Hello!

There are a lot of things going on in my life lately that I didn’t even have a chance to greet everyone HAPPY HOLIDAYS!

Or maybe, ayoko kasing magpabebe na bumati pero hindi naman ako festive talaga tapos napipilitan lang. Kaya hindi nalang din.

I realized that on Christmas Day and on the first day of 2018, I was crying my eyes out. What a way to celebrate right? Soooo emotional. Anyway, I hope that you guys enjoyed the holidays spent with family and friends. ❤

I am trying so hard to write about everything that’s been happening but I just can’t bring myself to finish whatever blog post I started and it’s so frustrating. I guess, I’m on a writing slump or there’s just a lot going on that I can’t help but feel so shitty.

**tagalog incoming**

Over the past months kasi ang daming ganap diba, ang daming hanash ng mundo tapos kailangan ko lang mag-keep up kasi hindi naman talaga titigil ang mundo sa pag-ikot dahil sa kalungkutan ko at mga kung ano anong nararamdaman. Hindi maganda yung family set-up namin kasi may mga hindi magandang nasabi na hindi mo maintindihan bakit nasabi. Basta ang sakin lang, kapag ganyan ang isang anak sa magulang, kailangan niya sigurong mag-isip isip. Mag-reflect at magpakumbaba. Tapos sa side naman  ng papa ko diba namatayan kami so ano ba diba, sobrang nakakalungkot yon. Ni hindi naman ako makauwi kasi walang bakasyon bakasyon dito sa office namin tapos death anniversary ng kapatid ng mama ko nung nag-Baguio kami. Sa likod ng masasayang larawan, nakalakip doon yung mga lungkot na dinadala namin. Hindi naman ako nagpapanggap na masaya, gusto ko lang klaruhin na hindi lahat ng mga nakikita nating nakapost sa social media ay bunga ng pagpapasarap sa buhay. May mga storya sa likod nito na nakakadurog ng puso. Sobra kong frustrated talaga kasi ilang pasko na ba kami ganito diba? Lagi nalang. Tuwing magmomove on kami, madadagdagan ng kalechehan.

Nung bisperas ng bagong taon, nagdinner kami sa bahay ng tita namin at dun na rin naming sinalubong ang bagong taon ng maraming pagkain at wine. NKKLK.

Bagong Taon naman ay reunion sa side ng lola ko. Masaya lagi doon kahit simple lang. Favorite ko ang January 1 dahil nakakasama ko ang pamilya namin sa side ng lola ko.

Masaya na malungkot. Masaya kasi ang dami daming bagay na dapat ipagpasalamat, pero nakakalungkot dahil may mga pangyayari na hindi mo talaga maiiwasan. Nasaktuhan lang na wrong timing.

Kaya ayan ngayon. Hindi ako masyado nagkakakausap ng mga tao, hindi ako masyadong nakikipagkwentuhan kasi lalabas lang yung lungkot ko, makakahawa lang ako ng ka-negahan. Tapos may mga bagay din na hindi ko naman alam paano pa sasabihin at ikukwento kasi yung ganitong mga bagay, kailangan ko lang talagang tanggapin eh. Walang formula, walang kailangang opinyon kung papaano ko makakayanan to kasi ako lang din mismo ang makaka-solve nito sa sarili ko. Sad. Hahahah.

Kaya pasensya na kung hindi ako masyadong nagrereply o hindi ako masyadong nakikipagusap. Ganon lang talaga ako. Coping mechanism ko siguro ang mapagisa kung minsan.

Advertisements