreresurface nanaman kaya banatan ulit natin.


Kapag nagsama ang isang babae at isang lalaki, o nag live-in o nagpakasal lagi sinasabi na ang lalaki naman ay walang mawawala at walang talo. Siguro kasi kapag nabuntis ang isang babae, siya ang magdadala non for 9 months. Pero ang lalaki sasabihin nila na parang wala lang, walang nagbago nakabuntis man o hindi.

Pero kasi 2018 na ang hirap pa rin ba lalo na sa mga Filipino na tanggapin, pagaralan, pagisipan ang gender equality?

Bilang babae, hindi ko maiwasan na mainis o magpuyos ang damdamin kapag naririnig ko yung mga sinasabing sa babae kasi may mawawala o matatalo. Sa paanong paraan ho? Ano ho ang mawawala? Excuse my French pero magpapakatotoo na ako ah, mawawala ang alin? Ang virginity? Alisin natin ang mga pangkatolikong paniniwala o kung ano pa man. Tao sa taong usapan lang. Kung (gustong gusto kong isulat yung terminology na naiisip ko kaso baka sabihin niyo bastos pero isusulat ko pa rin) kik* lang rin ang basehan, sumisikip naman yon kahit gamitin mo araw araw. Scientifically speaking, hindi yan lumuluwag o nawawala sa porma via natural sexual intercourse. Ano pa? Ano pa mawawala? Yung innocence, nawala na yun matagal na. Ano pa? Alin pa? Yung puri? Ano bang ibig sabihin para sa inyo ng “puri”? Sa tekstong sekswal lang ba ang sukat at basehan? Oh come on. Puri my ass.

Sa lalaki din naman may nawawala. Nawawala din ang virginity nila. Hindi ko talaga maintindihan sa kung paanong paraan natatalo at may nawawala sa babae at sa lalaki naman ay wala. Walang talo. Puro panalo lang. Contest ba to na may nananalo at natatalo?

Kasi magwork man ang isang relasyon o hindi. Magkaroon man ng anak o hindi, wala naming nananalo at natatalo. Sige let’s put it this way, nagkaroon ng anak ang isang magkarelasyon. Iniwan ni lalaki si babae at ang anak. The end. Anong talo don? Makakahanap si babae ng kapalit ni lalaki kung yun ang destiny niya. Kung iniwan man siya sa kung ano mang kadahilanan hindi matatapos ang buhay doon, hindi titigil ang pagikot ng mundo at lalong lalo na walang contest na may nananalo at natatalo.

Kung si babae naman ang umiwan kay lalaki at sa anak nila ganon din naman. Makakahanap din si lalaki ng kapalit, aalagaan din niya ang anak, masasaktan din siya, pagdadaanan din niya ang emosyonal na trauma pero makakabangon din siya diba?

Tigil tigilan niyo ako sa mga talo ang babae. Hindi na makakahanap ng matinong lalaki gawa nang nabuntis na siya at iba pang keme at may anak na siya at kung ano ano pang katangahang banat.

Babae o lalaki, may anak o wala, may sex na naganap, walang natalo at walang nanalo. Mag-iwanan man sila, masakit yun at may emotional baggage silang dala pero walang mas kawawa lalo na kung gagawin mo yung best mo para makaahon ka sa kalugmukan.

2018 na ang sesexist parin. Pwe.

Ewan ko ba. Nakakainis. hahahahhaha


UPDATE!

