VIRAL

UPDATE:

I don’t think people understood what I was saying or maybe they did tapos ako yung hindi nakaintindi hahahaha. But what I am really trying to say and pointing out is how teka, ayan nafigure out ko na, how people love seeing other people’s lives go viral. How other feel the need to make something viral when they are bashing someone.

Cases in point: Kabit VS Legal Wife, Ex-BF VS Ex-GF retaliating every single detail why they finally broke up. Naniningil VS Nangutang ; Posts usually start off with “Pasikatin natin ito” shaming other people for what they have done.

Ayan shet, nagkakalinaw yung pinoproblema kong hindi ko naman dapat iniisip HAHAHAHA


In line with what I have written yesterday HERE let’s clarify the difference of social relevance, rants and parinigs over social media.

When something is of social relevance like the public must really be involved, something about a crime, a video of people being harassed in traffic, while stuck in traffic or something about a social issue, it’s okay especially if social media is the only way to trace the person you’re trying to pursue.

For instance, I came across a video today that went viral when an elder woman harassed a twenty year old something young lady in a public transportation. In that post, she said that she’s posting it so that she can find that person who harassed her so she can press charges or like at least have her parents talk to that person. So that’s actually something reasonable at least, for me. (or is it not acceptable? Nalilito na ako mamshie)

Then if you rant on your social media or make parinig, I don’t think I get to have a say in it (since I rant so much on twitter) We are all responsible over what we post on social media and if someone calls you out, it’s on you. As for your readers, friends or followers, they can just mute or unfollow, it’s their call.

While writing this, I have contradictions toward my ideas. HALP! What can you say about this issue? Tara let’s discuss! HEHE ❤

 

Advertisements

17 thoughts on “VIRAL

  1. Wala nang nakipag-discuss, haha. Naba-bother ka ba kapag hindi mo alam ang tamang posisyon sa mga bagay-bagay? Ako medyo, hehe.

    Madalas kapag may ganito akong confusion, hindi ko na sinasagot kung alin ang “okay” vs “hindi okay.” Mahirap kasing makahanap ng sharp na delineation e. Iba-iba kasi tayo ng trip kaya mahirap mag-analyze on a micro level, ika nga.

    So ang ginagawa ko, sinusubukan ko na lang itaas ang diskurso. Sa halip na itanong kung “okay ba ito o hindi?”, tinatanong ko na lang kung “bakit nga ba nangyayari ito”? Bukod sa malawak na reach ng social media, sa tingin ko factor din sa tendency natin na mag-post ng harsh content (e.g. paninira sa kapwa, pambu-bully) ay dahil disembodied tayo sa online world. Limited sa salita at memes ang sagutan kaya hindi natin magagap ang physical consequences ng mga pahayag natin. I’m sure marami sa mga mahilig magparinig ang magiging hesitant magparinig kung nasa harap nila ang target. Kasi unlike sa internet, may posibleng physical manifestation ang retaliation sa totoong buhay.

    On top of that, I think most social media users (middle class majority, I think) have the tendency to seek approval and feel “better” than others. Kaya mabilis mag-viral ang videos na nagre-reveal ng kabalahuraan ng ibang tao. Many would say it’s simply because people don’t tolerate kabastusan but I don’t think that fully captures it. When we post and share a video showing that some bitch be a-bitchin’, we implicitly implore others to look down on this person. And videos like this possess great viral potential because we are also inclined to collectivize — we generally want to be part of some crowd, and a crowd that makes us feel morally superior can easily draw us in.

