Drama Rama

Lately, I have been so stressed out. I keep thinking about how my life is turning out, how things are always a problem, how everything is just making me suffer.

(Tagalog Post)

Medyo mababaw lang ang pinagumpisahan nito hanggang sa pabigat na ng pabigat ang mga naiisip ko. Minsan pumapasok pa rin sa isip ko yung ano kaya kung mamatay nalang ako kasi nakakapagod na. *naiiyak nanaman ako habang sinusulat ko β€˜to* hayyy buhayyy, masyado akong emosyonal.

Bihira akong bumili ng para sa akin, madalas libro lang talaga ang ginagastusan ko. Nagkakasya lang ako lagi sa iisang sapatos hanggang sa masira koi to bago ako bumili ng panibago. Yung mga damit ko, paulit ulit lang din, siguro may mga 2 weeks worth of office clothes lang ako pero hindi naman yun ang pinuputok ng butche ko. Sa sobrang stressed out ko siguro, gusto kong magshopping. Tamang tama, sasahod na ulit tapos bayad na lahat ng kailangan bayaran na mga bills! Habang chinecheck out ko ang reviews ni Kat sa mga skin care product, yun yung naisip kong bilhin! Dual purpose din kasi, pansamantalang matatanggal stress ko tapos magagamit ko pa sa balat kong namumutakte na ng tigyawat sa sobrang stressed. Pumunta na ako dun sa website na sinabi ni Kat, konti lang yung productong bibilhin ko, yung mga talagang kailangan ko lang sa muka ko na malapit na mawalan ng pag-asa hahaha so nung ichecheck out ko na, mga 1700php na siya, pinigilan ko sarili ko. Naalala ko na may tuition fee akong babayaran. Sabi ko sige next time nalang.

Hindi ako nag-OT, kasi gusto ko makasama mama ko eh. Kaya pagka-out umuwi na ako kaagad, mga bandang 8pm nasa bahay na ako. Tapos yung kapatid ko 8:30pm na nakauwi. Naglugaw daw sila ng pamangkin naming (kasing edad niya yun anak ng kuya ko, wag na natin idiscuss hahah) araw araw late yan umuuwi, hindi na alam kung paano pang pagsasabihan dahil talagang matigas ang ulo eh.

Nalulungkot lang ako kasi lahat ng paghihirap ko, iyan ang nakikita ko. Nakakawalan ng gana. Naghihirap ako para sa wala, ganon yung pakiramdam ko. Hindi naman niya kasalanan na hindi siya binibigyan ng ama niya ng pang-tuition, wala naman akong magagawa doon. Si mama naman, buong buhay niya siya lang sumuporta samin, binigyan kami ng magandang buhay, pinagtapos sa magagandang paaralan, kaya ito nalang yung maisusukli ko, ang patigilin siya sa pagtatrabaho para hindi na siya magkasakit. Matanda na mama ko, 54 na yata siya o mag-54 na siya sa October. May mga nararamdaman na din siya na masakit kaya hindi na pwedeng magwork ng magwork pa. Para lang maibsan na yung stress niya at makapagpahinga naman siya, ako nalang nagpaaral sa kapatid ko. Kaya lang ang sakit sa dibdib na yung kapatid ko naman, hindi niya pinapahalagahan yung ibinibigay sakanyang pribilehiyo.

Okay ang grades niya sige, pero yung tigas ng ulo, attitude at pagpapahalaga sa mga taong nagmamahal sakanya, ang hirap.

Sa isip isip ko, pera lang naman yan, mabibili ko rin naman mga gusto ko in time, mabuti nga at wala pa akong anak, hindi rin ako makapag anak anak dahil siya ang inuuna ko sa lahat ng bagay, kaya lang masakit talaga sa dibdib na ganyan pa. Pinapasakit pa ulo ni mama. Siguro iisipin ng iba nagseself pity ako hahahahahahahahahataenanyohahaha joke. Pero kasi, kung mabait bait siguro tong kapatid ko, bale wala sakin lahat ng paghihirap ko eh.

Kagabi naiiyak na talaga ako, pero hindi ako makaiyak. Never umiyak o nagsabi ng ganito ang mama ko sakin kahit nahihirapan na siya, biruin niyo 4 kami na pinagaaral ni mama noon, 2 college, 1 high school,Β  grade school pero wala akong narinig na sinabi niyang hirap na hirap na siya.