Sensitibo ako pagdating sa topic na ganito dahil I came from a broken family. Kung mabasa man to ng pamilya ng ama ko o ng pamilya ng mga kapatid ko o kamag anak ng mga kapatid ko sa tatay nila, this is not intended to offend pero basehan ko lang yung katotohanan na ang mama ko mismo ang nagdesisyon na makipaghiwalay sa tatay namin ng mga kapatid ko dahil hindi na nagwowork yung relationship. Itinaguyod niya kaming mag-isa, walang tulong ng kahit na sino, hindi kami pinagaral ng mga kamag anak namin at mama ko lang talaga. Siya ang sumalo at umako ng lahat ng responsibilidad ng isang magulang pero NEVER kong nakita o naramdaman na kawawa siya. Namulat kami na matatag siya, matapang, may diskarte sa buhay. Lahat ng kinakain namin, pinangpapaaral sa amin sa kanya lang nanggaling. Wala kahit na sino ang nagbigay samin ng suporta maliban sa kanya at hindi ko nakitaan ng kahinaan kahit na alam kong mahirap magtaguyod ng limang anak na magisa ka lang. Kaya ako, ayokong naririnig na kawawa ang babae kapag iniwan. Dahil una sa lahat, kaya rin ng babaeng mang-iwan. Pangalawa, hindi kawawa dahil basta kakayanin mo at magsusumikap ka, hindi mo hahayaan ang sarili mong maging kawawa. Pangatlo, inexplain ng mama ko sakin na noong unang panahon lang kawawa kapag iniwan dahil walang walang aral o trabaho ang karamihan sa mga kababaihan (di ko alam anong year yon, baka di pa nga ako inuumpisahang buuin ng magulang ko noon) pero iba na ngayon. Ang babae, may pinagaralan, may trabaho at lumalaban.

About naman sa gender equality, ang lalaki din naman kapag iniwan hindi rin siya dapat maging kawawa. Ang lalaki kapag niloko kakayanin din niya dapat makaahon sa sakit na dinulot ng failed relationship. At kung sakanya iwanan ang anak, kayang kaya rin niyang palakihin iyon.

Kaya wag na tayo sa double standards. Masakit sa tenga marinig yun eh. Dapat pasulong, paangat. Lalaki o babae, walang kawawa at walang talo. Tandaan nyo yan.

Advertisements

50 thoughts on ““Lalaki ang sa amin, walang mawawala, walang talo.”

  1. Let me play the devil’s advocate here, bilang babae walang talo sa totoo lang. Ang word na talo is not appropriate. For instance mabuntis si babae at the very young age, magkaanak sya at iniwanan ni lalaki. Hindi talo yun. Panalo para sakin yun. Kaso may PERO, the girl will suffer more doon sa consequences nun. Mahirap ang magpalaki ng bata financially, emotionally at maraming masasakripisyo si babae. Lahat yun kargo ni babae. Samantalang, masarap ang buhay ni lalaki. Perhaps that’s where the word talo came from. Just my opinion. 🙂

    Liked by 3 people

    1. Pero ibang circumstance kasi yun. Ibang usapan yung hindi sinusustentuhan. Yung sa surface lang na wala pang nangyayari najajduge na agad na talo yung babae, yun yung pinopoint out ko 🙂

      Like

      1. Kasi nga, the people’s opinion were based sa results na nakikita nila. Na mostly naghihirap ang babae talaga. So wala pa man nagjudged na sila agad agad. Likas na judgmental ang tao at wala ka nang magagawa dun. Kaya gawin mo kung anong makapagpasaya sayo at deadma ang mga people, kasi maiinis ka lang. 🙂

        Liked by 2 people

      2. Hahahah pero hindi talaga ako ang may experience nito ate joy HAHAHAHAH nilagyan ko na ng disclaimer kasi baka akalain ng mga tao experience ko ito HAHAHAHAHAHAHAHAHA