    Hehe sorry mas mahaba pa ang comment. Insights lang naman ‘yan, at lagi ko namang sinasabi na I’m willing to listen and improve my analyses on issues like this. Although feeling ko wala namang mage-engage sa akin (or sa atin) haha. Gusto ko lang i-share sa ‘yo Thea, kasi kung naba-bother ka sa “contradictions,” hindi ka nag-iisa. 😀

    Liked by 1 person

    1. Jolens!! Nababother ako!!! Hahahahaha yung di na alam kung ano oks sa hindi oks hahaha. Ikaw na lang sumulat tungkol dito tengene di ko na alam eh hahahaha

      Agree ako sa mga sinabi mo and siguro nga ganon nga talaga, nagsiseek lagi ng approval ganon. Teka kagigising ko lang yung braincells ko hindi pa masyadong gising hahaha

      Pag kasi gantong lito na ako, gusto ko malaman yung mga insights ng ibang tao, tignan mo yung sinabi mo, nakakabukas kasi ng isipan eh. Tsaka ako kasi yung tipo na gusto ko laging may sagot mga bagay bagay, gusto ko nalalaman yung kahulugan kahit sabi nga ng kuya Theo ko, may mga bagay na sadyang “wala lang” tapos pilit kong hinahanapan ng meaning haha. Kaya ayan ilang araw na nasa isip ko yan tsaka kasi nakikita ko sa mga viral posts nalang tayo magconcentrate ah kasi yun talaga yung concern ko haha, nakikita ko yung mga comments dun NAKAKATUYO NG UTAK! Parang lahat sila bash ng bash hindi naman nila kilala yung taong involved!

      Sa pagkapatola ko nga at pagiging Tita ko nireport ko sa FB!! Hahahaha

      Yung mga parinig kasi kaya ko syang itolerate kasi kaya kong piliin na wag basahin eh. Yung viral posts kasi hindi na controlled ang audience kaya nakakaalarm. Hehehe

      Liked by 1 person

      1. In fairness naman sa FB ko wala masyadong annoying viral shit haha. Though oo nga, nakakatuyo ng utak ang comments sa news at FB posts. Good on you for reporting! Haha.

        Ako rin gusto kong nakikinig sa insights ng iba, lalo na kung well-reasoned out at may malinaw na basis. Bonus points kung eloquent ang pagkakasabi, at extra bonus points pa kung nakakatawa haha. Kaya ako mahilig magbasa e, I think the best books are those that share valuable insights on life, etc.

        Post ka lang kung maguluhan ka, kahit tungkol sa “wala lang.” Kahit walang ibang magcomment chichikahin kita kung may time, sabay tayong magmuni-muni hahaha. 😀

        Like

  2. Para saken, naooveruse kasi ang social media. If I remember it right, feeling ko, nauso lang naman ung mga viral kyeme nung may nafefeature na sa TV like ung lolong nawawala tas nahanap, nagkita ulit sila ni lola. Feeling ko lang, simula nun, nauso na ang sharing ng mga naka public na post regardless of the purpose. Ang dami nang nagviral, ang dami nang nag-share. Tapos, ang thinking naman ng tao “ay..nakarelate ako, share ko nga. Tamaan sana si ano” ganun. Or maybe, “Pasikatin naten (para mapahiya)”; Or, “Ishare nyo para makaabot kay Mayor”. OK lang naman yun talaga e. Kaso lahat ng sobra, masama naman, dibey.

    Depende din sa personallity ng tao kung ano ang ok at hindi ok sa kanila. Yung ok lang para saken baka nakakasira na pala ng araw mo. Hindi talaga naten masabi kung ano yung dapat at hindi dapat lalo na when it comes to posting on social media. After all, wala naman sinet na rules si facebook o twitter o instagram. At wala din naman masama kung ganun mo iexpress ang sarili mo. Kung puro lang rant yang account mo, e account mo yan, jan ka masaya. haha. kahit di ok para sake yan e di hide on timeline o unfollow o unfriend kita. ganern. haha.

    End of the line, account ko to. Kung anong ipopost ko, it’ll reflect on me, not on you. Nakikibasa ka lang. So whether ok sayo or not, ipopost ko to. Kung ayaw mo, wag mong basahin. Kung nakarelate ka, share mo pa kung bet mo. haha. Parang ganun.

