FIGHT LANG NG FIGHT!

*This post is written in Filipino*

Magmula Tuesday hanggang ngayon, Biyernes, late na ako talaga umaalis ng bahay namin. Ang bagal ko kumilos, ang dami kong hanash at seremonyas at kung ano ano pa. Inuuna ko magcheck ng FB messenger, twitter at makipagchika chikahan ng konti tapos tsaka palang ako iinom ng tsaa, tapos non, tsaka palang ako magsisimulang mag-Yoga.

Tsaa – Yoga – Ligo – Breakfast – Skincare – Bihis at Make Up ng Konti – tapos tsaka ako aalis.

Mga 3 minutes walk palabas ng (mini) village – abang tricycle – van papuntang office.

Ganyan ang eksena. Yung alarm ko, isang oras ko nasu-snooze kasi nagpapanggap ako na kaya kong bumangon before 6 pero before 7 talaga ako naguumpisa. Ang labo.

Pero ano ba talaga yung point ko ngayong araw na ito? Eto.

Sinubukan kong bilisan ang kilos. Imbes na 38 minutes ang yoga ko, 32 minutes lang siya kaninang umaga. Sinubukan kong magmadali sa abot ng aking makakaya pero saktong 9am pa rin ako lumabas ng pinto ng bahay namin. Hinatid ako ni mama sa labas ng village at nag-abang kami ng tricycle. Malapit lang naman kaso dun sa area na iyo n, talagang mabagal ang usad ng trapiko. Malala kaya nagka-counter flow yung mga tricycle (alam ko nakakainis hahaha pero napapabilis yung pagpasok ko sa opisina hahah pero wag talaga dapat mag-counterflow) so ayun na nga, yung nasakyan kong tricycle kanina, hindi masyadong nagka-counterflow yung driver. Takot at ilag sa blue boys (mga traffic enforcer sa area na yun) kaya ang tagal bago ako nakarating sa sakayan ng van papuntang Taguig. Halos magtetrenta minutos akong nasa trike pero iniisip ko nalang na mabilis lang naman biyahe ng van kaya keri lang. Pagdating ko dun, muntikan maging blockbuster yung pila. Nagmimeeting pa kasi yung mga van kung papaano sila babiyahe dahil may mga nanghuhuli daw na mmda (colorum yung ibang van kasi eh kaya ganyan, ‘wag niyo ako sisihin, walang ibang means of transportation talaga na maayos kaya hindi mo na masisi yung mga ganyang kabulastugan huehuehue) siguro mga limang minuto din akong nakapila, pero pinasakay na agad kami. Kaya lang sa mas matrapik na area dumaan yung driver. Sa isip isip ko, kapag nga naman kinant** ka ng kamalasan oo. Pero ayaw ko isipin na male-late ako. Positive lang tayo. Push lang tayo.

Nagtext ako sa ka-opisina ko at binilin ko na sabihan nya ako kapag may kalaban na. Alam na niya yun.

ANG BAGAAAAL ng usad. Ang bigat ng trapiko sa dinaanan ni kuya driver upang makaiwas na mahuli ang illegal na pagbabyahe niya, kaya naman nagdadasal talaga ako na sana umabot ako sa opisina.

Pagdating ko sa Taguig, limang minuto nalang ang nalalabi, tapos inabot pa ako ng STOP sa traffic light ng pedestrian kaya naghintay pa ako ng 2 minuto. Di na sana ako magmamadali kasi alam ko malelate na ako, wala nang pag-asa bat pa ako magmamadali eh ganon rin naman, late naman na. Kaya lang may parang bumubulong sakin na KAYA PA YAN! Kaya naman tinakbo ko na hanggang sa building namin (tatawid lang, building na namin ahahaha) tapos sa pagkant** ng kamalasan sakin, ang daming sumakay ng elevator tapos sa 35th floor ako bababa. HUSAY. AYOS. NICE.

Gusto ko mawalan ng pag-asa, gusto ko magtext sa ka-opisina ko na “brad, di na talaga ako aabot” pero parang may bumubulong kasi sakin na FIGHT! LABAN LANG!

Pagdating ko sa 35th floor, saktong 10am ako nag-in. Di ko alam kung hihiyaw ba ako sa tuwa na sa wakas hindi ako nagpa-ano sa kamalasan ngayong araw na to.

Araw araw may nangyayaring kabulastugan sa van eh. Naiiwan ko panyo ko, nadedelay umalis kasi naaaksidente, nasasabit sa mga kung san san yung van tapos lilipat ng van pero kahit ganon pa man, buong linggo akong sinubukang kant*t*n ng kamalasan pero natalo ko siya. Ako ang nag-wagi kasi bakit? Hindi ako nawalan ng pag-asa eh. Kahit pakiramdam ko walang wala na, talo na ako, hindi ko pa rin inisip yon. Lumaban pa rin ako.

So ano talaga sinasabi ko at ano yung hanash sa pagkakahaba haba ng chinika ko?

Kahit pakiramdam mo na wala nang pag-asa, kahit naghuhumiyaw ang mundo sa iyo na wala na, talo ka na, kahit lahat ng mga signs andiyan na, kahit hinihintay nan g buong mundo na tigilan mo na, tantanan mo na at gumive up ka na, hangga’t kaya mo, ‘wag kang susuko. Kasi hangga’t walang resulta, hangga’t di mo nakikita, ‘wag mong pangunahan ang tadhana. Minsan akala mo lang talo ka na, ending may pag-asa pa pala. Diba? Kaya hangga’t kaya, LABAN!

 

Advertisements

9 thoughts on “FIGHT LANG NG FIGHT!

  1. Ay true. Naranasan ko na pong maghabol para hindi malate. Pero buti po 3rd floor lang kaya hinagdan ko na lang. Haha.

    Same din tayo Ate sa 6 & 7 am issue. Haha. Hiral eh, sarap matulog at humiga. 😁😂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s