        Liked by 1 person

      3. rereplyan ko lang ung sabi ni ate joy dito. Hahahahahaha “Kasi nga, the people’s opinion were based sa results na nakikita nila. ” The results na nakikita nila NOON. I think. Kasi those opinions are mainly from the old folks. Pero ngayon kasi, the girls can be financially stable na din unlike before. There are cases ngayon na matapang na din ung side ni girl na kahit hindi panagutan ni lalake (minsan nga the parentals pa ni girl naglalayo). Now, sexist nga kasi mga tao kaya sinasabi na talo ka. Kasi some guys (not generalizing here) think low of the girls na may anak na tapos walang partner. Like BRUH THAT IS SO SEXIST. So yes, I get the point din ni ate Aila. Tinatak kasi sa mga kokoto (idk if this is how we spell the word pls forgive me hahahahaha) natin dati na talo ka kapag iniwan ka kaya wag ka papabuntis. Hahahahaha! Okay naman yun pero sabi nga din ni ate joy, “gawin mo kung anong makapagpasaya sayo”. I can’t agree lang sa deadma ka lang sa mga people. Depende pa din sa situation or Idk. Sometimes we need to stand up and do something so we can have the change we want to see. Maybe it’s the writer in me that I always have to say something – hoping that I won’t offend anyone in the process, though. I just really love this kind of topic. HAHAHAHAHHAA

        Liked by 2 people

      4. That’s your opinion and I respect that. I’m a peaceful person kasi, sometimes you need to agree to disagree. I choose my battles and definitely won’t waste my time arguing each individual na iba ang paniniwala sakin. In the end happiness is still a choice. 😀

        Liked by 3 people

      5. oh, ate! i hope i didn’t offend you in any way! i’m sorry. i just meant that no one can really “waste time arguing each individual”. i’m sorry i took it literally! 😦

        Like

      6. If this is regarding the “deadma sa ibang tao”, ate Joy sabagay, may point. 🙂 Kaya lang parang iba kasi yung context nung argument hehe pero anyway, tama nga sa deadma. Wapakels nalang sa sasabihin ng iba most of the time. Siguro minsan need lang din natin magstand up for ourselves in certain circumstances para lang matigil yung mga ganyang social issues. Yung minsan kasi kapag hindi mo sinagot or hindi mo sinabi na may mali sa society or kahit san man, hindi maaayos eh. O kaya naman siguro kanya kanyang diskarte lang. 😉

        Like

      7. Yes. Double standards kasi sya noong unang panahon pero ngayon kasi iba na eh. Iba na din ang perspective natin kaya lang nakakarinig pa rin tayo ng ganyan. Yun nga sa fx ko lang narinig nakakatrigger eh hahaha

        Liked by 1 person

  2. Hahaha. Besh, kalma. May kaaway ka nanaman ba? LOL.

    Ang take ko dito (at reminder for me), we should not be defined by our past relationships, mistakes, or whatever term we might call it. The pain could make us or break us – either way, choice pa din natin kung paano natin gustong ipagpatuloy ang buhay. 🙂

    Personal confession: I sometimes see myself less of a person because you know… Na tipong wala na sigurong magkakagusto sakin na sincere talaga, yung hindi ako maaassociate sa past ko ganun. ‘Yung feeling na hindi na buo, hindi na deserving sa unconditional love ganyan. Wahaha ang drama ko. Pero oo, nararamdaman ko ‘to minsan.

    Liked by 2 people

    1. hahahaha magdisclaimer na siguro ako na hindi ako ang may karanasan nito? hahahaha

      natitrigger talaga ako ng gender equality issues haha narinig ko lang talaga sa fx yang pinaguusapan nila HAHAHAHA teka nga ieedit ko baka akalain ako nanaman to hahahahah

      Liked by 1 person

      1. Nilagay ko na hahahaha baka sabihin personal ko itong experience hahahahaha

        Tsaka besh una sa lahat, we were taught sa family talaga namin na walang talo talo and all. My parents are separated and my siblings and I are products of broken family but we never felt na natalo kami nor my mom showed na natalo siya. Kaya I’m coming from the empowered, not the suppressed hahaah

        Liked by 1 person

      1. THIS:

        I sometimes see myself less of a person because you know… Na tipong wala na sigurong magkakagusto sakin na sincere talaga, yung hindi ako maaassociate sa past ko ganun. ‘Yung feeling na hindi na buo, hindi na deserving sa unconditional love ganyan.