Nung hindi ko na mapigilan ang iyak ko, natulog na ako agad kasi baka matuluyan pa ang pagdadrama ko.

Pag gising ko, okay na ako! HAHAHAHAHAAHHAAH

Nagdadasal nalang ako na sana, bigyan pa ako ng lakas ng diyos. Bigyan pa ako ng emotional strength at patatagin pa ang tiwala ko Sa Kanya.

Hanggang sa susunod na drama rama!

Xox, Thea
Advertisements

23 thoughts on “Drama Rama

  1. Ang hirap maging adult no. Lahat tayo iba’t ibang version ng problema. Minsan talaga may mga araw na gusto mo na lang umiyak kasi di mo na kaya. Ako iniiyak ko na lang minsan para at least makagaan ng loob kasi kung hindi nakaka-depress din. Or minsan dinadaan ko sa panunuod ng mga k-drama. Basta Aila, sulat mo nlng lahat para makagaan at lagi mong tatandaan, hindi niya tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya. Nakakainis pakinggan yung sinabi ko hahahahhahaha kasi minsan ang hirap talaga paniwalaan na kakayanin natin pero stay positive na lang! At bilin mo na yung mga skin care products na yan! πŸ˜›

    Liked by 2 people

    1. Sa Althea Korea keme ako oorder, mas oks ba dun kesa dun sa Style Korea ba yun, nabasa ko kasi sabi mo hindi ka rin makapili or something like that? Hahahah tapos ang dahilan ko lang kung bakit dun ako sa Althea kasi nakaconvert na into peso HAHAHAHA

      Kat, salamat!! Si Kyx nga makapag-bagbag damdamin na yung sinasabi sakin nakakatawa na nakakainis na gusto ko sya kurutin ahahah sabi kasi “ang sarap sarap kaya mabuhay kahit madaming problema” hahahahah may point naman diba haha. Pero ayun, natulog nalang ako kagabi kasi malapit na ako maiyak. Tapos napanaginipan ko pa pinutol ko daw daliri ng isang kuya ko? WTF!?? ANYARE?? AHAHAHAHHAH

      Like

  2. Hala ate, kaya mo yan. Fighting lang. Siguro, one day, marerealize din ng kapatid mo lahat ng efforts mo at magtitino rin yan. Yung kapatid ko ganyan din, ma-attitude, dinaig pa ako sa na parang mas matanda siya sakin pero now, okay na kami. Di maiiwasan yung misunderstandings pero alam ko, alam niya sa sarili niya na ako pa rin mas matanda and dapat di niya ako ginaganon. And for sure, may magandang magyayari sa’yo ate, siguro hindi ngayon pero malay mo mas malaki pa yung ibigay sa’yo ni Lord kasi ang dami mo po nagawa para sa family mo. :–)

    At kung feeling mo po na sobra na yung stress mo, tama si ate Kat, isulat mo lang and andito lang kami for you. Bilhin mo na rin po yung skin care products na gusto mo. Hehehehe.

    Liked by 2 people

    1. Naiyak ako sa sinabi mooo hahahahahah peroooo syempre pinigilan ko kasi nasa opisina ako HAHAHAHAHH so singhot singhot lang ako ng very slight dito hahah

      Sana nga ganon, sana marealize nya. Matigas kasi ulo sobra eh nakakatakot kasi baka magkamali siya, siya rin ang kawawa 😦 hayyy.

      Salaaaamaaat!! ❀

      Liked by 2 people

      1. palagi sakin sinasabi ng lola ko na ako raw yung panganay, dapat ako yung magpasensya at umintindi, kahit na may point na parang feel ko naabuso na ako ganern pero wala, ganon talaga ang role natin na mga ate di ba?

        siguro factor yung kinonfront ko siya na dapat respetuhin niya ako at naiinsulto na ako sa ginagawa niya. totoo ate, naiyak pa ko nun. at ilang buwan din kami di naguusap non. buti na lang may epek ang paginarte ko non.