    Ang importante lang, whatever you see in the social media, wag ka masyado magpaapekto. Yun lang. Hehe.

    Liked by 1 person

  3. Para sa akin naman, sa tingin ko, lahat tayo may karapatan mag post ng gusto natin kasi may ‘freedom’ tayo. Depende na lang sa tao, sa personality niya at moral compass na din para i-assess ang isang bagay kung magiging okay ba yun para sa public consumption. At the same time, I think, karamihan ng tao nakakalimutan yung SOCIAL RESPONSIBILITY nila pag nagppost ng mga bagay bagay online. Kumbaga, always doing it for the likes and views ang thinking nila. Always for that and less about how their post can impact other people. Nawawalan ng respeto, delikadesa, at filter – which can be viewed negatively or positively depending on the situation. Also, merong nauuso na ‘woke culture’ at ‘call out culture’ ngayon kung saan madalas dinidisguise nila as pag-cocorrect nila sa isang tao yung pambubully nila. Ang daming ganyan, yung feeling nila tama ung ginagawa nila pero di nila alam bullies na sila.

    Kwentuhan nlng kita kung bakit wala din akong masyadong social media ngayon. Madali din kasi akong naapektuhan ng mga nakikita kong post online. For example, nakita ko yung friend ko nagbakasyon, naiinggit ako. Or yung magjowa kong friends nag post happy in love, ganern, gusto ko comment-an ng ‘magbbreak din kayo’!!!! 😛 Or yung mga viral na ganyan, tapos babasahin ko yung comments minsan matatawa ako or minsan gusto ko sabihan yung nag comment ng TANGA! I mean, grabe, minsan talaga nakakaapekto ng araw! Tapos next thing you know sobrang affected ka na dun kaysa sa real lyf mo. Ayun, so I decided na yung social media is affecting me negatively na kaya I decided to stop and take a break from it. Nag unfriend, unfollow, mute, delete, hide, lahat na ginawa ko kasi nga ang pangit na ng effect sa akin. Nakakahiya aminin pero yan yung totoo. And I think if you’re getting too affected by the things you see online (kaya ka nagiisip ng ganyan), girl, it’s time to take a break from everything and reassess what really matters in your life.

    At the end of the day, everybody has the right to post what they want. Wala namang rules online – prinsipyo, manners, and maturity mo na lang siguro makakapagguide sayo when you post. What’s right for some people may not be right for the other. Yan ang flipside ng ‘freedom of speech’.

    Liked by 1 person

    1. Di naman ako affected sa personal posts ng mga friends. Yung affected ako yung mga nagvaviral. Kasi ganto yan, hahah may nakita ako na ang daming nagshare nga nung about sa niloloko nung babae yung lalaki for 7 years tapos nagkukwento na si guy dun (di ko sila kilala personally ah) kaya lang, since biktima na kasi ako ng social media bullying (pero hindi viral since sa GC lang nila ako inaway) parang feeling ko teka teka, bakit ba social media ginagamit nitong mga ito sa pambabash. Ayun, kaya ako napapaisip. hahaha

      Pero I repeat, sa mga pinopost, rants and parinig wapakels ako HAHAHAH kapag ayaw ko kasi ng nakikita ko unfollow agad ako or unfriend.

      Sa rants at parinig wala akong pake kasi lagi akong nagrarant sa twitter ko HAHAHAH.

      Ayun nga, ang concern ko lang sobrang daming nagvaviral tapos binibida bida nila yung nagpost na parang hero. Eh kung tutuusin, hindi dapat pinapaviral yung mga ganon. Tsaka yung mga video na nagbugbugan dalawang babae kasi kabet yung isa, parang ginagawang entertainment na sa social media yung pag ganon na ang mga pinapakalat, yun yung na-aalarm ako.