        Liked by 1 person

      2. Ahhh.. Oo nga ano. Ang understanding ko eh ako yung nag-lelabel sa sarili ko. Pero parang jinudge ko ang ang mga lalaki ano? Ewan kuya. Bagsak ang self esteem ko sa mga ganyang bagay. Haha.

        Like

    1. Hahahahahah damang dama ko eh hindi naman ako yung kinakausap HAAHAHAHAH pero getsssss ang dami kasing hindi na nagiisip. salita nalang ng salita basta, nakakaoffend na pinapafeel satin na mahina tayo kaya manghihina tayo pag naiwan ng jowa when in fact dapat stand tall lang ang peg natin. Hahahah

      Like

  3. Minsan nakakainis makarinig ng ganyan. Ang aga ng katipunera mode mo, ‘teh. Hahahaha.

    Agree ako dun sa walang talo talo. And agree din ako na babae din ang nagkecarry ng burden kapag nagka-anak tapos hindi pinanagutan. Hindi mo rin talaga mapipigilan ang bibig ng mga tsismosa sa kanto. So madalas deadma na lang din talaga. Pero minsan din andun ung urge na makisagot lalo na kapag walang sense mga pinagsasabi nila. Kung trolls lang yan sa net, malamang nadumog na sila. Lalo na sa Twitter.

    Liked by 1 person

  4. Ano ba, ah. Hindi naman kasi maiwasan talaga yang ganyan dahil eversince the world began (haha), nakatatak na superior ang lalaki sa babae. Diba nga paunti-unti, nagbabago yung concept and mas nabibigyan na ng rights and opportunities ang mga babae. Maski din kasi sa mga religion, nasa ilalim lang ng lalaki ang mga babae at wala masyadong karapatan. Swerte pa rin nga tayo unlike sa ibang culture na parang commodity ang turing sa mga babae at angmga i
    “Impure” ay walang value, pinapatay, kahit minsan na victim lang din naman sila.
    Kaya maganda sigurong gawin, bilang tayo-tayo lang naman din ang magpapatuloy sa mundo, hayaan mo nalang sila at lilipas rin naman yung mentality o paniniwala, mag establish tayo ng bago. Biktima din ako ng ganyang mindset at nakakaimbey. Kaya ngayon sa mga anak kong lalaki, syempre ituturo ko sa kanila paano itrato ng maayos ang mga babae, ganern.
    Pero minsan, may mga advantages at perks din naman tayong mga babae at di natin maiiwasan na may lamang din tayo diba. Kagaya nalang sa custody ng mga anak o diba.

    Like

  5. Lalaki ako. Para sa akin, Wala naman talagang talo. Depende lang yan sa tao. Parang mas marami pang lalaki ang nagpapakamatay pag iniwan ng babae, kesa sa mga babaeng nagpapakamatay na iniwan ng lalaki. In that case, talo ang lalaki! When it comes to emotional strength, di hamak na mas malakas kayong mga babae kesa sa amin. Our emotions are weaker than yours.

    Yung iba, sinasabi nilang “talo ang babae” kasi they treat women with HIGHER VALUE kesa sa mga lalaki. Precious kasi ang mga babae, ‘ika nga. Ang mga lalaki naman, “nothing to lose” kasi nga lower ang value ng mga lalaki sa point of view nila. Losers have nothing to lose, di ba? Ganun ang mga lalaki para sa iba — they are losers, nothing to lose. Samantalang ang taas ng value ng mga babae. They have something to lose. Pero yung nga, that’s their view. To be honest, that was my view when I was young.

    But in the past decade, nakita ko, patas lang naman talaga. Lalaki o babae — they are equal. They have different sets of natural strengths but they perfectly complement each other. Sa broken relationships, one thing is certain without doubt: pareho sila talo. Walang panalo dyan.

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s