        Like

  3. Hala ate!! Naiiyak ako dyan.. Sobrang bait mo!! Sobra ung mga sacrifices mo.. We are always here for you.. Seryoso yan.. Kaya mo yan ate.. Go go go fighting!!😁😘❀❀

    Like

    1. Naluha nanaman ako HAHAHAHAH yung comment mo kasi CJ eh!! HAHAHAHAH

      Pero kunyare naghikab lang ako kasi di pwedeng lumuha, sayang naman ang eyeliner ko na pinaghirapan kong ilagay kaninang alas otso g umaga HAHAH

      Salamat sa inyo! πŸ™‚ Di naman siguro dahil sa mabait ako? Hahahaha kaya lang gagawin ko kasi talaga lahat para sa mama ko. Kung ang ikinahihirap niya ay yung pag papaaral sa kapatid ko kasi mashonda na siya, kakayanin kong pasanin yon para sakanya haha. Kaya sana naman umayos ayos na tong si bunso ahahha

      Like

      1. Hala sorry ate. πŸ˜‚πŸ˜‚ la sobrang bait talaga.. Huwarang anak. Haha. Oo dapat marealize naman niya ung sacrifices mo ate..
        Nako kaya ako, la halos di na ako natutulog para lang makahabol sa grades ko. Para din naman masayang ung mga paghihirap ng mga nagpapaaral sa akin hahaa.

        Like

  4. Same po tayo Ate. Hihi. Hindi rin magastos at libro lang din ang bisyong binibili. Ganun din sa shoes. Hintayin munang masira bago bumili ng kapalit. Haha. One timer ang peg. Osha, akala ko po kasi ako lang ung ganun. At heto nga, napahaba ung comment ko. Ahihi.

    Hala, same din po tayong nagsu-support sa kapatid. Hanga po ako sa mga ganoong tao. I salute you Ate.

    Whatever po na pinagdadaanan niyo, daanan niyo lang po iyon at huwag tambayan. Dumadating din po ako sa ganyang sitwasyon na parang ayoko na, gusto ko nang sumuko, ganern. Kasi parang wala lang. Parang nababalewala lahat. Pero bumabalik sakin ung mga araw na bakit ako nag-aral? Bakit ako nagtiyaga na makatapos. At ayun nga, bigla bigla na lang na-re-recharge ang utak ko at sinasabing wag mag-isip ng mga ganoong bagay. Hindi man po kita know personally, but I know, KAYA MO PO YAN ATE. GOD will help you. Tawag lang po tayo sa Kanya.

    Osha, napahaba na po ito ng sobra. Sana hindi po kaya na-boring magbasa. AJA. Fighting, Ate.

    Liked by 1 person

    1. Girl bakit hindi ko mavisit blog mo? huhuhu

      Anyway, kainis kayo naiiyak ako sa mga comments ninyo huhuhu hahahahahaha
      malungkot ako kasi diba naiisip ko na parang bale wala pero dapat hindi ako sana ganon magisip eh kaya parang naiinis din ako sa sarili ko. Huhuhu. Bigyan pa natin ng konting pasensya at pagmamahal. madaming pagmamahal pa.

      Salamaaaat grabe. Nakakadagdag ng pagasa yung mga sinabi mo, yung mga sinabi ninyo ❀ hihi.

      Salamat talaga!!!!! huhuhuhuhu nagpipigil nanaman ako na iyak ahahah

      Liked by 1 person

      1. Hala, bakit po kaya hindi niyo ma-open? Wala naman po akong ginawa. Hihi.

        Masarap po sa pakiramdam na ako po’y nakatulong through my comment, though nakakaranas din ako ng struggle sa buhay. Totoo po pala talaga na magagamit natin ang mga iyon para magpalakas ng kapwa. There’s strength in weakness, sabi nga. Hanudaw? Pero tama po kayo, madaming pasensya pa at pagmamahal to the nth power. Time will come, makikita at ma-re-realize din nila ang mga ginagawa natin sa kanila. Smile na po tayo Ate ha. πŸ™‚ Huwag na po iyak. Baka ma-dehydrate. Haha.