      Liked by 1 person

    2. Tsaka dapat siguro hindi na ako nagbabasa ng comments sa mga viral posts jusko kasi naaapektuhan ako. Agree ako dun sa sinabi mo na ang sarap sabihan ng TANGA! grabe tapos ang dami pang bastos. May nakita ako na comment dun sa ex bf ex gf issue na nagviral tapos cheater kasi yung babae tapos yung comment dun “ang kati ni ate, sarap silihan ng p*kp*k. Juskooooo nakakairita HAHAHA

      Pero dapat di siguro ako nagpapaapekto sa mga ganto sayang buhay ko hahaah

      Liked by 1 person

      1. Hahahaha true dapat di ka magpaapekto. Pero kasi agree naman talaga din ako…madali maapektuhan minsan ng mga nakikita sa social media. Tao lang din naman tayo. May ganyan tayong mga tendencies. 😛

        Ito naman ang comment ko dun sa update mo, hahaha! Kwentuhan nlng kita ulit. May isa akong blogger na fnfollow dati – maganda, living the aesthetic lyf. Tapos ayun nagcall out si ate, next thing you know, bullied na yung cinall out niya. They’re both bloggers ah. She believes na she did nothing wrong since all she did is call her out. She didn’t even think that her speaking up might have influenced her followers to start hating on this other girl and cause bullying. I’m not saying na dapat hindi na siya nagsalita…pero blasting online isn’t the way to go. Especially since both of them are bloggers pa naman. There’s always a better way. A private way!

        Yung point ko….ganun pa din…hahaha wala pa din tayo magagawa kasi may mga tao na ginagamit ung social media for this purpose alone – mamahiya ng tao. Tapos since maraming gumagawa ng ganun, feeling nila socially acceptable na yung ganun. Every time na may nagllike, nagccomment ng ganun, na-ffuel yung ganun klaseng irresponsible way of using social media. Ang pangit diba. Kaya nga ayun hahaha bumalik lang ako sa kung bakit hindi/wala na akong social media. Kasi nga hindi ko din naman macocontrol ano ippost ng iba, pero i can control what I see. 🙂

        Liked by 1 person

      2. WOAH!!! Grabe naman yan Kat!
        DIba sakin din sa GC “call out” din pero in the end nabully na pala ako. Hahahahah. Buti nga hindi nagviral yun at kahit papano sa GC lang eh.

        Grabe na kasi mga tao ngayon, feeling nila sobrang makapangyarihan lalo na pag napost na. Hahaha.

        Dati Kat naiinggit din ako sa mga taong personally na kilala ko pero dati pa yun tapos ngayon wapakels hahaah di na nga rin ako nagbabrowse masyado sa FB kasi kairita lang din minsan eh haahah

        Liked by 1 person

      3. Gusto ko tong post mo na to Aila kasi pak na pak! Ang dami sigurong natatamaan kasi sigurado ako lahat tayo kahit minsan nagawa na or ninais mamahiya/magcall out/gusto gumamit ng social media this way 😛

        Liked by 1 person

      4. Yung mga parinig ko laging sa twitter tapos sa FB mga ganon. Mga petty o kaya mga rants about sa buhay HAHAHAHA

        Never ko pa natry yung itatag ko na talaga. Grabe ang lala na non siguro pag ganon ahhahaha

        Tapos may bago pa palang default na opening line yung mga nagvaviral “shout out nga pala kay keme keme, ang landi mo” mga ganyan tapos with matching screenshots na and pictures! HAHAHA

        Liked by 1 person

      5. Shout out nga pala kay Aila na super affected dito LOL. Joke lang. Ewan ko ba talaga kaya sobrang toxic minsan eh! Pero yun nga sana matauhan din yung mga mahilig mag call-out ng ganyan. Di nila naiisip yung effect ng mga ginagawa nila…. tsk.

        Liked by 1 person

      6. HAHAHAHAHAHAHA natawa ako tapos ang lakas eh nasa opis ako ano ka ba Kat ahhha

        Nasa blog mo ako tapos ang layo na ng binabasa ko. As of now nga pala, andon ako sa skin care chorva ahhha

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s