        Ang haba ulit. πŸ˜€

        Liked by 1 person

      1. Girl iedit mo yung sa nakalagay sa profile yata hindi ko alam kung san ineedit hahahha kasi nakalagay sa url mo thepurposedrivenwriter.com kaya pala tuwing binubuksan ko di lumalabas hahahahaah

        Anuuuu baaaa wala yun hihihihi ❀ ❀ ❀

        Liked by 1 person

  5. Friend, kaya mo yan! Isipin mo na lang na willing kameng magbasa at pag-share-an mo ng mga problema mo. πŸ™‚ Pasasaan ba’t lilinya din ang mga bituin. ❀ Kapit lang. πŸ™‚

    Like

  6. Ngayong araw sumabog ako. Umiiyak ako every hour basta walang tao sa banyo dito sa office.

    Ang masama dun hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Siguro nagsama-sama na lahat ng problema.

    Like

  7. Aila, mahirap talagang ilagay ang -ING sa Adulting. Hahaha. Kahit ako di ko parin namamaster yan.

    Hmm, I know how you feel and what’s you’re going through. I supported my family right after I graduated kaya hindi ko narin prinactice ang nursing kahit pumasa ako ng board exam kasi I need to send my 2 elementary siblings to school tapos may isang college pa akong pinapaaral, aside sa inaabot ko sa parents ko.

    Deep breathing when it feels too much. Nakakaurat minsan ang adulting. Darating din naman yung time na yung sarili mo naman ang iisipin mo. Mahirap din magpalaki ng kapatid talaga. Magmamature din yun. Magtravel kayo ni Kyx kung kaya kung kailangan mong magunwind.

    Mahirap ang depression if it hits you hard. I was lucky na hindi gaanong post partum depression. I know someone who has one. Talk to your closest friends who would understand you if it gets too much. Tama si Kyx, masarap mabuhay. And think of it this way, pwede ka namang maging selfish on some other ways but not suicide ha?

    Sending virtual hugs, Aila! Iinvite kita one of these days for cofee, if you need someone to talk to. πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. A!! Gusto ko yang coffee coffee na idea mo na yan.

      Salamat! Minsan talaga ang hirap lalo na kapag ang tigas ng muka ng kapatid ko. Pero ngayon, naging okay na ako. Syempre malaking parte yang pagcocomfort ninyo at ang pakiramdam na hindi ako nagiisa sa mundo. ❀

      Mas marami ka pang pinapaaral sakin tapos ang oa ko na magdrama! HAHAHA

      Like

  8. Ateng, kainis ka lagi. Haha feeling ko kasi ako ung kapatid mong matigas ang ulo. Sorry po. Haha. Ang kwento ko naman, kabaligtaran mo. Ako taga ung medyo matigas ang ulo. Ako daw talaga. Walang iba e. Haha. Pero ako din ang sumusuporta sa magulang ko. Nagbabayad ng bills, groceries, lahat sa bahay namen! Kasi ako nalang ang pinagpala. Pero nakakainis na ako pa ung palaging matigas ang ulo. Laging masama ang ugali ko. Hindi ko na nga mabili ubg gusto ko para sa bills namen tapos masama pa ugali ko. Iyak nalang. Haha nakarelate kasi ako dun sa hindi ka makagastos for yourself kasi iniisip mo sila.

    Sorry, ang gusto ko lang talagang sabihin baka naman pumapasok naman sa isip nya ung mga sacrifices nyo at naappreciate nya yun iba lang ung way nya ng pag-thank you.

    Hindi ko naman sya pinagtatanggol. Pero baka lang hindi nya masabi, kami nalang magsasabi sayo. Isa kang ulirang ate. Napakabuti mong tao. Napaka selfless mo. Seryoso yan ha.

    Minsan, sobrang selfless natin literal na nakakalimot tayo sa sarili naten. Kaya gooow! Bilihin mo na ung bibilihin mo. Pero kung masshort ka, isa isahin mo nalang hehe ✌

    Sorry late na tong comment ko. Virtual hugs for you! Sana ok kana by now and di kana maiyak oag binasa mo to. Sana matawa ka nalang para happy lang πŸ™‚

    Liked by 1 person

  9. Love you. Wala na ko mahaba sasabihin kasi okay na naman and alam kong strong ka. Pero andito lang ako always. Balang araw, sure ako marerealize ng kapatid mo lahat ng ginagawa mo for her and masusuklian n’ya ‘yun. Pero now, alam ko si Lord ibibigay N’ya kung anong para sa’yo at kung anong deserve mo.

    Basta write it all out lang. We’re here listening.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s